CHAPTER 7

4.2K 81 1
                                    

First day of duty

" ano na ? .. naiwan mo panty mo don sa office ng boss mo no?"

Nakangising tanong sa akin ni Jen na ngayon ay ini start yung engine.

" ewan ko sayo, anong panty ba pinagsasasabi ko ?"

I cross my arms at sumadal sa sandalan ng upoan dito sa kotse nya..

" alam mo na ang ibig kong sabihin dear.. ano? Gwapo ba si boss?"

Hindi ko alam kung saan ako magsisimula , kung paano ang reaksyon ko ng makita ko sya ? O sasabihin ko sa kanya na gwapo nga at sya yung lalaki na kahalikan ko sa bar ..

" hoy!"

Napakurap ako na tumingin sa kanya dahil pinitik nya bigla ang noo ko..

" ano na ? .. naiwan mo ba dila mo sa boss mo? Ha?"

Tanong na naman nya at tumawa pa .. umirap ako sa kanya at umiwas ako ng tingin..

Huminga muna ako ng malalim ..

" oo gwapo nga.."

Walang laman kong sagot .. parang wala sa isip ko yung sinabi ko .. Oo gwapo sya .. kakaiba yung nararamdaman ko pag kasama ko sya, ewan ko kung magtatagal ba ako sa trabaho na yun na kasama ko sya palagi .. na pa pout ako ..

" o? .. ano bang pangalan nya?"

" Leodemar Fernandez.."

Nakita ko syang ngumisi ..

" sa tingin mo ? Magkakasundo kayo?"

Hindi ko alam .. sana.. pero okay narin na hindi .. kasi , gusto kong mag focus sa trabaho ko, magkakasundo lang kami sa trabaho .. yun ang dapat .

" Alam kong magkakasundo kami sa trabaho.. "

Sagot ko nalang, napalingon sya sa akin saglit ..

" do you like him? Yung, a like at first sight? "

Tumawa pa sya pagkasabi nya ..

Sana like lang talaga .. at hanggang doon lang .. ayoko nang lumaki pa iyon ..

" medyo, hindi ko pa naman sya kilalang kilala.. "

" sa ngayon, pero malay mo... sa susunod na araw bigla mo nalang ma realize na sa bawat pag pikit ng mga mata mo ay si Bossing mo ang nakikita mo pati sa pag gising mo.. haha!"

Tawang tawa sya sa sinabi nya habang ako naman ay hindi sya masabayan sa pagtawa. Tinuon ko nalang ang tingin ko sa kalsada ..

..............

Na rating namin ang bahay na wala akong imik, nabigla parin ako sa mga nangyayare ngayon..

" kanina pa kita napapansin ha.. may problema ka ba ? .. "

Tanong sakin ni Jen na ngayon ay kaharap ko na nakaupo sa sofa sa sala namin. Hindi ako tumingin sa kanya , nakatitig lang ako sa lamesa na nasa harap namin..

" ay! Tulaley much si lola .."

Napakurap ako at tumingin sa kanya, naka cross arms na ito ngayon at halatang naghihintay na sasabihin ko sa kanya kung anong nangyare sa akin..

I sighed at sumandal sa sandalan ng sofa.. I'm so bothered , di parin rumirestro sa isip ko na totoo ba talaga ang mga nangyayare ngayon..

" sasabihin mo ba ? O sasabihin mo?"

Tanong nya sa akin, umirap ako at kumawala ng hangin ..

" may kailangan kang malaman .."

" ano ? Nabuntis kana agad kay Boss!"

ONE IN A MILLION ( COMPLETED )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora