5

9.5K 198 6
                                    


Isa-isang ineksamin ni Hiromi ang mga floral arrangements sa gitna ng bawat mesang bilog na nasa gilid ng swimming pool. May mga kandila rin sa mga mesa hindi lang para pampaganda, kundi pantaboy rin sa mga langaw.

Hindi naman first-class resort ang pagdadausan ng kasal ni Amy. Napag-alaman din niyang may poultry farm pa sa di-kalayuan kaya nagsama sila ng kandila sa arrangements.

Inutusan niya si Lisa, dating assistant ni Joel na pumalit na sa puwesto nito na sindihan na ang mga kandila para huwag nang magtangkang lumapit ang mga langaw.

Nang masigurang maayos na ang mga mesa, nagpunta naman si Hiromi sa cottage kung saan nagbibihis ang bride. Bahay-kubo iyon at ang hagdanan at pinto ay nilagyan din nila ng mga bulaklak para maganda sa video. She used mums in various colors. Binuksan niya ang pinto.

"Well, for someone who is two months pregnant, you sure got a nice curve," komento niya kay Amy. Ang intensiyon niya ay purihin ang babae, pero parang hindi nito iyon naintindihan.

"Naka-girdle ako, Hiromi," parang defensive nitong sabi.

"Hindi ba makakasama sa fetus ang girdle?" tanong niya.

Ang ina nito ang sumagot. "Hindi naman."

May kumatok sa kubo. Sinilip ni Hiromi kung sino iyon. Ang photographer at ang kukuha ng video ang nakita niya, itinatanong kung ready na raw ang bride. Sa palagay naman niya, ready na kaya pinatuloy na niya ang mga ito.

Ilang sandali pa, binigyan na ng photographer at cameraman ng direksiyon si Amy kung anong pose ang dapat gawin habang isa-isang hinahawakan ang mga paraphernalia sa kasal, tulad ng invitation card, bouquet, at kung ano-ano pa.

"Pati ba sapatos, kailangang hawakan?" tanong ni Hiromi in an attempt to sound funny. Pero walang tumawa. She shrugged. She was not gifted with a good sense of humor. Nanood na lang siya at na-realize na mahirap palang maging model. Sa tingin niya, nanginginig na ang bibig ni Amy sa pagpipilit ngumiti nang maganda.

Ed Lacson crossed her mind.

"Lalabas na ako, Tita," paalam niya at iniwan ang mag-ina.

Naabutan niya si Lisa and the rest of her team na inaasikaso ang officiating priest. Nakipagkamay rin siya sa pari at in-assure ito na lalabas na ang bride.

Napadako ang pansin ni Hiromi sa entrance na nasa gilid ng buffet table. May isang grupong papasok na ang hula niya ay ang entourage ng groom. May matandang babae at lalaki na mga magulang malamang ng ikakasal. Biglang sumikdo ang dibdib niya nang makitang may kasunod pa ang grupo, isang lalaking naka-barong-Tagalog din.

Si Ed Lacson.

Kumunot ang noo niya. Wala naman sa imbitasyon ang pangalan ng lalaki, bakit naka-barong-Tagalog? Napagawi rin naman sa kanya ang paningin ng lalaki at sa tingin niya, nag-isip muna ito kung ngingiti o hindi. He chose to smile.

Ganooon na lang ang ingos ni Hiromi.

MEDYO masakit ang ulo ni Ed dahil nag-inuman sila nina Dick nang nagdaang gabi sa town house niya. Bago pa lang siyang nakakatulog bandang alas-tres ng madaling-araw nang tumawag si Anton. Hindi raw makakarating ang kuya nito na tatayong best man dahil walang makuhang flight. Pinakiusapan siya ni Anton na kung puwede, siya na lang ang tumayong best man.

Hindi naman siya nakatanggi dahil masama raw tanggihan ang mga ganoong bagay. Kaya hayun siya ngayon, puyat at may hang-over.

Pagpasok sa poolside, natanaw agad niya si Hiromi. Hindi na siya nagtaka. Alam na niya na Petals ang nag-provide ng bulaklak sa kasal ng kaibigan. Base sa initial observation niya, maganda naman ang pagkakaayos ng paligid. Makulay.

Ang unang naisip ni Ed na gawin ay ang ngumiti, pero naalala niya kung paano siya tinutukan ng baril ni Hiromi. Binura agad niya ang nag-uumpisa pa lang na ngiti. Pero naalala rin niya kung paano sila nagkatawanan nina Dick kagabi dahil ang paksa nila ay si Hiromi. Napangiti na siya nang maluwang. Kitang-kita niya ang eksaheradong ingos ni Hiromi, as if ito talaga ang nginitian niya.

Pinagmasdan pa rin niya ang babae. She was wearing an off-shouldered blouse in various colors, malambot ang tela at mahaba ang manggas. Her off-white skirt was shimmering at hanggang tuhod ang haba. Itim ang slides nito na may pink na insoles. He could also see that she had a nice body. Well-proportioned iyon at may umbok sa tamang mga lugar. Wala ring duda na makinis ang kutis nito.

Pero hindi maintindihan ni Ed kung bakit hindi niya magawang tawaging sexy si Hiromi. Kahit pa siguro magsuot ito ng see-through gown, hindi pa rin niya tatawaging sexy. Dahil siguro masyadong mukhang seryoso at masungit ang babae. Kung may third sex, mayroon din sigurong fourth at kabilang sa mga iyon ang babae. Mukhang walang pakialam sa gender nito, ni hindi siguro alam kung paano talaga maging babae. And he wondered if she had a sex life.

Nag-excuse siya kina Anton at hinanap ang men's room. Nasa bandang likod iyon ng bar.

Nasa loob na si Ed nang ma-realize na hindi iyon exclusive para sa mga lalaki. Walang urinals sa tabi ng dingding kaya pumasok na lang siya sa isang cubicle. He unzipped his pants and started to relieve himself.

Naudlot ang ginagawa niya dahil bumukas ang pinto at nakarinig siya ng boses ng dalawang babae.

Sumilip siya sa itaas ng pinto ng cubicle. It was the bride at ang maid of honor siguro.

"Of course, I'm tense!" pagigil na sabi ng bride.

Hindi magawang lumabas ni Ed dahil nangangamba siya na baka maling comfort room ang pinasok niya at may panlalaki sa kabilang direksiyon. Wala namang kamalay-malay ang dalawang babae sa labas na naririnig niya ang usapan ng mga ito.

Napanganga siya at na-realize na hawak-hawak pa niya ang kanyang "best man." Mas humigpit pa ang hawak niya roon at nagsimula na iyong mag-react.

Shit! Niluwagan niya ang hawak at maingat na isinuksok sa kanyang underwear ang kanyang nagalit na "best man." Patuloy sa pag-uusap ang dalawang babae at nagtatagis na ang mga bagang niya.

Tandang-tanda ni Ed ang hitsura ni Anton nang tanungin niya kung sino ang malas na babaeng pakakasalan nito.

"Buntis, eh," sagot ng lalaki noon na malayo sa tanong niya. Mukha rin itong nalugi sa negosyo. "May magagawa ba ako?" dugtong pa nito.

Pinigil ni Ed ang hininga hanggang marinig na lumabas na ang dalawang babae. Naghintay siya ng ilang sandali bago lumabas, pagkatapos ay hinanap ang groom. Nakapuwesto na ito malapit sa makeshift na altar, which was beautifully decorated with mums, ferns, and ribbons.

"Saan ka ba nanggaling? Ikaw na lang ang hinihintay," usisa ni Anton. He could also see na nakapuwesto na sa bandang likod ang bride at ang entourage.

"Anton, pare, tell me the truth. Mahal mo ba si Amy?" tanong ni Ed.

Hindi sumagot ang groom. Nagtagis lang ang mga bagang nito at sa mukhang malapit nang umiyak.

Bud Brothers 5 - He's The One (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon