TRB 23.

1.5K 21 0
                                    

EL'S POV.


Bakit may nag papanggap bilang ako? Kahit malayo ako alam na alam ko ang nangyayare bakit? Sino sya? Isang impostor.

"Baka naman may Good Reason"

Nawala yung iniisip ko.

Ayos na nga pala kami ni Billy Although di kami pero Parang may something dahil parang nawawala na yung pag mamahal ko para kay Luke.

Si billy na yung kasama ko kaya nahulog na din ako sa kanya.

"Kahit na, Ako dapat ng nandoon Hindi isang impostor."

No wonder kung mag kano ginastos nya  magaya lang ang itsura ko pero di nya magagaya ang Ugali ko.

Dahil ako ang tunay na anak at tunay na Youthburg.

"Ano ngayon plano mo?"

Isa lang ang nasa isip ko ngayon ang bumalik pero pano si Luke? Pano si Billy? Pano ko? ok lang na nawawala ako pero di yung may papalit sakin. Dahil masyadong gumulo. Gumulo ang buhay ko at sisiguraduhin kong gugulo din ang buhay ng impostor na yun di nya makukuha sakin ang yaman ko pati na si Luke ang mga magulang ko at pati na si Lolo. Di nya mkukuha lahat.

Pero di pwede, Di ako pwede gumawa ng basta basta na lang dahil alam kong masasaktan si Billy.

"El?"

Nabalik ako sa Realidad.

"Kanina pa kita kinakausap anu bang iniisip mo?"

"Wala naman hehe"

Ano ngayon ang gagawin ko?

"Ano na plano mo? Babalik ka ba sa inyo?"

Napatingin ako sa kanya nakita kong may pain sa mata nya pero bigla na rin yun nawala.

"I guess  , Babalik ako dun............



Ng kasama ka"

Nakita ko ang pag kabigla sa mata nya.

Then I smirk.

"Ayoko man sumama ee wala akong magagawa, kase command mo ee"

Napataas naman yung kilay ko.

"Sige na oo na kahit di mo sabihin sasama talaga ko"

"Bakit?"

"Ee kase baka mapahamak ka tas mahal kita"

Sabay kamot nya sa ulo nya nakakatuwa talaga si Billy ang cute cute.

Oo nag mamahalan kami at di namin maipagkakaila sa isat isa yun.

"Kelan mo gagawin ang plano mo?"

"Soon"

Kelan nga ba? kailangan kong makita yung babae na yun. Kung sino man sya humanda sya sakin.

Di nya makukuha ang kung anung meron ako.



EJ'S POV.



"Maga na, Sikat na ang araw gumising ka na dyan"

Nag mulat ako ng mata at pinikit ko ulit. Nasisilaw ako.

"Ano bang nangyayare sayo?"

Si mama.

Dito nga pala ko nakatulog kagabi. Di na ko nag abalang umuwi inubos ko yung Beer at sige umiyak ako.

Napabangon akong bigla ng batuhin ako ng Can ni mama di naman masakit pero napabangon ako

"Bat di ka umuwi?"

"Para po wala na kayong aasikasuhin"

"Anak kita at di ko magagawang balewalain ka"

"Iniwan na nya tayo mama mas pinili nya yung pamilyang di sya kabilang kesa satin"

"Nakausap ko rin sya anak, Ayaw nyang sumama sakin,  Satin."

"Bakit ganun sya ma? Tayo kasama nya simula pagkabata tapos iiwan nya tayo?"

"May rason sya"

"Damn that Reason"

Sabay sipa ko sa Can.

"Shhh!!"

"Ma, Masakit po buong buhay ko minahal ko sya alam nyo yun ma"

"Masakit para sakin na makitang nagkakaganyan kayo, Pero balang araw maiintindihan mo din lahat"

"What do you mean?"

Nag iwas ng tingin si Mama at naunang mag lakad.

"Nothing, Umuwi na tayo"

Sumakay kami ng taxi. Si mama naman tahimik lang naamoy ko yung sarili ko at ang baho ko na.

"Mama, Ilang taon ako nung iniwan tayo ni papa?"

"Di nya tayo iniwan Ej namatay sya. Pinatay sya"

"Bakit di nyo po nilaban yung kasong yun?"

"Ang tagal na nun Anak di na kailangan alam kong masaya na ang papa mo"

7 Years old pa lang ako namatay na si Papa di ko man nakita o alam ang totoong dahilan naniniwala akong mabuting tao ang papa ko at mahal na mahal nya si Mama ko.

Agad akong pumasok sa kwarto ko nung makauwi kami at nakita ko na naman yung sulat ni rey na iniwan nya sa Ref nya.

Hanggang ngayon nakatabi parin sakin yun di ko magawang itapon, Punitin o ni lukot di ko magawa.

Kung mabasa nyo to malamang ay wala na ko dito, Sorry dahil umalis ako. Kung mag papaalam ako sa isa sa inyo alam kong di nyo ko papayagan pero kung tatakas ako may pusibilidad na makaalis ako kaya yun ang ginawa ko. Matagal man bago ko makabalik sigurado kong babalik pa rin ako dahil kayo, KAyo ang pamilya ko kayo ang mas nakakakilala sakin at alam kong kayo ang nagmamahal sakin ng lubos mahal ko kayo at di mag babago yun. Gusto ko lang hanapin ang totoong ako.

Rey.

Di ko matapon to dahil sa tinatanaw kong babalik sya pag nababasa kong babalik sya mas lalo ko syang minamahal.

Rey ako na lang.

The Runaway Bride (EDITED)Where stories live. Discover now