Chapter 2

31.3K 809 66
                                    

CHAPTER 2 – PARTNER

FAYE POV.

"Napapansin mo ba si Josie, Faye? Palagi nalang siyang nakadikit sa crush mo." Sabi ni Andrea.

Si Josie na tinutukoy niya ay ang kakambal ni April pero hindi sila magkamukha.

Napapansin ko nga din na laging nakadikit si Josie kay James. Pero hindi naman ako nag iisip ng masama sa kanila kasi kapatid siya ni April at siguro magkaibigan lang talaga sila ni James.

"Magkaibigan lang 'yan sila."

"Magkaibigan?! Hindi mo ba naririnig ang mga chismis na mag jowa ang dalawa?!" sulsol sa akin nito.

Inirapan ko ang bruha at ibinaba ang libro na aking binabasa. "Magkaibigan nga lang kasi." Pagdidiinan ko.

"Edi magkaibigan, sabi mo eh. Pero tignan mo 'yun oh!" pagngunguso nito sa isang direksiyon. Napatingin naman ako sa tinuro ni Andrea.

Nakita ko si Josie na nakakapit sa braso ni James habang malaki ang ngisi sa mukha.

Kahit na anong pilit kong paniwalain ang sarili na magkaibigan lang sila. Hindi 'yun ang nakikita ko sa bawat ngitian at kulitan nila. Hindi ko tuloy maiwasang magselos at makaramdam ng inggit kay Josie. "Sana all Josie! Huhuhu pwede palit tayo ng buhay?!" sa isip-isip ko.

"Oh diba? Bali-balita ngayon dito sa buong campus na mag jowa na ang dalawang 'yan." Pang-gagatong ng magaling kong kaibigan.

Hindi ko mapigilan ang aking sarili kaya kinuha ko ang bagong talim kong lapis at hinawakan ng mahigpit.

"Hoy, Faye ano 'yan? Sasaksakin mo sila? Hoy, maghunos-dili ka Faye. Hindi ka masamang tao." Pag-iinarte ng gaga.

"Gaga! Bakit ko naman gagawin 'yun?" saway ko sa kaniya.

"Eh, bakit mo hawak 'yan parang gusto mo silang saksakin?" aniya.

"Ano ba, ito 'yung buburahin ko." Wika ko sabay buklat ng aking notebook sabay bura sa flames na ginawa ko sa pangalan namin ni James.

"Gaga ka! Malapit ka nang grumaduate pero nagpi-flames ka parin?" pagtawa nito sa akin. Pero wala akong pakialam sa biro niya dahil sa totoo pang ay sobra akong nasasaktan sa tuwing iniisip na mag jowa si James at si Josie.

Napayuko naman ako at hindi mapigilang masaktan ng sobra.

"Ano bang meron kay Josie na wala ako? Sa pagkakaalam ko pantay lang naman ang ganda namin ni Josie. Pero mas sexy ako at matalino pa. Bakit hindi ako magustuhan ni James?" pagsi-self pity ko sa isipan.

Pagkatapos ng Lunch Break namin ay pumunta na kami sa classroom. Philippine Politics and Governance ang subject namin ngayon kaya kailangan kong makinig talaga. Hindi kasi ako masyadong magaling sa politics kaya kailangan ko talagang makinig kasi part ito ng major subjects ng HUMSS strand.

"Today guys, I will schedule you for your reports next week. By partner ito at ako ang pipili kung sino ang partner niyo. Are we clear?" Sabi ng teacher namin na si Sir. Catubig at tinignan ang class record niya.

Sinabi na ni sir kung sino ang mga kapartner ng mga kaklase ko, habang ako naman ay matamlay dahil naiisip ko pa rin ang sweetness ni James at Josie kanina. Hanggang kinuha ni sir ang atensyon ko nang tinawag niya ang pangalan ko.

"Castillo, Faye Aisha!"

"Ms. Castillo?!" pag-uulit ni sir.

"P-po? Sorry, sir."

"It's okay. Just write down the name of your partner and your topic." Wika ni Sir.

"Okay sir!" sagot ko at inihanda ang ballpen at papel.

The Gay CEOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon