Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 1

158K 1.8K 109
                                    

Bakit ayaw ni Crystal si Jacob? It's because he was hot as hell that so many women lust after him. Despite that, he didn't act arrogantly or he never bragged about his bitches which was absolutely surreal.

A discreet fuckboy! That's what Jacob Murillo was but she didn't want to go there right now. Lahat ng kagaya nito na super gwapo, mga makamundo, at mayayabang ay hindi dapat pagkatiwalaan.

"Hoy! Hindi ka na sumagot! Ano kako ang ayaw mo kay Jacob?" tanong ni Ramona.

Hindi siya agad sumagot. Nilaro-laro niya ang dulo ng buhok na nakatirintas.

"Walang masabi kasi walang maisip!" tukso naman ni Pearl.

Sinamaan niya ng tingin ang mga ito. "Madami," maiksing sagot nito at wish lang nitong tumahimik na ang dalawa.

Nag-make face ang mga ito.

"Nagpapapanggap lang 'yan!" banat ulit ni Pearl at pumalatak si Ramona.

"Palagay ko kailangan mo nang magsalamin tapos kornerin mo si Jacob! Baka kasi kapag nakapagsolo na kayo, ma-realize mo na boyfriend material siya and he is so sizzling hot! Swerte mo nga at BFF siya ng kuya mo kaya palagi mong nakikita. Hay, ang sharap talaga!" kagat ang ibabang labi na sabi ng huli habang halos nakadikit na ang ilong sa salamin.

They were in her bedroom. May balcony ito which was overlooking the pool. Nakaupo siya sa carpet na nasa tabi ng kama niya while the two were peeking behind the tinted glass door. Nasa baba ang Kuya Niel niya at ang girlfriend nito na si Jems na kontrabida ng buhay niya. Siyempre, present din ang best friend ng kapatid na si Jacob na villain din. Hindi naman naliligo ang mga ito. Shot-shot lang habang nagkukwentuhan.

"Mahina ka nga, sissy! Ang dali namang makagawa ng paraan para magsolo kayo. I am sure okay lang sa kuya mo kasi nga close sila! Sayang naman ang cuteness mo, 'no? Ilang taon lang naman ang tanda sa 'yo? Ano ba naman ang 9 years? Yung iba nga, lampas 10 years pa!" komento naman ni Pearl na hindi na lang niya sinagot.

"Naku, may dumating na bruha!" nakasimangot na reklamo naman ni Ramona na ikinatawa naman niya nang mapakla.

Alam na niya kung sino ang bagong dating. "Matangkad, maputi, maiksi ang buhok at pokpok manamit?" she asked.

"YES!" chorus na sabi ng dalawa.

"Gretchen Sandico. Babae ni Jacob."

Napatingin sa kanya ang dalawa bago lumapit sa kanya. Umupo ang mga ito sa tabi niya. She made herself busy by removing her braid. Hopefully, na-achieve niya ang kulot na inaasam niya. Her hair was shiny and straight which she felt was so boring to look at. She's maarte. She has to admit that. Vain talaga siya since birth siguro.

"Talaga? Akala ko pa naman wala siyang steady dyowa pero bakit nandito ngayon 'yan? Hmp! Ano ba ang babae na 'yan? Pokpok o puta?" nakataas pa ang kilay na tanong ni Ramona.

Natawa siya sa tanong nito. "Well from her appearance and how she acts, she could pass for either or both."

"Ano namang pinagkaiba? Feeling ko pareho lang 'yon, eh!" Inikot pa ni Pearl ang mga mata.

"According to my friend na si John aka Jhonalyn sa gabi, isang ex-puta but never a pokpok, ang pokpok ay nagpapatira nang libre while ang puta, nagpapabayad!" sabi ni Ramona.

"Ay malamang pokpok! Sa yummy ni Jacob, hindi niya kailangang magbayad ng babae!" sabi naman ni Pearl.

"Girls! Whatever she is, I don't care! Enough of this nonsense! Mabuti pa ihahatid ko na kayo. Tara na!" may pagmamadaling sabi niya sa mga ito.

Tumayo siya at hindi man lang nag-abalang magpalit ng suot. She was in a white tank top and denim shorts which left a little to the imagination. Naka-flip-flops lang siya na bagay na bagay sa maputi niyang paa. Kinuha niya ang susi sa ibabaw ng drawer.

Seducing Mr. IrresistibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon