Chapter 6

445 24 9
                                    

(This Chapter is dedicated to Rainbow_Light03)

Rio's Point of View

Nagmadali kami ni Magi para makiisosyo, tumuntong kami sa mga upuan at nakita namin ang dalawang babae. Sa di kalayuan, nakita ko naman si Josh na parang sinusuportahan pa ang isa. Sinubukan ko ring hanapin sila Mario at Elio pero hindi ko makita.


"Aminin mo na! Kaya mo tinapon tong inumin sa'kin, kasi naiinggit ka dahil hindi ikaw ang katabi ni Josh," sigaw ng babae.


"Pinatid nga ko kaya natapon ko sa 'yo, ano bang mahirap intindihin dun? Hindi ko sinasadya. At wala akong pake sa lalaking yan kahit sa kama pa kayo magtabi," sigaw din ng babaeng nasa sahig at nililinis ang natapong pagkain.


Biglang nanampal at nanabunot ang babaeng natapunan pero bigla namang tinadyakan ng babaeng nasa sahig ang paa kaya nawalan ito ng balanse at natumba. Sa dami ng nakikiisosyo hindi agad nakalusot ang mga Camp Martial pero nang nahawi na nila ito, agad na silang pumagitna. Hindi naman na umimik ang dalawang babae at lumayo na sa isa't isa.


Inutusan naman ni Josh ang mga kasamahan nito na sunduin ang babaeng natumba. Samantala nakita ko si Elio na tinulungan ang isang babae kaya agad kong tinanong si Magi.


"Sis, si Elio yun di ba? Yung tumutulong sa sinampal," wika ko habang tinuturo ang kinaroroonan ni Elio.


"Si Elio nga, naku nawala lang ako nakahanap na sya ng iba?" sagot ni Magi.

"Chill ka lang, Sis, wag ka munang magselos dyan," biro ko.

"Hindi naman. Naaawa pa rin ako sa girl baka naawa lang din si Baby Elio," sagot nya.

Di pa man kami nakakalapit ay tinawag na ni Magi si Elio at nakita nga ni Elio na paparating kami. Nabigla si Elio nang bigla syang yakapin ni Magi kaya para syang nanigas. Naisip ko tuloy na baka nagseselos nga si Magi at pinakita sa babae na close sila ni Elio.


"Kumusta baby? Ang bait mo na naman. Nakita ka namin na tinutulungan si, ano pa lang name nya?" tinuro ni Magi ang babae.


"Ah, hindi ko pa rin natatanong," sagot ni Elio.


Nang marinig ito ni Magi agad syang nagpakilala sa babae, "I'm Magi, girl friend ni Elio as in babaeng kaibigan, and she's Rio kaibigan rin namin. Ikaw anong name mo?"


"Hello, I'm Shariah, you can call me Sha or Riah. Nice to meet you," nilapit ni Riah ang pisngi nito kay Magi para makipagbeso ganoon din sa akin. Kinamayan naman nito si Elio at nagpasalamat, "Thanks, Elio! I really don't care if I didn't have anyone beside me during the fight with Des but there's a relief knowing that someone is willing to help me after."


"No worries. I've been in that situation and I'm also thankful that Rio was there to help me," sagot ni Elio.


"Mabait talaga iyan si Elio kaya nga lagi ring napagtutulungan ng mga bad guys, buti na lang nandyan sila Rio at Mario," ani ni Magi na biglang hinanap si Mario. "Oo nga pala nasan si Mario?"

Camp Virgin (Completed)Where stories live. Discover now