Chapter 1

148 16 7
                                    

Chapter 1 | Wrong

Kanina pa hindi mapakali si Xamuel kaiisip sa balak niyang gawin bukas kasama ang mga kaibigan niya. Noong uwian, kinausap niya muli sina Lion, Frost at South para paalalahanan sa mga dapat nilang gawin.

Wala naman siyang problema pagdating kay Lion dahil kampante si Xamuel na maaasahan siya at hindi papalpak. Sa natirang dalawang gago lang siya kabado dahil parang hindi nila siniseryoso ang plano.

Kung si Xamuel lang din naman ang tatanungin, ayaw niya 'tong gawin dahil hindi niya gusto ang mapanood siya ng madla. Wala naman siyang magagawa dahil iba talaga ang epekto ng pag-ibig, na kahit ayaw mo ay mapapasunod ka na lang talaga.

"Hoy, tangina nito, bakit ang tagal mong sumagot?" iritadong tanong ni Xamuel sa kausap sa cellphone.

"Baka kasi na sa banyo ako kanina?" naguguluhang sabi naman ni South.

Kumunot ang noo ni Xamuel. "Akala ko magkasama pa kayo ni Frost?"

"Nagbago isip ng gagong 'yon habang na sa daan kami papunta sa pa-print-an. Ako na lang ang naghintay sa tarpaulin mo kaya na sa akin na ngayon."

"Saan daw si Frost? May iba pa siyang gagawin, ah? Huwag mo sabihing inuna pa no'n babae niya?"

"Malay ko do'n! Pero ano pa bang ibang posibleng rason bukod diyan? Parang hindi mo naman kilala ang isang 'yon." Napahalakhak pa si South.

Napakamot sa pisngi si Xamuel dahil sa namumuong iritasyon. "Tawagan ko na lang, salamat sa pagkuha ng tarp. Bukas ah, pasok kayo on time sa oras na pinag-usapan natin."

"Oo naman, masyado kang kabado. Relax ka lang, brad!"

"Tangina mo 'pag ikaw nagka-girlfriend, makita mo!"

"Sumpa ba 'yan? Ayoko niyan!"

Binaba na agad ni Xamuel ang tawag dahil baka mapahaba pa ang usapan nila. Wala siyang oras para mag-relax gaya ng sinabi ni South. Unang beses niya 'tong gagawin para sa anniversary nila ng girlfriend niyang si Klassey at inaaasahan niyang maraming makakakita bukas. Ayaw niyang may magkamali dahil ayaw niyang masira ang pinaghandaan niyang surpresa.

Saglit niyang tinext si Lion at tinanong kung handa na ba ang ibang mga tauhang pinakiusapan nila para tumulong sa pagbubuhat ng ibang props. Bago pa man makatawag si Xamuel kay Frost ay nakatanggap na siya ng reply galing kay Lion.

Parang siyang natanggalan ng tinik noong nabasa ang magandang sagot ni Lion.

"Ikaw lang talaga maaasahan ko sa mga ganito," bulong ni Xamuel sa sarili.

Alam niyang wala siyang dapat ikabahala pagdating kay Lion. Sa katunayan, si Lion nga lang dapat ang katulong niya sa surpresa dahil siya lang ang makakaintindi kung para saan ito. Noong nalaman nina Frost at South ang tungkol sa plano niyang surprise kay Klassey sa mismong unang anniversary nila, nakisali na lang sila.

Noong una ay pinagtabuyan pa sila ni Xamuel dahil ang paniniwala niya, wala naman silang madudulot na maganda. Bukod sa mga walang girlfriend, hindi pa alam ng dalawang 'yon ang magseryoso sa anomang bagay.

Sina Xamuel at Lion pa lang ang may mga girlfriend ngayon na ayon kina South at Frost ay mga "retired" at "under" na. Hindi naman loko-loko si Lion noong wala pa siyang girlfriend pero siya ang pinakamalakas sa mga babae.

Si Xamuel naman ay may mga past flings at kalandian pero hindi two-timer gaya ni Frost na minsan lima-lima pa.

Para kay Xamuel, si Lion lang ang matino niyang katulong sa planong 'to dahil pareho silang na sa relasyon.

Nakakatawa lang isipin kung gaano kalaki ang pagbabago ni Xamuel mula noong nagseryoso sa pag-ibig. Kung ipagkukumpara siya sa dati niyang ugali at mga gawain, iisipin mong ibang tao siya. Saksi silang lahat lalo na sina South at Frost sa nakaraan ni Xamuel kaya hindi sila masisisi kung hanggang ngayon ay paminsan-minsang inaasar nila si Xamuel.

Loving You For No ReasonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon