Chapter 39

152 9 1
                                    

Magi's Point Of View

Nang makaalis na ang helicopter na sakay sila Rio at Doc Gio, na malamang babalik sa Barangay Ambon-ambon para kunin si Claire, nagpahinga na kami agad sa kwartong inihanda sa amin.

Pagkagising ng umaga, humarap agad ako sa salamin. Pakiramdam ko, ang laki na ng tinanda ng mukha ko sa mga stress na ito. Nakakaloka, hindi na nakaka-healthy. Kailan kaya matatapos ang pagtakbo-takbo namin? Ikawalong araw pa lang mula nang dalhin kami sa Camp, ang dami nang nangyari. Kailan kaya matatahimik ang mga buhay namin? Parang mas gusto ko na lang problemahin ang lovelife kesa dito. Nawawalan na tuloy kami ng oras ni Baby Elio ko. Speaking of Baby Elio, yayain ko kaya syang mag-ikot, siguro naman may garden dito. Nagsabay-sabay na kaming tumungo sa canteen.

"Baby Elio, samahan mo naman ako," anyaya ko sa kanya habang nauuna naman sa paglalakad ang iba.

"Where?" tanong nya.

"I just want to roam around, to be with the nature. English yan ha!" sagot ko.

"Now? Maybe we can do that later after we eat. I'm starving, how about you? Don't you wanna eat?" sagot nya.

"Of course I've been wanting to eat you. Charot. Sige na nga pero mamaya ha! Sasamahan mo ko," wika ko.

"Alright. But I'm thinking to visit Mario. I want to know his condition," sagot nya.

Ano ba yan. Ang dami namang palusot. Ang daming reason. Kung ayaw pwede namang humindi. Pero sabagay kumusta na kaya si Mario?

"Okay. Siguro next time na lang ako mag-iikot at hihinga with mother nature," sagot ko.

"Promise, I'll join you some other time," wika nya.

Hinatid kami ng isang martial sa isang canteen. May touch screen na menu kung saan pipindutin ang gusto mong kainin. Tapos, may waiting area para sa pagse-serve ng food. Kanya-kanya kaming pili at nagsama-sama sa iisang lamesa.

"Finally, I thought I won't be able to eat like this anymore. I miss this food," wika ni Jasmin.

"Ilang araw din tayo hindi nakakain nang matino. Laging bitin," sabat ni Xander.

"Magsaya tayo ngayon at kumain nang marami dahil hindi natin alam kailan uli ang susunod nito," wika ni Harvey.

"Ang nega naman, pero sabagay mas okay nang maingat kesa naman masorpresa na naman tayo," sagot ko.

"Let's just be grateful for this chance, to experience life, to be alive, and to be able to overcome those challenges that we have faced. I think this is just the beginning, so yeah, we should be ready!" pahayag ni Elio.

"Grabe naman maka-speech. Kumain na nga lang tayo!" biro ko.

"Guys, pwede bang magpramis kayo na magsasama-sama tayo hanggang sa tuluyan nang mawala ang virus? Hindi ko alam kung kakayanin ko pang may mawala sa inyo," wika ni Xander.

"Basta ako, pinapangako kong poproteksyunan ko ang bawat isa hanggang sa aking makakaya," wika ni Harvey.

"Proteksyunan mo rin sarili mo, ang sarili natin!" sagot ni Xander.

"I just want to say that I can't imagine this world without you guys! I rather die than be alone in this rotten world," wika ni Jasmin.

"It will never happen. We will live together, we will fight and look for the cure together. We are going to have our own families, and make children," sabat ni Elio.

"Ay gusto ko yung family at children. Baka nemen," biro ko.

"Elio, sagutin mo na kasi si Magi!" ani ni Harvey.

"Oo nga doon din naman ang punta nyan," sabat ni Xander.

"Ano ba kayo? Babae kaya ako, ako dapat ang nililigawan," biro ko.

"Mas mukha ka kasing lalaki," pang-aasar ni Harvey.

"That's not my priority right now," sagot ni Elio.

"Sad life," sabat ni Jasmin.

Nagtuloy-tuloy ang kwentuhan habang nagsasalo-salo. May tawanan, at may seryoso. Nahinto kami nang may nagdatingang mga martial na may tulak na cart at nilalagyan ng pagkain.

"Saan nila dadalhin yun?" tanong ni Harvey.

"Baka sila lang din kakain nyan," sagot ko.

"I think, those food are not for them, I guess, for hmm," wika ni Jasmin.

"For the campers, maybe they're already awake," ani ni Elio.

"Sigurado iyan, sundan natin sila!" suhestyon ni Xander.

Tinapos namin ang pagkain at sumunod nga sa mga martial. Sa aming paglalakad may nakasalubong kaming babaeng doktor.

"Mga kaibigan ba kayo ni Mario?" tanong ng babae.

"Opo, Sino ho kayo?" tanong ko.

"I'm Dr. Kelly Velasco, doktor ni Mario. Gusto nyo ba syang makita?" tanong nya.

"Pwede ba? Saan ang kwarto? Mabuti na ba ang lagay nya?" tanong ni Xander.

"Kanina nagkakaroon na naman sya ng seizure pero ngayon natutulog sya," sagot nya at tiningnan kami isa-isa. Bigla syang nagtanong, "Sino sa inyo si Rio?"

"Wala, kasama ni Doc Gio. Hindi pa ba sila bumabalik?" sagot ko.

"Kailangan pa naman na ang dugo nya. Baka kasi muling sumpungin ng seizure si Mario," wika ni Dr. Kelly.

"Kailangan po ba ng blood donor? Ano po bang blood type ni Mario?" tanong ni Harvey.

"Oo nga baka pwede rin kaming mag-donate," ani naman ni Xander.

"Hindi basta blood donor ang kailangan, siguro hintayin nyo na lang si Doc Gio na magpaliwanag sa inyo," sagot ni Dr. Kelly.

Sinamahan na kami ni Dr. Kelly para sumilip sa kwarto ni Mario. Mahimbing na natutulog si Mario kaya hindi rin kami nagtagal at umalis din. Naiwan doon si Dr. Kelly na nagbabantay sa kanya.

"Ano kayang nangyari kay Mario?" tanong ni Harvey.

"At bakit dugo lang ni Rio ang kailangan?" tanong din ni Xander.

"Nasaan na ba kasi sila Rio at Doc Gio?" tanong ko.

"Guys, let's go back to our plan earlier," ani ni Elio.

"Oo nga. Nasaan na ba ang mga campers? Papatulugin kaya sila?" tanong ko uli pero wala sa amin ang nakakaalam ng sagot.

Muli naming nakita ang mga martial na may dalang cart na pumasok sa elevator. Tiningnan namin kung anong floor ang pinuntahan tsaka kami sumunod. Pagkarating namin sa 6th floor kung saan nila dinala ang mga pagkain napansin namin ang malaking kurtina. Sumilip kami at nakita ang mga camper na nasa kanya-kanya nilang kama, nakaupo at kumakain.

"Wag kaya muna tayo magpakita, baka tadtarin tayo ng mga tanong," suhestyon ko.

"Tama, hayaan muna natin sila kumain at makapag-relax," pagsang-ayon ni Xander.

"Did they lose their memories?" tanong ni Jasmin.

"No. Rio, didn't agree to remove their memories," sagot ni Elio.

"Bumalik na lang tayo kapag kasama na natin sila Doc Gio," wika ni Harvey.

Nakarinig kami ng paparating na helicopter kaya agad kaming sumilip sa bintana. Nakita namin ang helicopter na sinakyan nila Rio. Dali-dali kaming bumaba para salubungin sila. 

Camp Virgin (Completed)Where stories live. Discover now