2

5.9K 125 3
                                    

Hindi ko alam kung gaano katagal na ako nakikipagtitigan sa plorera na naglalaman ng mga bulaklak na bigay ni Aldrie Hochengco. Nakapangalumbaba ako habang hindi maalis ang tingin ko doon. Ito lang siguro ang nasa isipan ko ngayon. Bakit ba ang kulit niya? Good thing, hindi, wala akong mga client ngayon kaya masasabi ko na ito ang libreng oras ko.

Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Ibinaling ko nalang sa laptop ang atensyon ko para kahit paaano ay mawala sa isipan ko ang lalaking iyon. Itutuloy ko nalang ang pagtitipa ko para maipasa ko na din sa agent ko ang manuscript ng research ko. Ngunit bigo naman ako dahil biglang tumunog ang cellphone ko. Tumigil ako saglit sa aking ginagawa. Kinuha ko ang aking cellphone na nakapatong lang sa aking desk. Kusang kumunot ang noo ko nang makita ko na si mama ang caller.

Tamad akong sumandal sa swivel chair habang nanatili akong nakatingin sa screen ng phone ko. Binasa ko ang aking labi. Nagdadalawang-isip ako kung sasagutin ko ba ang tawag niya o hindi. Pumikit ako ng ilang segundo hanggang sa nakapagpasya na ako. Sinagot ko ang tawag. "Yes, ma?" tamad kong bungad sa kaniya.

"Liz, anak! Mabuti at nasagot mo ang tawag ko..." nahihimigan ko na nakahinga siya ng maluwag dahil sa pagsagot ko.

"Ano pong kailangan ninyo?" pilit kong maging normal sa pandinig niya. Nilalaro-laro ko ang aking ballpen.

"Tatanungin ko sana kung uuwi ka ba dito sa weekend? Birthday ng kapatid mo—"

"I can't make it, ma. Sorry, I'm busy. Sa susunod nalang siguro. Iyan lang po ba?"

Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya sa kabilang linya. "Liz, alam kong... May galit ka sa akin... Dahil hindi kita nagawang ipagtanggol sa papa mo—"

"Stop, ma." medyo mariin kong sambit. "I'm good and I'm thankful because you made me like this. Nagawa kong buhayin ang sarili ko na walang tulong ninyo. Kung wala na po kayong sasabihin pa, ibababa ko na po ito dahil may mga naghihintay sa aking mga clients, bye." mabilis ko din pinutol ang tawag. Niluwagan ko ang pagkahawak ko sa telepono hanggang sa bumagsak iyon sa desk.

Muli ako sumandal sa upuan at tumingala sa kisame. Pinipigilan ko ang sarili ko na maiyak dahil nabanggit na naman niya ang mapait kong kahapon.

I used to live in hell when I was in my childhood. Masasabi ko na wala akong naging kalaro o naging kaibigan dahil sa mahigpit na batas ng aking ama. Ang tanging gagawin ko lang ay bahay at school. Tuwing may mga activity sa school, ipinagbabawalan niya na maka-attend kami ng kapatid ko. Yes, I hate it to say this but... He manipulated my life. Pero ang inaasahan ko na magiging kakampi namin, daig pa na tinalukuran niya kami. Yuko siya ng yuko sa tatay ko. Dahil ba sa sobrang mahal niya ang tatay ko kahit hindi naman talaga siya minahal nito? Dahil apelyido lang ng nanay ko ang habol ng magaling kong ama para makapasok sa lintek na Politika na iyan? Ano bang mapapala niya d'yan?

"Eliza, don't do this! Eliza, don't do that!" iyan ang palagi kong naririnig sa kaniya. Kahit na sinasabi na JS Promenade na iyan, never ako naka-aattend d'yan kahit na naglalaro sa isipan ko kung ano bang pakiramdam sa oras na makasali ka sa ganyan? Anong pakiramdam kapag nakasayaw mo ang crush mo? Ng boyfriend mo? Totoo ba na iyon ang gabi na mala-fairytale na karaniwang naririnig ko sa kanila?

Naputol ang pag-iisip ko nang biglang may kumatok sa pinto ng aking Opisina. Nang nagbukas iyon ay tumambad sa akin si Tonya na sumilip dito. "Doc?" tawag niya sa akin.

"Tonya? May client ba?"

Tagumpay siyang nakapasok sa loob hanggang sa tuluyan na siyang nasa harap ko. "Tumawag po kanina si Mr. Hochengco, ang sabi niya sa akin, susunduin ka daw niya po ng lunch break."

Marahas akong huminga ng malalim. Hayy, isa pa iyon. Ayaw ako tantanan!

"Doc?" muli niyang tawag sa akin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 08 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MY, HOT DOCTOR [18+]Where stories live. Discover now