Chapter 9

1.5K 87 5
                                    



Chapter 9


December 10, 1941



"Clementina, lumabas ka na. Kakain na tayo." wika ni Ate Dorothy bago lumabas ng silid ko. Kanina pa niya ako sinasabihang lumabas ng kwarto pero wala ako sa mood na lumabas. Pakiramdam ko nasa labas lang si Ignacio kahit wala naman siya at iyon ang ayaw ko. Masasaktan lang ako.

Wala na ang mga kasambahay namin dito dahil nagsialisan sila nang malaman nilang may digmaang nagaganap dito sa Pilipinas at kailangan na nila daw magtago. Kaya kami lang ang gumagawa ng gawain dito ngunit halos hindi ko na magawa lahat ng ginagawa ko dito sa bahay sa sobrang pag-aalala kay Ignacio. Puros negatibong bagay ang pumapasok sa isipan ko. Sabi ni Mama Geronima, lilipat daw kami ng bahay at kung maaari daw, pupunta kami sa ibang bansa. Bumuntong hininga ako at napatingin ako sa hawak kong wooden box. Hindi ko pa tinitingnan ang laman nito.

"Ninang..."

Napalingon ako sa gawi ng pintuan at doon nakita ko si Ambo. Nginitian ko siya. "Bakit Ambo?"

"Bakit ka po umiiyak?" tanong niya sa akin imbes na sagutin ang tanong ko.

Napahawak ako sa pisngi ko. Hindi ko namalayang umiiyak n pala ako. "H-Hindi ako umiiyak. Napuwing lang ako." basag ang boses ko at alam kong hindi maniniwala si Ambo sa sinasabi ko.

"Umiiyak ka po eh." Naglakad siya papalapit sa akin at kinagulat ko ang biglang pagyakap niya. Ilang beses akong niyakap ng younger version ng lolo ko pero iba ang feeling ng yakap na ito. Ganito ang yakap sa akin ni lolo kapag nami-miss ko ang namayapa kong magulang.

"A-Ambo."

"Sabi ng papa ko kapag may umiiyak dapat pong yakapin ang taong iyon para mawala ang nararamdaman niyang lungkot. Ninang Clementina, huwag ka na po malungkot dahil sa pangungulila mo kay Tito Ignacio. Si Ninang Dorothy umiiyak rin po kasi nangungulila po siya kay Ninong Francis. Pati rin po kami ni Cecilia nalulungkot. Uuwi naman po sila. Ang sabi ni Lola Geronima nagtatrabaho po sila para sa kinabukasan ninyo."

Its a lie. Hindi naman sure kung makakabalik pa si Ignacio and that idea makes me hurt so much. Hinaplos ko ang pisngi ni Ambo at pilit na ngumiti. "Promise, hindi na ako iiyak."

"Talaga po?" Kaagad akong tumango kaya ngumiti siya sa akin. "Labas na po kayo ah." Napatingin siya sa hawak ko. "Ang sabi po pala sa akin ni Tito Ignacio, dapat tingnan mo daw po iyanhg regalo niya sa iyo. Sige po!" Tumakbo na si Ambo palabas ng kwarto ko.

Napatingin ako sa hawak kong wooden box. Nag-aalinlangan man binuksan ko ito. May laman itong isang maliit na red velvet box, nakatuping papel at isang litrato niya. Kinuha ko ang papel at binasa ang nakasulat doon.


Mahal kong Lavender,

Isa, dalawang beses na pag-ikot sa paligid ng puno ng mahogany. Sa ikatlong pag-ikot sa puno'y isang malamyos na boses ang maririnig. Doo'y makikita ang isang napakagandang tanawin.
Ikaw iyon, Lavender. Saksi ang puno ng mahogany sa pag-amin ko sa aking sarili na tuluyan mo nang nakuha ang aking puso. Mabilis man ang pangyayari ngunit hindi ko ito ikinahihiya. Nais kong isigaw sa buong mundo na ang binibining hindi ko inaakalang makikilala ko sa panahong ito ang aking iniibig ng tunay. Ikaw lamang at wala nang iba pa.

Ikaw ang babaeng nais kong iharap sa altar. Nais mo bang ako ang lalaking ipapakilala mo sa Poong Maykapal? Maaari mo ba akong pakasalan, Lavender? Alam kong maaga pa para tanungin ito sa iyo pero ikaw lang ang nais kong makasama habangbuhay. Hindi naman kita minamadali sa iyong desisyon.

Love, Time and Fate ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon