Sumipol si Mira nang makita ang asawang naka-shorts, pawisan, ang machong-macho. Sa totoo lang, bagay na bagay dito ang prosthetic leg nito. Hindi niya kailanman naisip na maaari niyang masabi iyon sa isang tao, pero sa asawa niya ay kayang-kaya niya iyong isipin. May tao palang magandang magdala ng pekeng binti. Madalas na nakapantalon ang lalaki ngunit sa pagkakataong iyon ay lantad ang binti nito. Bakal iyon na hugis-binti rin, at kung sa dilim ay hindi mahahalatang artipisyal.
Ngumiti ito. "You're up early."
"Macho, ah?"
Tumawa ito. "Not macho enough to get more kisses from my lovely wife."
Napaingos siya, nag-iinit ang mukha. Binuksan nito ang ref, kumuha ng nakaboteng Gatorade, na ininom nito. Kahit ang aktong iyon ay nagdudulot ng kung anong kakaibang sensasyon sa kanya. Ang butil ng pawis na tumutulo mula sa leeg nito pababa sa abs nito ay parang gusto niyang bakasin. Ang pagtaas-baba ng Adam's apple nito sa pag-inom ay parang nais niyang pagmasdan. Ano ba'ng problema niya? Pati gulung-gulungan ng isang tao ay nais niyang panoorin?
"Tapos ka na mag-gym?" tanong niya. Mayroong gym sa bahay na iyon.
"Actually, I'm shooting some hoops, testing the capacity of this little guy." Kinatok nito ang prosthetic leg. "And you, little one?"
"Balak kong magluto sana, pero parang masarap manood ng guwapo."
Ang lakas ng tawa nito. Nagtungo na sila sa likod-bahay kung saan naroon ang pool at sa isang panig ay mayroong basketball hoop. Pinanood lang niya ito, daig pa ang nanonood ng live concert. Walang kakaiba sa paggalaw nito, iyon ang una niyang napansin. Nakakatakbo ito, nakakalundag, nakakakilos tulad ng isang normal na atleta. Ang ikalawa niyang napansin ay ang paggagalawan ng mga kalamnan nito.
Diyos ko, bakit parang ako ang pinagpapawisan sa ginagawa niya? Pinunasan niya ng kamay ang noong biglang nagpawis kahit nakapuwesto siya sa lilim. Sa bawat galaw nito ay lalong lumalabas ang mga umbok na kalamnan ng abs nito. At parang ang pawis nito ay dumadaan sa isang obstacle course dahil doon, hindi basta dumidiretso pababa.
At ang puso niya ay parang nag-o-obstacle course din sa dibdib niya. Malinaw sa kanyang pinagnanasahan niya ang kanyang asawa.
Asawa?
Sa pagkakataong iyon inignora na lamang niya ang bulong ng isip niya. Naisip din niayng normal ang nadarama niya bilang isang babae. Aba, sa edad niyang iyon ay ano pa ba ang tawag sa kanya kung hindi pa siya nakakadama ng mga ganoong damdamin? At ano rin namang klaseng pag-iisip ang mayroon siya kung hindi man lang sumasagi ang mga makamundong bagay doon? Hindi naman siya santa. At lalong ayaw niyang maging santa sa harap ng tuksong ito.
Mayamaya ay lumapit ito, akmang aabutin ang tuwalya nang unahan niya ito roon. Tumayo siyang bitbit iyon at siya ang nagpunas sa katawan nito. Dinampi-dampian niya ang braso nito, ang dibdib nito, ang abs nitong kanina pa siya curious kung ano ang pakiramdam sa kamay niya. Saka tumaas ang tuwalya sa leeg nito. Napatingin siya sa mukha nito at nakitang kunot na kunot ang noo nito.
Bigla siyang napahiya. Ganoon na ba siya ka-daring ngayon? "Sorry."
"No, go on." Hinawakan nito ang braso niya nang akmang ibabalik niya sa pagkakasabit sa silya ang tuwalya. "Enjoy yourself, honey, and torture me more."
Napakagat-labi siya. "M-Melchiorre, magluluto pa—"
"Let us stop pretending, honey. How about that?"
Itinaas nito ang kanyang mukha at ginawaran ng halik ang kanyang mga labi. Isa iyong halik napakabanayad na nauwi sa isang napakainit na halik. At natagpuan niya ang sariling tumutugon doon nang buong puso. Hinapit siya nito, nabitiwan na niya ang tuwalya ay naipatong ang mga kamay sa balikat nito.
BINABASA MO ANG
Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)
RomanceCollab with Mandie Lee. Natagpuan ni Mira ang sariling pumapasok sa isang komplikadong sitwasyon dala ng mahigpit na pangangailangan-ang pagpapanggap bilang asawa ni Melchiorre Sandejas, CEO ng isang kompanya at isa ring pintor. Binago niya ang kany...