Chapter 1

45.7K 920 125
                                    

CHAPTER 1 – CRUSH

FAYE POV.

"Hoy!" panggugulat ni Andrea sa akin.

"Oh, ano? Disturbo naman 'to eh." Simangot ko sa kaniya.

"Kanina ka pa titig na titig d'yan sa crush mo! Baka matunaw 'yan." Pagbibiro nito.

Inirapan ko nalang ang gaga at pinagpatuloy ang pagtitig sa long time crush ko.

"Gusto ko talaga mapalapit sa kanya Andrea, isa 'yun sa mga gusto kong ma achieve bago ang graduation natin sa high school." Nakangusong wika ko.

"Hay nako, Faye. Edi magpakilala ka sa kanya! Mahirap ba 'yun?" tugon nito habang inaayos ang kaniyang make-up.

Tinignan ko ito ng masama dahil para talagang gano'n lang kadali ang sinasabi niya.

"Aba syempre! Mahirap! At sigurado akong di naman niya ako mapapansin dahil hindi ang katulad ko ang ideal girl niya " malungkot kong sabi.

"At bakit mo naman nalaman ang ideal girl niya aber?! Sagot nito.

"Basta, alam ko lang." Maikli kong tugon.

"Hay naku! Uncrush mo na kasi yan si James! Jowa naman siguro yan sila ni April eh."

Napasimangot ako dahil sa sinabi niya. "Magkaibigan lang sila 'no!" pangangatwiran ko.

Napataas siya ng kilay. "Ahemm... Kaibigan nga lang ba?" pagduduldulan ng bruha.

"Crush ni April si Juctril, 'yung kuya ni James! Siguro, gusto mapalapit ni April kay Juctril kaya niya kinaibigan si James." Sabi ko at muling tinignan si James na busy sa kanyang binabasa.

"Alam mo Faye, sasabihin ko ulit 'to sa'yo ha. Payong kaibigan lang. Maganda ka, sexy, matalino, mayaman rin naman pamilya n'yo, at maraming ibang lalaking naghahabol sa'yo. Ano bang nakita mo sa James na 'yan at patay na patay ka sa kaniya?"

"Uulitin ko ang sagot. Love is love Andrea. Mahirap pigilan, mahirap ipaliwanag." Maikli kong paliwanag sa kaniya.

"Edi ikaw na! Dapat gawin kang santo ng mga martir eh. Saint Faye the Martyr! Pak, alam mo 'yun?!" pagbibiro nito.

"Ewan ko sa'yo!" napailing na lamang ako.

Matagal ko nang kaklase si James Lloyd Real simula grade 7 at hanggang ngayon na grade 12 na kami. Pero kahit na matagal na kaming magkaklase hindi niya parin ako kilala. Minsan na din kaming magkasama sa group project pero hindi talaga kami nakakapag usap ng matagal. Mailap din kasi siyang tao. Si April lang ata ang kilala kong kaibigan niya dito sa school namin eh.

Pero kahit na hindi niya ako napapansin at parang hindi ako nagi-exist sa mundo niya ay crush na crush ko parin si James. Simula pa nang una ko siyang makita.

Gusto ko sana na bago kami grumaduate sa Senior High mapakilala ko ang sarili ko kay James. Gusto ko din sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Baka kasi pagkatapos nitong senior high, hindi na ulit kami magkikita ng madalas.

Kaya gagawin ko ang lahat mapalapit lang ako kay James.

**

"Class dismissed!" wika ng teacher namin kasabay ng pagtunog ng bell.

Sa totoo lang kanina ko pa hinihintay na matapos ang klase namin. Sobra akong kinakabahan, parang lalabas ang puso ko sa sobrang lakas ng pag-kabog.

Nagsilabasan na ang lahat ng mga kaklase namin. Nakita ko naman si James na inaayos ang kanyang mga gamit.

"This is it! Dapat ko nang e-grab ang chance. Wala ng atrasan 'to! Maganda ka Faye!" pagpapalakas ko sa aking loob.

Tumayo ako at hinawakan ng mahigpit ang dala dala kong love letter.

The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon