➡ ↕↕

28 5 0
                                        

Isang linggo na ang nakakalipas simula nang mangyari 'yon ay natagpuan na lang ni Jongdae ang sarili na nagpapakalunod sa alak sa isang bar na malapit lang sa kanilang dorm.

Hindi maalis sa isip niya ang malungkot na mukha ni Sangyeon ng gabing iyon.

Tila naging isang bangungot ang pangyayaring iyon na labis niyang pinagsisihan.

Madaling araw na nang magpasya na si Jongdae na umuwi. Hilong hilo siya at hindi niya alam kung paano siya makakauwi.

Lasing na lasing siya habang naglalakad sa kalsada nang makakita siya ng liwanag.

Nawalan siya ng malay pagkatapos.

———
Nagising na lamang siya na masakit ang ulo at gustong masuka.

Ngunit nawala ang kanyang pagbabalak niyang sumuka nang biglang may nagsalita.

"Gising ka na pala."

Napatingin siya sa pintuan. May isang lalaking nakasandal at tila kanina pa siya pinapanood. Medyo blurred pa ang kanyang paningin kung kaya't kinusot niya ang kanyang mga mata.

Unti unting luninaw ang kanyang mga mata.

Ganoon na lamang ang kanyang gulat nang malaman niya kung sino ang lalaking nasa pintuan.

Parang mawawalan na siya ng kulay sa sobrang pagkaputla. Gulat na gulat at hindi makapaniwala ang histura niya.

"P-paanong—"

"Nagulat ka ba? Don't worry, ako din naman eh."

Gusto na niyang mahimatay sa sobrang takot at kaba. Kaso nakalapit na sa kanya ang lalaki at may inilapit ito sa kanya.

"Hawakan mo." Utos sa kanya.

Napatitig na lamang siya sa isang kwintas na may singsing na pendant. Titig na titig lamang siya at walang kakurap kurap.

"Ang sabi ko hawakan mo, hindi ko sinabing titigan mo lang." Naiinis na reklamo ng lalaki.

Nakatitig lamang siya at tila wala ng reaksyon ang kanyang mukha. Unti unti na siyang nalulunod sa pagkatitig.

Napaikot ng mata ang lalaki.

"Whatever."

Basher | jongdaeWhere stories live. Discover now