14

9.4K 186 1
                                    


"Wesley, gusto kong mag-usap tayo, kaya sumama ako sa 'yo dito," sabi ni Hiromi.

Pagpasok na pagpasok nila sa bahay nito ay nilingkis na agad siya.

"Mahaba pa naman ang gabi. We have plenty of time to talk." Hinagkan nito ang leeg niya. Sa halip na kiligin, kinilabutan siya.

"You know my stand on this," sabi ni Hiromi at naramdaman ang sundot ng konsiyensiya. Bakit noong nasa beach resort sila ni Ed, handa siyang ipagkaloob ang lahat sa lalaki gayong wala naman silang relasyon?

Naupo siya sa sofa matapos itulak si Wesley.

"I want us to talk about Joan, about you, about me, about our future," umpisa niya.

Wesley joined her, pero hindi para makipag-usap. Niyakap na naman siya nito at siniil ng halik.

"Wesley!" sigaw niya. "Listen to me!"

"No!" sigaw rin ng lalaki. "You listen to me! You listen to my needs—"

"Hindi kita maintindihan," tanggi ni Hiromi.

"I know I sound stupid, but I want you. I wanted you from the start at mahal mo naman ako, mahal naman kita. Everyone's doing it, so why can't we? I think it's my right, Hiromi. Hindi naman kita lolokohin, I will marry you. Pareho na tayong nasa tamang edad. Alam ko na naiintindihan mo ako."

She did. And she was guilty. Ang hindi niya maibigay-bigay kay Wesley, gusto niyang ibigay sa iba.

"I understand, Wesley. P-papayag naman ako, eh. Kaya lang, g-gusto ko munang ihanda ang sarili ko. B-besides, w-wala ako sa mood. I really want to talk."

Inakbayan siya ng lalaki. "Don't worry about Joan. I'll get us a drink." Tumayo ito at nawala sa paningin niya. Pagbalik ay may dala nang dalawang rock glasses at bote ng alak. Sinalinan nito ang mga baso at ibinigay ang isa sa kanya.

"This will get you in the mood, sweetheart."

Napangiwi si Hiromi. Ganoon ba talaga ang mga lalaki? Kapag nai-set ang isip sa gusto, hindi na mababago?

Nilagok niya ang alak.

"Ang mabuti pa, manood tayo ng movie," sabi pa ni Wesley at binuksan ang shelf sa ilalim ng TV at VCD player. Namili ito sa mga bala ng VCDs doon.

Nakamasid lang si Hiromi, kunot ang noo.

"Ito na lang," sabi ng lalaki sa hawak na VCD. "Pinahiram lang ito sa akin ng kumpare ko. Okay raw."

"Are we going to watch an X-rated film, Wesley?" she demanded.

Hitsurang napahiya naman ang lalaki, ngingiti-ngiti sa kanya. "Hindi naman ito hardcore pornography, sweetheart. May kuwento ito. Let me see, directed by Joey Reyes." Binasa nito ang jacket ng VCD.

"Tagalog? Manonood tayo ng X na Tagalog?" Sa tanang buhay ni Hiromi, hindi pa siya nakakapanood ng ganoong klaseng pelikula. Hindi siya interesado, ganoon kasimple.

"Hindi nga ito X-rated, sweetheart. Isinali pa sa film festival abroad. Tama lang ito to get you in the mood." Isinalang ni Wesley ang VCD, pagkatapos ay tinabihan si Hiromi sa sofa, his arm around her shoulder. Hindi nagtagal, lumitaw ang title ng pelikula.

"'Gata?'" bulalas niya. "Anong klaseng title 'yan?"

"Symbolic lang siguro."

Curious na binasa rin ni Hiromi ang mga pangalan ng mga artistang gaganap. Wala siyang kilala maliban sa babaeng bida, isang sikat na bold star noong late eighties.

"Hindi X ang lagay na 'yan?" sabi niya kay Wesley nang bumulaga sa kanila ang unang eksena.

Sa niyugan, may isang lalaking nakasakay sa kabayo. Tumigil ito sa harap ng isang babae. Tumakbo ang babae, pero hinabol ng lalaki. Na-corner sa isang puno ng niyog ang babae. Agad itong hinalikan ng lalaki habang ang isang kamay ay nasa dibdib agad ng babae. Ang isang kamay nito ay ipinanlilis sa palda. And soon, the two were having sex habang nakasandal sa puno ng niyog. Nakadamit pareho ang mga tauhan, pero masyado namang suggestive ang movements.

Bud Brothers 5 - He's The One (COMPLETED)Where stories live. Discover now