PROLOGUE

6 0 0
                                    

Vormir Year 1875

- A G A P E -

"Agape!" Nanigas ako sa aking kinatatayuan Ng marinig ko ang boses ng aking ina

"Ina" Mahina kong sambit, bakas sa muka nya Ang galit pag ka dismaya

"Ano nanamang ginawa mo?" Seryoso nitong tanong, napayuko ako

"Ina Sana maintindihan mo ko kasi gusto ko lang maging Isang normal na nilalang--

"PERO HINDI KA NORMAL!" Natahimik ako at napayuko muli, Oo nga Naman, Hindi ako normal.

Meron akong kapangyarihan at anak pa ako Ng dyosa Ng araw.

"Gusto mong mamuhay Ng normal? Kung ganon ay ipapadala Kita sa Mundo Ng mga tao para sa Isang misyon" napatingala ako at lihim na napangiti, ito Ang unang pagkakataon na makakapunta ako sa Mundo Ng mga tao

"Pero agape, pag Hindi mo nagawa Ang misyon nakasalalay dito Ang buhay Ng lahat, kabilang Ang lahi natin" agad akong sumeryoso

"Ang misyon mo ay mahanap Ang limang singsing, una Ang singsing Ng kapangyarihan, pangalawa Ang singsing Ng Panahon, Pangatlo Ang singsing Ng Oras, pang Apat Ang singsing Ng kaluluwa, at pang huli Ang singsing Ng Kapayapaan" tinandaan ko bawat pangalan Ng singsing

Itinaas Ni Ina Ang kamay nya at may puting ilaw na nagmula roon, lumabas Ang Isang kwintas?

Iniabot sakin Ni ina Ang kwintas na axe na ginto Ang Disenyo.

"Isa yang sandata, ipinamana pa iyan sakin Na iyong Lola" isinuot ko Yun at tumingin Kay Ina

Lumapit sa akin Si ina at niyakap ako

"Mag iingat ka aking anak" unti unting nagdilim Ang paligid kasabay non Ang Parang pagkalaglag ko

Sa Isang iglap napunta ako sa Isang kwarto.

AGAPE (The First Venom)Where stories live. Discover now