Prologue

456 8 0
                                    

[Prologue]

It was a rainy day. Galing lang ako sa company ng daddy ko. It was a stressful work. Many papers to fill in, many works to be done at the end of the day. Actually hindi pa nga ako tapos sa trabaho ko, tumakas lang ako.

The truth is hindi pa ako handa magtrabaho at maging isang CEO sa isang big hit company tulad ng sa papa ko. Well, ang taas kasi ng expectations ni dad para sa akin.

After mamatay si mama when I was only 7. Nakatuon na lagi ang atensyon niya sa akin at sa trabaho niya. My dad is a workaholic.And because of the high expectation ni dad para sa akin hindi rin maiiwasan ang ma-pressured. Sobra akong na pressured.

Nung nabubuhay pa si mama hindi gaano ka babad sa trabaho si papa. Masaya pa kami noon. Naalala ko pa noon. I was only 5 years old nun pero malinaw parin ang alaalang yun dito sa isipan ko. Nasa isang beach resort kami nun. Masaya kaming naglalaro nun ni mama at papa habang nagtatampisaw sa malamig na tubig ng may makita akong isang starfish. At first nagulat ako kasi first time ko pang makakita ng starfish na ganon ka laki. Kinuha iyun ni mama at inilagay sa may buhangin. Kinuwantuhan rin ako ni mama kung ano ang buhay niya noon ng hindi pa sila nagkakakilala ni papa. Sobrang dilim ng buhay niya noon ng biglang dumating si papa na siyang nagbigay ilaw sa madilim niyang mundo.

Hindi rin nagtagal ng malaman naming may cancer si mama sa puso. Sa totoo lang murang edad pa lang ako nung mga panahong iyun nang malaman ko na may  sakit na ganun si mama. Di ko pa alam kung anong klaseng sakit yung nandun kay mama. Kasi bata pa ako. Nawala rin ang sigla sa loob ng bahay ng magkasakit si mama. Panay rin ang pagpunta namin sa ospital para magpacheck-up kay mama. At sa bawat pagpunta namin, unti-unti ring nalalagas ang buhok niya hanggang sa tuluyan ng nakalbo si mama. Sobra siyang nangayayat at nanghina sa mga panahung iyun.

Umabot rin ang panahon na nagbreakdown na si mama at sabi ng doctor wala nang pag-asang gumaling pa si mama sa sakit niya dahil umabot na siya sa Stage 4. Wala na kaming nagawa kundi ang magdasal nalang. Araw-araw gabi-gabi nagdadasal ako sa panginoon na sana gumaling na si mama sa sakit niya. Kaso hindi na kaya. Si mama na mismo ang kumalas, si mama na mismo ang sumuko, iniwan na kami ni mama. Panay ang iyak ko ng gabing iyon kasi wala na siya. Kinabukasan, ng araw na iyun ay ang birthday ko walang kasiyahan ang naganap, pati si papa mukhang nakilimutan rin ang birthday ko, pati mga kasambahay namin dito sa bahay nakalimutan rin ang kaarawan ko. Mas lalo lang pinapalala ang katotohanan na iniwan na talaga kami ni mama.

Kaya lumaki akong mag-isa. Nagpursigi ako sa pag-aaral. Nakakuha ako ng mga awards, lagi akong top sa klase namin at pambato rin ako sa mga math and science quiz. Habulan rin ako ng mga babae noon dahil matalino daw ako, gwapo, mganada ang pangangatawan, at isang basketball player. Pero kahit ganun pa there is only one thing kung bakit ako gusto ng madla and thats because of my charm, wala talagang totoong nagmamahal sa akin.Kaso kahit ganun pa ako kagaling sa mga sinalihan ko wala namang magsasabit sa akin ng nga medalya na napalanunan ko. Dahil lagi ng wala si papa. Tanging ang mga kasambahay nalang ang minsang pumupunta sa school nung graduation ko e.

Sa totoo lang hindi ako magagalit kay papa sa ginawa niyang pag iwan sa ere. Kasi kaya siya babad sa trabaho e gusto lang niya sigurong kalimutan na ang nakaraan nila ni mama, gusto niyang makalimiutan si mama.

Sa pag uwi ko sa bahay, lagi siyang wala. Minsan nga e di na siya dito tumitira e. Parang unting-unti ng nababalot ang bahay ng kalungkutan. Kaya bata pa ako naging mulat na ako sa mga bagay-bagay at sa kinatatayuan kong sitwasyon ngayon. Na wala ng taong magpapasaya sa akin.

I'm Psalm Adrian Cortez. 28 years old. Isa kami sa pinaka mayamang pamilya sa Pilipinas at ako rin pinaka malungkot na lalake sa buong planeta. Walang taong nagmamahal sa akin ng totoo. Walang tao ang may pakealam sa akin. At iniwan na rin ako ng taong pinakamamahal ko ng lubos. Si Mama. Nangako ako sa sarili ko na hindi na muli ako iiyak, hindi na uli ako magpapasubo sa mga problema, na hindi na uli ako maniniwala sa salitang 'PAG-IBIG'.

The Destiny's Choice| SS#1Where stories live. Discover now