Chapter 1

10 1 0
                                    

Queseiz's Point of view

"Goodmorning world!" Sigaw ko at bumangon. Naamoy ko na ang niluluto ni mama, first day ng pasukan ngayon. Excited na ako! Aack!

Naghilamos muna ako at tsaka bumaba.

"Goodmorning, Mama!" At niyakap ko sya sa likod nya.

She let out a chuckle before sya magsalita

"Hay nako, Taliria, gisingin mo na nga ang kuya mo at baka malate pa kayo." Nag pout ako kahit di nya nakikita

"Mama, Queseiz nga po, ang panget kaya ng Taliria, ano ba yon parang pagawaan ng sasakyan. Hay nako gigisingin ko na po ang tamad kong kuya." Kiniss ko si mama sa pisnge ay umakyat ulit para gisingin si kuya.

"Kuyaaaa! Wake up, late kana 8 naaa!" Sigaw ko kahit ang totoo 6 palang. Hello! Hindi kaya to gigising.

Nagulat ako ng buksan nya ang pintuan na gulat na gulat. Naka sando at boxer lang sya. Sanay na ako, at walang ilangan. Kuya ko naman sya

"Seriously?! Shit!" Di sya mapakali

Tumawa ako ng sobrang lakas

"Psych! Hahahahaha! Bangon na nakaluto na si Mama." Ang sama ng tingin nya saakin, hinabol nya ako

"You little spoiled brat! I'll kill you!" Kaso nakaupo na ako sa lamesa HAHAHAHA, sorry sya.

"Mama oh! Si kuya papatayin nya daw ako, sige ka kuya, mawawalan ng maganda sa lahi natin. Muka kapa namang pwet."

"Tss, excuse me ikaw yon, ampon!" Hoy hindi ako ampon! Pang asar lang yan sakin ni Kuya, ako lang kasi ang blue ang mata samin. Malay ko ba baka nakuha ko daw to sa lola ko sa talampakan o kung anong lola ko man.

Pinandilatan ko sya ng mata. "Sus inggit ka lang! Di kasi blue yang mata mo. Buti pa ako always Blue-ming." Sarcastic na sagot ko sakanya.

Inirapan nya lang ako at kumain narin sya. Pikon si panget.

"Hoy eatwell kuyaaa, mabusog at mabulunan ka sana." Sabi ko at nag flying kiss sakanya, umakyat na ako para maligo at mag handa. Ganda kaya ng uniform namin. Mala korea. Kabogera ng taon.

Zarniah's Point of view

"Pasukan nanaman." I said habang tinitignan ko ang sarili ko sa salamin. Nakabihis na ako. Bumaba ako at nakita ko si Ate at si Papa, humihingi ng allowance si Ate kay Papa.

"Oh, Zar, papasok na ako ah? Kitakits nalang sa school." Sabi ni ate at bineso nya ako.

"Anak eto allowance mo oh, may laman paba mga credit cards mo? Or wala na?" Tanong ni Papa matapos kong abutin ang 2k

"Meron papo Papa." Sabi ko ng nakangiti

Tumango sya at ngumiti pabalik. "Sa school ka nalang mag breakfast ah? Wala si Nanny eh, nag day off." Tumango ako at hinalikan nya ako sa noo.

Nakakamiss si mama, sobra. Nakakamiss magkaroon ng Ina, nakakamiss may mag aalaga sayong Ina, nakakamiss ang amoy, yakap, boses, halik, at ang mga ginagawa nya.

Yeah, wala na akong mama. Mag dadalawang taon na rin. Medyo nasasanay na ako, pero di ko maiwasang hanap-hanapin sya.

Umalis na ako. After 20 minutes ay nakarating narin ako sa school ko. Ang 'All in Academy' tinawag tong ganito kasi lahat nandito na. Kulang nalang ay maging Mall to. Maraming bilihan dito ay galaan. Sobrang laki.

"Salamat manong, tatawagan ko nalang kayo pag magpapasundo napo ako." Tumango si Manong saakin. Papasok na sana ako ng gate ng school kaso may tumawag saakin.

ChaseWhere stories live. Discover now