27

48 8 0
                                    

"Wala ba talagang namamagitan sa inyo ni Sangyeon?" seryosong tanong ni Junmyeon.

Umiling si Jongdae habang nakasimangot.

"Aba. Parang hindi ka masaya sa sagot mo ah." Minseok teased him.

He sighed.

Kaninang umaga, kakaiba ang kinikilos ng dalaga. Para bang ang lamig ng pakikitungo nito sa kanya.

Parang bumabalik sa dati.

He tried to greet her this morning, pero parang hangin siya na dinaanan lang.

"Edi sungitan niya ako! Pakealam ko sa kanya!"

Nagulat naman ang mga kaibigan niya nang bigla na lang siya sumigaw.

"Uh. Ayos ka lang ba Jongdae?" takang tanong sa'yo ni Yixing.

Tumango lang siya. Ayaw niya muna magsabi sa mga kaibigan niya ng mga problema. Gawain niya iyon actually.

Napabuntong hininga siya, hanggang sa napadako ang tingin niya sa dulo. Nakita niya roon si Sangyeon. Kasama niya sila Taeyong noona niya.

Papadaan na sila sa harapan nila nang hindi niya napigilan si Kyungsoo na tawagin sila.

Kahit kailan talagang pugo ka!!!

"Yo, ano meron soosoo." sabi ni Sooyoung.

"Parang ikaw walang soo sa pangalan mo ah." bara ni Kyungsoo.

"May soo sa pangalan niya pero wala talaga siyang soosoo." sabay tawa ni Yuri.

"Gagang 'to. Ano gusto mo? Away, ha? Halika dito, fite me!" panghahamon ni Sooyoung na pinakita pa ang kanyang brasong manipis na akala mo may muscle.

"Sige. Anong akala mo sakin? duwag? Boobs pa lang talo ka na." sumugod si Yuri kay Sooyoung para tumingkayad at ipalandakan ang kanyang hinaharap.

"Magsitigil nga kayong dalawang baliw." saway ni Sica na halatang yamot pa at inaantok.

"Oo nga. Manahimik muna kayong mga hangal." pag-sangayon ni Taeyeon at saka humarap sa kanila.

"Bakit mo pala kami tinawag, Dyo?"

Nanlaki naman ang mga mata niya nang bigla siyang itinuro ni Kyungsoo.

"Mukhang gusto niyang kausapin si Sangyeon." walang emosyong sabi ng pugo.

Siniko niya ang mukhang walang pakealam na si Kyungsoo pero halata namang tsismoso rin naman.

Tinignan niya si Sangyeon na nakatingin rin kay Jongdae, tumango siya sa kanya. Umiwas ito ng tingin.

"Kakausapin ka pala. Maiwan ka muna namin dito, ha?" sabi ni Taeyeon tsaka sila nagpaalam ng magkakaibigan. Nagsitayuan din ang mga kaibigan ni Jongdae. Mukhang iiwanan silang dalawa ah.

Nang mawala na ang mga kasama nila, nagkatinginan lang sila. Awkward.

Tumikhim siya. "May itatanong ako sa'yo."

Nakatingin lang si Sangyeon at walang balak sumagot kaya nagpatuloy siya.

"Galit ka ba sa akin?"

Napatanga si Sangyeon sa tanong. Napalunok ito at umiwas ng tingin.

"Hindi."

Napataas ang kanyang kilay.

"Kung ganon. Bakit mo ako iniiwasan?"

Walang emosyong tinignan siya ng babae.

"Bakit nga kaya?" Malamig na sabi nito at saka siya tinalikuran

Basher | jongdaeWhere stories live. Discover now