Chapter 03

2.1K 35 0
                                    

Fairen Pov

Hinubad ko ang damit ko at pumunta banyo,iniligo ko na lamang ang init na nararamdaman ko,bwisit bakit nakakaramdaman ako ng init ngayon dati naman hindi kahit may nakikita akong nagsesex.

Pagkatapos kong maligo lumabas ako ng cr at nagpalit ng damit tyaka lumabas sa kwarto ko,nakita ko si Ena at si anni na parehong tulog na walang saplot,naglakad ako papunta sa kusina at nagsimulang magluto ng pananghalian namin.

"Ang bangooooooo,"nagulat ako dahil sa pagsigaw ni Ena,"luto na bayan?",tanong nya at umupo sa upuan nakaligo na ito at nakadamit na.

"Maghintay ka hindi mo ako yaya,"sabat ko sa kanya,inirapan nya naman ako parang gusto ko tuloy na ibato yung sanduk na hawak ko,"huwag mo nga akong iniirapan dyan kupal ka,"sabi ko sa kanya.

"Ene be Renren nepeke heybled me kelme leng eke,"ibinato ko na nga sa kanya yung sanduk na hawak ko bwisit sinasaniban na ulit sya ng aliens,"meseket yen te,"huminga ako ng malalim trying to calm down myself.

"Hey,"napalingon ako dun sa pintuan nakita ko si anni na nakatayo roon at katulad ni Ena nakadamit narin ito.

"Huwag ka munang umuwi Anni kumain muna tayo,"pang-aaya ni Ena tumango naman si anni at umupo sa tabi ni Ena,"masarap ang Luto ni saint Fairen,kaya ngalang tamad magluto pero ang lakas kumain,"abat talagang dinudumian nya ang profile ko ah.

"Ang sabihin mo ikaw yung matakaw at tyaka haller itlog lang naman ang kaya mong lutuin,"depensa ko sa sarili no akala nya siguro magpapatalo ako no way.

"Kung hindi dahil sa itlog na niluluto ko baka nakabulagta kana sa kahit saang parti ng academy dahil sa gutom,"sabi nya naman talagang hindi rin nagpapatalo si Ena"Buti nga at may itlog kang kinakain eh rereklamo reklamo kapa."

"Haller mukha ngang yung itlog na luto mo ang papatay sa akin,"depensa ko ulit,"dahil minsan durog durog at minsan overcook minsan din hindi pa luto,"I evily smile when she rolled her eyes hudyat na susuko na sya.

"Pagpasensyahan no nayang babaeng yan anni dalawa kasi ang bibig nyan,"Baling ni Ena kay Anni na may ngiti sa labi,pero boom panalo nanaman ako sa debate namin,"takas din yan sa mental kaya kung makangiti parang baliw ang sarap ipalapa sa aso."

"Hay naku okay lang haha ang saya nyo kayang panuurin,"natatawang sabi ni Anni na akala mo sya na ang kahulihulihang abnormal sa mundo,"buti hindi nyo naiisipang magpatayan."

"Binabalak ko na nga yang gawin mamayang gabi eh,"sabi ko at ngumisi-ngisi pa,"handang handa nayung tali sa kwarto ko."

"Ikaw lang yata ang kriminal na bago gagawin ang plano ipinapaalam pa sa target,"buntong hininga na wika ni Ena,"may pagkashunga ka rin pala."

Nang tuluyan ng maluto yung ulam namin sabay-sabay kaming kumain na minsan nagbibiruan at ako talaga ang target nila,hanggang sa matapos kaming kumain nagpaalam na si Anni at nilinis naman ni Ena yung kusina.

Dahil bored na bored ako pumunta ako sa kwarto ni Ena at nilinis ang kwarto nya,makalat talaga sa gamit si Ena dahil kung saan saan nya nalang nilalagay ang mga gamit nya.

"Ako na ang maglilinis dito,"napalingon ako sa pinto at Doon ko nakita si Ena,"nakokonsensya na ako nagiging yaya pa kita,"tinignan ko lang sya sa malamig na tingin.

"Marunong ka palang makonsensya?,"sarkastikang sabi ko ngumiti lang sya sa akin at sinimulang pulutin ang mga damit nyang nagkalat,"kumain kalang ng niluto ko naging masipag kana."

"Ene kebe Renren eng panget keye neng lese neng lete me,"yan nanaman ang alien na lingwahe nya,nakakagigil talaga buti sana kong naiintindinhan ko.

Temptation AcademyUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum