Prolugue

7 1 0
                                    

3rd Person's Point of view

Masayang naglalakad papunta sa hintayan ng bus ang magkaibigang Queseiz at Zarniah. Pilit na kinukulit ni Zarniah si Queseiz na magkwento sakanya ng about sa boyfriend nya, madami na rin kasi syang balitang narinig na may napaka gwapong nobyo si Quesiez.

"Iah, wala nga akong boyfriend, alam mo namang wala pa akong panahon sa mga ganyan. Ano kaba naman at naniniwala ka sa mga chismis nila Venus, tsk." Saad ni Queseiz

Napa hugot ng malalim na hininga si Zarniah at sya ay nagsalita

"Sabagay, mga maninira nga pala ang mga asong yon, ikaw ah! Nabalitaan ko rin na binully ka nanaman nila kahapon, para sabihin ko sayo dapat lumalaban ka, hello, hindi sa lahat ng oras maipagtatanggol kita, di naman kita kaklase palagi."

Ngumiti si Queseiz at lumabas ang dalawa nyang dimples

"Oo na, Iah, ayoko lang kasi lumaki ang gulo." Napansin ni Queseiz na natulala ang kanyang kaibigan sa dalawang lalakeng magkasama na halata mong naghihintay din ng bus.

"HOY! ZARNIAH LEREECE CRUZ!" Sigaw ni Queseiz na nagpabalik sa ulirat ng kanya kaibigan.

Napailing ng mabilis si Zarniah at humarap muli sa kaibigan

"H-ha? Ay sorry, Sei naman! Ang pogi kasi oh!" Sabay turo nya sa lalakeng naka pulang jacket, nakita nya ang uniform nito at senior high na pala.

Tumawa si Queseiz at nagsalita "Sikat yan sa SHS Building, may girlfriend na yan, alam mo kung sino? Yung mabait na ate nung isa sa alagan ni Venus na si Reigne."

At pagkasabi pagkasabi ni Queseiz noon kay Zarniah at may babaeng kasing tangkad lang nila at ma uniform ng lalakeng gwapo. Niyakap nito ang lalake at umalis na sila, naiwan ang isa pang lalake na naka uniform din ng pang senior high.

"Sayang naman, Sei, palpak talaga ang lovelife ko argh!" Napalingon naman si Zarniah sa isa pang lalake na naiwan. "Eto nalang kaya? Pogi din naman hahahaha!" Pabiro nyang sabi

Umirap din ng pabiro si Queseiz. "Hay nako Iah, halika na nga umuwi na tayo, sigurado hinahanap na tayo ng mga nanay nating parang armalite."

ChaseWhere stories live. Discover now