CHAPTER ONE; Agape Sinclair

1 0 1
                                    

Earth Year 2017

- A G A P E -

Paglabas ko Ng kwartong napakalaki bumungad sakin Ang napakalaking bahay, Ang daming palamuti! Meron pang chandelier, teka? Bakit ko Alam Yun?

Napailing ako at bumaba sa napakagarang hagdan, kanino ba tong bahay na to?

"Lady Agape! Ipinatatawag ho Kayo Ng inyong ina at kakain na" ano? Narito Si ina? Tuwang tuwa akong tumakbo papunta sa hapag kainan Ng ibang babae Ang aking nadatnan, maganda Rin ito ngunit dihamak na mas maganda si ina

"Agape anak maupo ka na, ma lalate ka na sa pasok mo" agad akong naupo, at sumandok Ng pagkain

Sa una hinay hinay lamang ako ngunit napakasarap Ng mga pagkain

"Agape dahan dahan Lang baka mabulunan ka" napahinto ako at nag dahan dahan

"Mama?" Di ko Alam ngunit lumabas iyan sa bibig ko

"Bakit anak?"

"Ah tapos na po ako kumain sige po papasok na po ako" ngayon ko Lang napansin na nakasuot na ako Ng uniporme, teka bakit Kaya Alam ko to? Di bale na

Sumakay ako sa Isang magarang kotse, na syang nag hatid sakin sa paaralan

First day of school pala, teka marunong ako Ng ibang lengwahe? Nasampal ko pa Ang aking sarili dahil napaka weird talaga!

Pagbaba ko Ng sasakyan ay nakatingin sakin lahat, ganon ba ako ka ganda? Hindi ko na lamang iyon inintindi at pumasok na sa loob Ng campus, hmp Ang weird talaga

Tumingin ako sa bulletin board, bat pati to Alam ko?, Napailing ako at hinanap Ang pangalan ko sa listahan

Agape Sinclair - Class A
-Building 31 room 04

Agad ko iyong tinandaan, pero ano? Agape Sinclair? Iyon ba Ang aking apelyido?

Naglakad na ako at hinanap Ang Building 31 room 04

Dahil may mga karatulang naka sabit bawat building ay agad ko itong nahanap

Pagdating sa room ay nakita Kong nag klaklase na sila, huminga ako Ng malalim bago kumatok

Ilang saglit pa ay bumukas Ang pinto at bumungad sakin Ang Isang matandang lalaki.

"Good morning sir, I'm sorry I'm late" tumango ito at pinapasok ako

"Introduce yourself" bulong nito, tumango ako at tumikhim

"I am Agape Sinclair" simpleng pagkakasabi ko bago umupo

Nagpatuloy Ang klase at Hindi ako nakinig, Alam ko nanaman iyang tinuturo Niya eh

Halos tatlong oras Yung klase bago nag break, grabe nakakagutom! Agad akong lumabas Ng classroom at dumeretso sa cafeteria grr

Sobrang weird, teka bakit Alam ko Yung weird? Tss bahala na nga

"Hi!" Nagulat ako sa babaeng bigla nalang sumulpot sa harapan ko, may malaki syang salamin, Sobrang kapal Ng kilay naka brace pa at medyo chubby sya

"Hello!" Bati ko Rin

"Pwede bang makipag kaibigan?" Tanong nito habang nakangiti na nag palabas pa sa brace nya

"Oo Naman" sagot ko tapos sabay na kaming nag lakad pa pasok Ng cafeteria

"So Uhm, I am Natasha, Natasha Lovereidge" tumango ako

"I'm Agape Sinclair" umupo kami sa bakanteng lamesa at nagtawag Ng waiter, oo may waiter dito

"Ano sayo?" Tanong ko

AGAPE (The First Venom)Where stories live. Discover now