Chapter 3

1.9K 99 16
                                    


Chapter 3



"S-Señorita, kami na po d'yan." medyo kinakabahang sabi ni Rica habang nakasunod sa akin.

Nagwawalis ako sa sala at kanina pa nila ako pinipigilan sa ginagawa ko. Kanina noong naghuhugas ako ng pinggan, slight akong pinagalitan ni Manang Delia. Hindi daw dapat ako maghugas ng pinggan. Ngayon naman itong si Rica. Ano na lang ang gagawin ko dito? "Pwede ba d'yan ka lang sa gilid? Nakitang naglilinis 'yung tao. Kumakalat ulit 'yung mga winalisan ko dahil sa iyo."

"Pero—"

"Tabi sabi, eh! Papakintabin ko pa itong sahig mamaya. Gulo mo, ah." kaagad na tumabi si Rica kaya natapos ko kaagad ang winawalisan ko. Kinuha ko ang bunot at inumpisahan ko na pakintabin ang sahig.

"Señorita Clementina—"

"Doon ka sa kusina. Tulungan mo si Manang Delia magluto. Ako na ang bahala dito. Bilis na." Kakamot-kamot ng ulo si Rica bago bumaba. Pinagpatuloy ko ang ginagawa ko. Tagaktak man ang pawis ko, okay lang. At least may munting exercise ako.

"Talagang naglilinis ka ngayon ng bahay."

Napatingin ako sa gawi ng hagdanan at nakita ko doon si Ignacio. Napangiti ako at kinawayan ko siya. "Hello sa iyo! Akala ko umalis ka na at hindi na pupunta pa dito dahil..."

"Dahil ano?"

"Dahil sa kissing scene natin kagabi." umiwas ako ng tingin. Nakaka-awkward naman. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbubunot ko sa sahig. Dapat hindi ko na lang m-in-ention iyon. Hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa kagagahang ginawa ko. Bakit ko ba kasi hinalikan kagabi si Ignacio? Karupukan pinairal! "So ayon na nga, dahil nandito ka pa. Naniniwala na akong tutulungan mo akong maging si Clementina." nilingon ko ulit siya at binigyan ng isang ngiti.

"Bakit ka naglilinis ngayon? May mga katulong naman kayo para sa mga gawaing iyan. Si Clementina kahit kailan ay hindi mo mapapahawak ng mga gamit panglinis."

"Hayaan mong magbago kahit kaunti ang pagkatao ni Clementina." huminto ako sa ginagawa ko at pinunasan ko ang pawis sa mukha ko gamit ang kamay ko. Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Ignacio at pinunasan niya ng panyo ang pawis sa mukha ko.

"Nanglilimahid ka sa pawis, Señorita Lavender."

"Aaah..." lumayo kaagad ako sa kanya at kinuha ko ang bunot, walis at dustpan. "Hayaan mo maliligo naman ako mamaya para fresh ang mukha ko." nagmadali akong bumaba at nakasunod sa akin si Ignacio.

"Saan mo gustong mag-umpisa?"

"Umpisa saan?" niligay ko na sa lalagyan ang mga hawak kong gamit sa panglinis.

"Sa pag-alam mo sa pagkatao ni Clementina upang makaalis na kaagad ako."

"Base sa kwento mo kagabi, hindi maganda ang personality ni Clementina. Hayaan na natin ang past personality niya. Sabihin mo sa akin ang tungkol sa pamilya niya. Bakit din umabot kayo sa ganito ka-toxic na relasyon?"

"Toxic?"

"Nakakasakal, hindi na masaya sa relasyon ninyo at palagi kayong nag-aaway hanggang sa umabot na sa puntong ito na may karelasyon ka nang ibang babae at gusto mo na hiwalayin ang babaeng ito." I pointed myself. "Pero bago mo sabihin iyan, magpapalit lang ako ng damit. Hintayin mo na lang ako sa sala." pumunta ako sa comfort room. Mabuti na lang at nandoon na ang isusuot kong damit.

Dapat maghihilamos lang ako pero tinuloy ko na sa paligo. Nakakahiya naman kay Ignacio kung kakausapin ko siya na amoy pawis ako. Nakikisuyo na nga lang ako sa kanya tapos mabaho pa ako. Dapat presentable palagi. Nang matapos na ako, kaagad akong umakyat. Nasa sala pa rin si Ignacio at kausap niya ngayon si Papa Esteban. Tinanguhan ko siya bago ako pumasok sa kwarto ko. Binilisan ko lang ang pag-ayos ko sa sarili ko. Dapat hindi ko pinaghihintay ang bisita ko.

Love, Time and Fate ✓Where stories live. Discover now