Chapter 9

24K 636 118
                                    

CHAPTER 9 – GULO

FAYE POV.

“Swear, Faye! Si James talaga ‘yung nakita ko sa mall. Alam mo naman na never akong nagsinungaling sayo diba?” sabi ni Andrea.

“Oo na! Pero anong never ka jan? Nag sinungaling ka na kaya sa akin.”

Nanlaki ang mga mata niya.

“H-hoy! Kailan ah? Hindi kaya!” pakikipagdebate niya.

“Yung tinanong ko sayo na mahal mo naba si Alfred tapos sagot mo hindi, tapos mahal mo na pala.”

“Oo ‘yung time na yun nagsinungaling ako kasi hindi pa ako sure sa nararamdaman ko. Ano ba ‘yan! Bakit ako yung pinag uusapan dito? Dapat lovelife mo!”

Napanguso ako sa sinabi niya.

Hindi ko parin matanggap na niloloko ako ni James. Mahal na mahal ko siya at ang laki ng tiwala ko sa kanya.

Gusto kong makita sa dalawang mata ko na may ibang babae siya bago ako maniwala.

“Speaking of your cheater jowa, papalapit na siya.”

Nakita ko si James na nakapamulsang lumapit sa amin.

“Hi.” Bati niya sa akin at hinalikan ako sa pisngi.

“Oy, bes. Alis na muna ako ah? May gagawin pa kasi ako eh, pero bes ‘yung sinabi ko ha. Magingat ka sa mga tao ngayon kasi marami nang sinungaling at makapal ang mukha. Tama ba ako James?” Pagpaparinig ni Andrea.

Tanging tango na lamang ang sinagot ni James dito at kita sa mukha nito ang labis na pagtataka.

“Anong problema ng kaibigan mo?” ngisi nito habang ako ay walang imik at tahimik lang.

“Bakit ang tahimik mo ngayon?” pag-uusisa niya sa akin.

Umiling ako ako iniwasan ang titig niya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

“I’m sorry kung hindi kita lagi nakakasama sa pag uwi. Please forgive me, babe.” Paghingi nito ng paumanhin.

Ayan nanaman siya sa mga pa cute niya eh. Nagiging mahina at marupok ako pag tinawag kapag tinititigan na niya ako ng ganyan.

“Okay lang.” Mahina kong sabi.

Mas lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi at pinaharap sa kanya.

Napatitig ako sa kanya.

“I’m sorry na okay? ‘Wag kanang magtampo.” Malambing nitong sabi.

Hindi ko mapigilan na mapangiti sa kilig. Mahina ko naman siyang sinuntok sa balikat.

“Pasalamat ka mahal kita.” Nakangisi kong sabi.

“Mahal din kita.”

Natigilan naman ako sa kanyang sinabi.

Seryoso siyang nakatitig sa akin ngayon.

“A-anong sabi mo?”

“Mahal kita, Faye.” Ulit nitong sabi at hinawakan ang kamay ko.

Napangiti ako at niyakap sya ng mahigpit.

“Mahal na mahal din kita James. Sana hindi ka magsawa sa akin.”

Natawa siya sa sinabi ko at niyakap ako pabalik.

“Naks! Ang ganda ng ngiti ah! Kumusta kayo ng jowa mo?” Nakangising tanong ni Andrea sa akin.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko at dito din matutulog si Andrea. Ang boring daw kasi sa kanila kasi umalis ang mommy at daddy niya kaya siya lang ang maiiwan dun kasama ang mga kasambahay nila.

“Okay na kami ni James. Sinabi niya din sa akin kanina na mahal niya ako.” Kinikilig kong sabi at niyakap ng mahigpit ang unan ko.

“Ay! Kaya pala ang laki ng ngiti ng gaga.”

“So, hindi mo nilinaw ‘sa kaniya yung nakita ko na may kasama siyang ibang babae?”

Hindi ako nakasagot at napailing nalang.

Sa totoo lang, nagdududa parin ako at gusto kong malaman ang totoo. Nagsinungaling siya sa akin at gusto kong malaman bakit niya ginawa yun. Hindi ko lang sinabi kaagad dahil gusto ko munang siguraduhin.

“Aalamin ko parin kung ano ang katotohanan. Ayaw ko lang munang komprontahin si James, marami kasing mga posibilidad at ayokong awayin siya na walang maipakitang matibay na rason.” Pagpapaliwanag ko.

“Babe, pwede bang hindi muna ulit kita masasamahan sa pag-uwi. May pupuntahan kasi akong importante eh.” Pagpapaalam ni james sa akin.

“A-ah ganun ba? Okay lang. Magpapasundo nalang ako sa driver namin. Mag ingat ka sa pupuntahan mo ha.”

“I love you.” Sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Ngumiti ako.

“I love you too.” Wika ko.

“Umuwi ka agad sa inyo, okay! Magingat ka!” pahabol niya sabay kindat sa akin.

Isang tango naman ang itinugon ko sa kaniya kasabay ng matamis na ngiti.

“Alis na ako.” Pagpapa-alam niya at umalis na.

Biglang pumasok sa utak ko na sundan si James. Siguro dahil sa lagi kong pago-overthink. Kinuha ko ang bag at sinundan siya.

Pagkatapos niyang umalis sa parking lot ay pumara kaagad ako ng taxi at pinasundan siya.

Nakita ko ang pagtigil ng kotse niya sa isang Chinese Restaurant. Lumabas siya sa kotse niya at pumasok sa loob.

Kaagad kong sinundan siya sa loob. Umupo ako sa tagong parte sa restaurant na hindi mapapansin.

Nakita ko siyang nakaupo sa isang table at busy sa cellphone niya na parang may hinihintay.

Maya-maya pa ay may isang babae ang lumapit sa kaniya.

“James!” pag-approach niya sa boyfriend ko.

“Vicky!” Masyang pagbati ni James sabay halik sa pisngi.

Nanlamig ako sa nakita. ‘Yan ba ang kabit ni James. Humanda kayo!

“Buti sinipot mo ako.” Masayang sabi ni James.

“Syempre! Mahal kita eh haha.”

Natulala ako sa sinabi ng babae at hindi mapigilang mainis at magalit.

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko at bigla akong tumayo at sinugod sila sa kanilang pwesto.

“Malandi ka! Boyfriend ko ‘yan!” biglang kong sinabunutan ang babae.

Nanlaki ang mga mata ni James nang makita ako, habang ako naman ay nag-aapoy na sa galit.

“Ouch, who are you! What’s your problem? James help!” sigaw ng babae habang walang-habas kong  sinasabunutan ang ulo niya.

“F-Faye!” galit na tawag sa akin ni James, ngunit hindi ako nakinig sa kaniya.

“Malandi ka! Boyfriend ko ‘yang niyayakap at hinahalikan mo!” panggigigil ko rito.

“What the fuck, Faye! Stop it!  She’s my cousin!”

TO BE CONTINUED...

The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon