Chapter 1

5.3K 150 14
                                    


Disclaimer:

Reproduction or usage of this work in whole or in part in any form by any electronic, mechanical or other means, now known or hereinafter invented, including xerography, photocopying and recording, or in any information storage or retrieval system is forbidden without the permission from the author.

All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, and have no relation to anyone having the same name or names. They are not even distantly inspired by any individual known or unknown to the author and all the incidents are merely invention.


Chapter 1



"Lavender, pumunta ka dito sa kwarto ng Lolo Ambo mo."

"Aakyat na po." inayos ko sandali ang katatapos ko lang linisin na angel figurines ng namayapa kong lola na si Cecilia. Dalawang araw na ang nakalipas nang ihatid namin sa huling hantungan ang abuela ko na talagang napakasakit sa pamilya namin lalo na kay Lolo Ambo. Huminga muna ako ng malalim bago nagmadaling umakyat.

Baka may ipapakuhang basura si Tita Janine kaya niya ako pinapapunta sa kwarto ni Lolo Ambo. Nililigpit na kasi namin ngayon ang mga gamit ni Lola Cecilia. Kumatok muna ako sa pintuan bago pumasok sa loob. Katulad nga ng expectation ko, maraming gamit ng lola ko ang nakakalat sa loob ng silid.

"May ipapagawa po ba kayo sa akin?" umupo ako sa tabi ng tiyahin ko.

"Hija, mukhang para sa iyo ito." May inabot sa akin na wooden box si Tita Janine.

Tiningnan ko ang takip ng wooden box, nakasulat ang pangalan ko doon. Halatang antique na rin ito.

"Matagal na iyan sa lola mo, apo. Dapat ay noong ika-eighteenth birthday mo iyan niya binigay kaso sa Maynila ka naman nag-celebrate ng kaarawan mo."

Sa Manila nga ako nag-celebrate ng eighteenth birthday ko kasama ang pamilya ni Tita Janine. Gusto ko man na kasama ang lolo't lola ko sa birthday ko noon, hindi naman pwede dahil sa dami ng school projects na dapat kong gawin. Hinaplos ko ulit ang munting kahon. Pinagawa talaga ito ni Lola Cecilia para sa akin. Talagang kahit wala na sa tabi ko si Lola Cecilia ay pinapadama pa rin niya sa akin na may magulang pa rin ako.

Bata pa lang ako nang maulila ako. Pinatay ang mga magulang ko ng taong nagkaaway ni Papa. Nagkataong nasa daycare school ako noong mangyari iyon kaya hindi ako nadamay sa krimeng ginawa ng taong pumatay sa magulang ko. Sobrang sakit sa akin ng pagkawala nina Mama at Papa. Para akong pinagkaitan ng mundo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko noon at para bang gusto ko na ring sumunod sa hukay. Mabuti na lang at nasa tabi ko si Tita Janine at ang lolo't lola ko.

Naging maayos naman ang buhay ko sa puder ng tiyahin ko. Parang anak na ang turing din sa akin ni Tita Janine at ng asawa niya. Ito rin ang nagpa-aral sa akin kaya malaki ang utang na loob ko dito dahil hindi ako magiging isang architect kung hindi ako inaruga ng pamilya nila.

"Seven years pa ang nakalipas bago nabigay sa akin ito. Sure ka ba na akin talaga ito, 'Lo? Baka kay Lola ito, multuhin pa niya ako." biro ko pero isang tipid na ngiti lang ang binigay sa akin ni Lolo Ambo. Tumikhim na lang ako. Hindi talaga ako makakapag-joke time ngayon kay Lolo. "Lolo, ano pong laman nito?"

"Hindi ko alam, apo. Tanging ikaw at ang lola mo ang makakaalam ng laman niyan."

Tumango na lang ako. Hindi ko pa trip na tingnan ang laman ng wooden box na ito. Natuon ang tingin ko sa ginagawa ni Tita Janine. Tinutupi nito ang mga damit ng lola ko. Inabot ko ang isang kulay old pink na dress. Parang katulad ng suot ni Sarah Geronimo sa movie na Miss Granny. "Ang ganda naman nito. Kay Lola Cecilia ba ito o sa iyo, Tita Janine?"

Love, Time and Fate ✓Where stories live. Discover now