TRB 4.

6K 72 2
                                    

Rey pov.

"TSONG GISING UMAGA NA!!!" Napabangon ako bigla sa narinig ko aba umaga na pala?

Sino ba yung lintik na yun? Kinuha ko yung tambo at linabas kung sino man yun lagot ka sakin tatadtarin kita ng buhay.

"Tsong anu ba? Napaka tagal mong mag bukas ng gate sa bisita mo" Si ej lang pala.

"Bat may tambo ka dyan? Halika nga may pinadala si mama na ulam kumain na daw tayo tara na!!"  Sabi nya ee? Nako

"Tsong anung oras na?" Tanong ko?

"Aba di mo naitatanong ee, Tsong 10:30 na po ng umaga ay nako lagot ka kay mama"

Patay lagot nga ako may mama sabi ni mama wag daw tinatanghali sa kama ee.

Pumasok na kami sa loob at dumiretso naman sya sa kusina.

"Anak ng? Di ka pa nag sasaing? lagot ka talaga kay mama ako nga mag saing" kinuha nya yung kaldero at nag lagay ng bigas.

"Ako na nga" Sabay kuha ko sa kaldero

"Ako na, Like hello nasakin na oh?" Tinaas pa nya yung kaldero

"Ako na, Bahay ko to ee" Sabi ko

Hanggang sa nag hihilahan kami sa kalderong may lamang bigas.

"ANONG NANGYARE DYAN? ANAK NG? BITAWAN NYO YAN DALAWA" Napatingin kami sa Door

Si mama.

nagkatinginan kami ni Ej at sabay ulit kaming tumingin sa sahig natapon lahat ng bigas na nasa kaldero kanina parehas nanlaki yung mata namin hala kami.

"BITAWAN NYO YAN!!!!" sigaw ulit ni mama

Dahil sa gulat namin nabitawan nga namin yung kaldero at natapon yung natirang lamang bigas. Napatingin kami kay mama at umuusok na yung ilong nya.

Nilapag ni mama yung dala pa nyang ulam sa lamesa at pinulot yung kaldero pag katapos nilagyan nya ng bigas at nag unab.

Nakatalikod samin si mama at nag latinginan kami ni ej.

Sinakal ko sya at hinawakan naman nya yung braso ko.

Ang tagal namin sa ganung posisyon.

"ANO NAMAN GINAGAWA NYO?" Si mama nakita nya kong nakasakal sa anak nya at si ej naman nakahawak sa braso ko.

Kagad kaming tumigil sa ginagawa naman at hinarap si mama pero naka yuko kami.

"Anong sinasabi ko? pakiulit nyo nga"

May sinasabi pala si mama di namin narinig.

"Ano po wag pong gigising ng tanghali tsaka mag sasaing po incase na dumating kayo" Sabi ko tama tama tama ang sagot ko.  Lagot ka Ej.

"Ikaw Ej?" See tama yung sagot ko

"Mama sabi nyo po wag mag aaksaya ng bigas" Ang pangit ng sagot nya. Oo tama pangit ang sagot nya.

"Hay nako mali kayong dalawa, Ang sabi ko Ang mag kapatid na nag mamahalan di nag aaway nag papasensyahan kase mag kapatid kayo" Sabi ko nga mali kami

"Sorry mama" Sagot namin pinapunta kami ni mama sa sala at sya na daw bahala doon

I-non ko yung t.v. at nag lipat ng channel

Spongebob Squerpants,  Spongebob Squerpants,  Spongebob Squerpants, Spongebob Squerpants, Hayayayayayayayay!!!!!!!

Ayan spongebob na. Masaya kaming nanuod ni ej. Nilapat nya yung braso nya sa Couch at inunan ko naman yun tinaas ko pa yung paa ko sa hita nya. Odiba bati na kami.

Napansin namin si mama sa gawing kitchen na nakatingin samin na nangingiti ngiti pa. Im sure masaya si mama samin ni Ej.

Tinawag na kami ni mama at kakain na daw nakapag hain na din naman sya swerte ko talaga kay mama.

"Mama kelan ulit tayo mag bo-bonding? miss ko na yung pag lilibot natin ee" SAbi ko

"Anak Rey, Wala pang plano ee pero sige gagawa na ko ng plano para naman marelax kayo" See? Mahal kami ni mama hahahahahahaha.

Umalis na si mama at may pupuntahan pa daw sya. Naiwan kami ni Ej sa bahay.

"Ej Samahan mo ko shopping tayo?" Aya ko

"Rey naman kakashopping mo lang last week ah?" Ayan na naman sya.

Pipigilan at pipigilan ako nyan kontrabida yan ee

"Sige naman na tsong gagawa tayo ng thrill sa mall para di ka mabored promise" Sabi ko

"Ano pa nga ba magagawa ko? ang kukit mo ee. Libre mo ko ng Boxer ah?" pahabol naman nya.

"Oo ba basta ako mamimili?" Hahahaha i have a bright idea.

Nag palit na ko at lumabas na. Wala kaming kotse ngayon kaya mag ta-taxi kami.

Nauna kong lumabas kay Ej ng ilang minuto

"GoodMorning aking binibini. Flowers for you?" Alok ni David nako eto na naman sya manliligaw ko na to since bata pa kami ang pangit pangit naman.

"Lubayan mo nga ako umalis ka sa bahay ko madumihan yan papakulong kita" Sabi ko di kase ko subdivision kaya kung sino sino pumapasok.

"Pero Reyzelle Bea Garcia-batungbakal mahal kita"

"Wag mo nga ikabit sa pangalan ko yang pangit mong surname wala ng maganda sayo ang pangit lahat"

Nilagpasan ko sya at hinawakan nya yung wrist ko yuck as in yuck talaga.

"Bitawan mo ko" pero ang tigas ayaw akong bitawan. Ayaw mo ha!!

*Booogsshh*

"Anong ginawa mo?" Si ej

"Ee ayaw akong lubayan ee hinawakan pa ko ang tagal mo kase kaya i-nupper cut ko na" Sagot ko agad naman tumayo si David

Tinignan ako ni David tapos tingin kay Ej tapos tingin sa bahay ko paulit ulit nya yun ginagawa

"Mag ka-kasama kayo? Ej anung ginawa mo sa binibini ko?" Sabi nya yuck? Binibini? Kadiri lang.

"May ginawa kaming masarap bakit?" Sagot ni Ej napatawa naman ako kase umiiyak si David na umalis aba nakmamaktol pa.

"Babalik ako huhuhu lagot ka sakin ej huhuhuhu. Kukunin ko yung binibini ko huhuhu"

Napatawa pa ko ng malakas ng marinig ko yun kumuha na kami ng taxi at sumakay na papunta sa mall.

The Runaway Bride (EDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon