Nang makababa si Mira ay napakunot ang kanyang noo dahil hindi si Melchiorre ang nasa sala kundi ang kakambal nitong si Nunzio, gayunman ay iba ang hitsura ng lalaki dahil wala itong suot na salamin at kung titingnan ang porma ay parang si Melchiorre rin. Noon lamang niya ito nakita sa ganoong kasuotan.
"Nunzio, napadalaw ka? Hindi pa bumabalik ang Kuya mo pero parating na rin siguro siya." Ngumiti siya sa lalaki. Kahit kamukha ito ng "asawa" niya ay hindi iyon sapat sa kanya. Nais na niyang makita si Melchiorre. Unreasonable na siya, alam niya, pero wala siyang pakialam. Pagdating ng lalaki, yayakapin niya ito nang mahigpit.
Kumunot ang noo ni Nunzio. "You know it's me?" tanong nito.
Siya naman ang napakunot-noo. "Of course."
Tumango ito. "It's just that everyone thought I was Kuya, even Ma and Pa."
Pinagmasdan niya ang lalaki. Kahit marahil sa malayo ay matutukoy niyang hindi ito si Melchiorre, bagaman nagtaka rin siya. Paano niya iyon nalaman gayong magkamukhang-magkamukha na ang dalawa ngayong kahit ang paraan ng pananamit ng mga ito ay halos magkatulad na? Kailanman ay hindi nahahalata ang prosthetic leg ni Melchiorre dahil kasukat iyon ng binti nito.
Bago pa siya nakatugon ay nagsalita na itong muli. "I will just wait for him here."
Tumango siya, bagaman napansin na wala ang mabait na ngiti ni Nunzio sa pagkakataong iyon. May problema ba ito? Kung ganoon, bakit tila mailap din ang mga mata nito sa kanya? Ah, hindi niya ito lubos na kilala at marahil kailangan talaga nitong makausap ang kanyang asawa kaya nagtungo ito roon. Sa pagkakaalam niya ay may pagka-loner ang isang ito.
Puwes, dalawa na silang naghihintay kay Melchiorre. Mayamaya ay tumayo si Nunzio. "I will be back later."
"Hindi ka na maghihintay dito?"
Muli, naging mailap ang mga mata nito. Umiling ito at iyon lang ay pumihit na patungo sa pintuan. Bahagya siyang kinabahan sa inakto ng lalaki. Nagpasya siyang tawagan ang "asawa" makalipas ang ilang minuto. Agad nitong sinagot ang phone, "Hi, hon. Nunzio called a while ago. May sasabihin daw siya sa akin. I'm on my way home. May dinaanan lang ako saglit kaya ako natagalan. Is he there already?"
"Umalis siya, eh. Hindi naman sinabi kung bakit, pero babalik daw mayamaya. Uwi ka na, ha? Bilisan mo."
"I will. Can't wait to see you. Did you miss me?"
"Parati naman." Parang pinisil ang puso niya sa isiping dalawang linggo mula sa araw na iyon, habang-buhay na siyang mangungulila rito.
"Me, too. How was your day?"
How was my day? Ganito ang nangyari, mahal ko, tumawag ang totoo mong asawa at sinabing magpapalit na raw kami sa loob ng dalawang linggo. Para akong mamatay, Melchiorre. At ngayon hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Ano ba ang tama kong gawin? Hindi ko na siguro malalaman. Ikaw, kumusta ang araw mo?
Pinunas niya ang mga luhang pumatak sa kanyang mga pisngi. "It's okay. You?"
"Boring. How come everything's boring without you, love?"
Nakikinita niyang nakangiti ito habang nagsasalita. Nakikinita niya ang paglabas ng mga guhit sa gilid ng mga mata nito, ang perpektong ngipin nito, ang pagliliwanag ng guwapo nitong mukha. Ilang segundo niyang pinigilan ang pagsinghap, muling pinunasan ang mga pisngi, saka sinabi ang bagay na nais niyang maalala sana nito hanggang sa huli. "I love you."
"How sweet. I love you too. Now, be a good girl and open the door."
Biglang tumahip ang dibdib niya, saka tinakbo ang pinto, nakatapat pa rin sa tainga ang cellphone. Pagbukas niya ay tumambad ito sa kanya, nakatapat ang cellphone sa tainga, nakangiti sa kanya habang may hawak na isang bungkos na bulaklak.
BINABASA MO ANG
Melchiorre and Mira - Dreams of Passion 1 (COMPLETED)
RomanceCollab with Mandie Lee. Natagpuan ni Mira ang sariling pumapasok sa isang komplikadong sitwasyon dala ng mahigpit na pangangailangan-ang pagpapanggap bilang asawa ni Melchiorre Sandejas, CEO ng isang kompanya at isa ring pintor. Binago niya ang kany...