CHAPTER 47

3.2K 81 2
                                    

#I'm dying ...

I'm on my way to FFS building , monday ngayon pero nag halfday ako, bigla kasi akong nakaramdam ng pagkahilo kaninang umaga at mukhang hindi ko talaga kaya ang pumasok ng ganon ang pakiramdam ko .

Nasa kalagitnaan ako ng pagsulyapsulyap lang sa labas ng taxi na sinasakyan ko dahil medyo may traffic , nang tumonog ang cellphone ko . Agad ko itong kinuha sa bag ko at si Jen ang tumatawag.

" yes yatt ? Napatawag ka "

Sagot ko sa tawag ni Jen.

" yatt, sa bahay na kayo ni Leo mamaya mag dinner , birthday ni dad ngayon, please come "

Wika ni Jen sa kabilang linya at agad naman akong tumango tango ..

" yes yatt, We will come.. sabihin mo kay tito Happy birthday "

" okay , sige bye na yat tutulongan ko pa sina mommy mag prepare .. see yah ! "

" okay yatt, see you "

Ako na ang nag end ng call sakto rin na huminto ang taxi na sinasakyan ko at agad akong nagbayad at bumaba.

Dumeretso na ako papasok sa building at naglakad patungo sa opisina namin ni Leo ng masalubong ko si Maam Valdez na mukhang nakakunot ang noo nyang dala dala ang isang folder ..

" Goodnoon maam Valdez "

" Goodnoon din Ms Fuentez, mabuti at nandito ka na. Hindi kasi sumasagot si Leo sa opisina nya .. kanina pa ako katok ng katok , alam mo naman iyon hindi tayo pwede pumasok sa opisina nya ng walang permisyon na pwede na pumasok. Kaya babalik na sana ako sa opisina ko "

Napatingin ako sa folder na bitbit nya ... nandon si Leo sa loob ng opisina nya pero bakit naman hindi sya sumasagot sa katok ni Maam Valdez ? Ano namang meron? May meeting ba sya sa opisina nya ? Imposible namang doon sya mag se-set ng meeting ..

" ikaw na ang magbigay sa kanya nito Ms Fuentez .. at puntahan mo nalang ako sa opisina ko kung may kailangan si Leo "

Tumango ako at kinuha ang folder na nilahad nya ..

" okay maam .. "

Sinundan ko ng tingin si Maam Valdez na papunta na sa opisina nya , ng tuloyan na itong naka pasok doon saka lang ako lumapit sa pintoan ng opisina namin ni Leo ..

Sinubokan kong kumatok pero wala ngang sumasagot sa loob.. baka naman wala si Leo ?

Napatingin ako sa doorknob ng pinto at walang pag aatubiling hinawakan iyon.

Sinabi naman nya kaninang sa opisina lang sya mag hihintay sa akin ..

Agad kong binuksan ang pinto at deretso ang tingin ko sa table ni Leo...

Pero, iba ata ang nakita ko ...

What the fuck ....
.
.
Napahawak ako ng mahigpit sa doorknob ng makita ang pangyayare sa harapan ko ..

Si Kayline, the damn bitch.. nakaupo sya sa harap ni Leo at naghahalikan silang dalawa ..

Nanghihina ang mga tuhod ko at nabitawan ang folder na hawak ko , naglikha iyon ng maliit na ingay pero narinig nila iyon at sabay silang napatingin sa gawi ko ..

Halata ang gulat sa mukha ni Leo , at namumutla na nakatingin lang sa akin habang si Kayline naman ay agad na umalis sa pagkakaupo nya sa harap ni Leo at dali daling inayos ang sarili at naka taas ang kilay na nakatingin sa akin..

Ano iyong nakikita ko ? No.. panaginip lang ba to ? Ang samang panaginip naman ..

sinampal ko ang sarili at natigilan ako ng nakaramdam ako ng sakit, doon na tumolo ang mga luha ko at napatingin kay Leo na nakatayo na ..

ONE IN A MILLION ( COMPLETED )Onde histórias criam vida. Descubra agora