Panimula

1.5K 63 33
                                    

Taong 2060, matagumpay na nakontrol ng One World Society (OWS) na pinamumunuan ng bansang China ang malaking bahagi ng mundo matapos ang kaguluhan at digmaan na dinulot ng pandemya kung saan 96% ng populasyon ay nawalan ng kakayahang magkaanak.

Dalawampung taon ang nakalilipas nang ipinamahagi sa lahat ng parte ng mundo ang naimbentong pinakamanipis at pinakamatibay na contraceptive na tinawag na Avas. Dalawampung taon din ang nakalilipas nang may huling naitalang ipinanganak sa mundo.

Pinaniwalaan ng marami ang kumalat na impormasyon na ang lunas sa pagkabaog ay ang pakikipagtalik sa mga virgin na pinagpalagay na hindi infected ng virus. Nagsulputan ang mga grupong tinawag na Virgin Hunter na siyang dumadakip sa mga binata at dalagang pinaniniwalaang birhen.

Inaksyunan ito ng OWS sa pamamagitan ng pagtatatag ng Camp kung saan dito titipunin ang lahat ng dalawampung taong kabataan na hindi infected.

Nasa mga pinaniniwalaang Virgin nga ba ang lunas?

Tuluyan na nga bang mauubos ang lahi ng tao?

Tara sa Camp Virgin, at sabay-sabay nating alamin!

****

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either a product of author's imagination or used in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

All rights reserved. Do not distribute, publish, transmit, modify, display, or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

Date started: May 27, 2019

#Mystery, #Teen Fiction

Camp Virgin (Completed)Where stories live. Discover now