Chapter 17

10.9K 372 1
                                    

NANG kumatok si Nunzio sa pintuan ng suite ay hindi iyon agad bumukas. Ang jetlag niya ay ininda niya. Wala siyang ideya kung ano ang nangyari kay Isabela ngunit sa reaksiyon ni Ashley sa pagtawag sa kanya ay nahuhulaan na niyang hindi iyon maganda.

Makaraan ang dalawang minuto ay nakarinig siya ng kaluskos sa loob at bumukas na rin ang pinto. Isang babaeng naka-uniporme ng isang babysitter ang tumambad sa kanya. Magulo ang buhok nito at amoy-alak. Muli niyang sinulyapan ang numero ng suite. Hindi naman siya nagkamali ng kinatok na pinto.

"Is Isabela here?" tanong niya.

"Ay, Sir, kayo po ba si Sir Nunzio?" anang babae, agad na hinagod ang ulo. "Ako po si Laila. Yaya po ako ng bunso ni Ma'am Ashley. Pinadala po niya ako rito kasi dinala sa ospital ang alaga ko pero okay naman daw po na si Bunso. Tuloy po kayo, tuloy po." Habang pinatutuloy siya ay panay ang pag-aayos nito ng mga nagkalat na gamit sa suite. And there, beautifully sprawled on the couch, was Isabela. Isa bang pintor ang nag-ayos ng puwesto ng babae roon?

Ang isang braso nito ay nakataas sa armrest, habang ang isa pa ay nakalungayngay at halos sumayad na sa rug. Ang isa nitong paa ay nakapatong sa kutson, sa gayon ay nakataas ang tuhod nito, habang ang isa ay nakatuwid. She was wearing a red dress, a white shawl was covering her thighs. Ang buhok nito ay magulo at ang ilang hibla ay nasa mukha nito. She was wearing a red lipstick that made her lips look luscious. Natutulog ito. Gayunman ay napakaganda pa rin nitong tingnan.

"Ay, sir, baka mamaya pa po magising si Ma'am at nauna pa ho akong makatulog sa kanya." Itinaas ni Laila ang isang bote ng alak. "Naku, naubos pala niya ito, o. Natulog po akong kaunti pa lang ang bawas nito. Eh, hindi naman po ako marunong uminom, Sir. Naawa lang po ako kay Ma'am kaya pinilit kong sumabay. O-order po ako ng pagkain, sir, ano po ang gusto ninyo? Bilin po ni Ma'am Ashley sa akin na asikasuhin kayo pagdating ninyo."

"Some cold water would be nice, thank you."

Ibinaba na niya ang bagaheng dala niya, naupo sa silyang katabi ng hinihigaan ni Isabela. Umungol ito at nag-iba ng puwesto, tila nilalamig. Kumuha siya ng blanket at ikinumot iyon dito.

Pinabayaan niya si Laila na maglinis sa silid at kasabay ng pagdating ng pagkain ay natapos na ang babaeng damputin ang mga nagkalat na gamit sa sala. Nagpatawag siya ng housekeeper para linisin naman ang silid at banyo. Tulog na tulog pa rin si Isabela.

Kumain na sila ni Laila at nang matapos ay dumating na rin si Ashley. Nag-usap sila sa komedor ng suite, habang tulog pa rin si Isabela.

"She's in very bad shape, Nunzio. Noon ko pa naman sinasabi sa kanya na wala siyang mapapala kay Zach pero magaling mambola si Zach. Alam mo 'yan noon pa. In my mind though, I've always pictured you with her."

Biglang nag-init ang mukha niya. Hindi niya nakakausap sa ganitong paraan si Ashley.

"Don't be embarrassed. I told her that one time."

"And?"

"She ignored it, said she's with Zach. Hindi ko alam kung ano ang nakita niya kay Zach. Noong mga bata pa tayo, naiintindihan ko. High school jock, prom king, the works. Siyempre, habang nagkakaedad ka naiisip mong hindi nagtatapos doon ang mga bagay na mahalaga sa buhay. There was even a time when I thought Isabela was just making up for her mistakes."

"What do you mean?"

"Kilala mo ang babaeng 'yan, parating may pinapatunayan. Did you know she was physically abused by her father? At para bang mula nang mawala ang tatay niya, wala na siyang ginawa sa buhay niya kundi labanan pa rin 'yon. Magrebelde sa isang tatay na wala na sa mundo, patunayan sa tatay niya ang mga bagay na sinabi ng matanda na hindi niya magagawa. And one of those things, I found out a few years ago, was that Zach would never take her seriously. These past few years there was no genuine joy in her eyes anymore. Tatlong ulit na akong nakabisita sa bed and breakfast niya. She was happier making the place beautiful than talking about Zach. I kept my mouth shut. Gusto kong sabihin sa kanya na magiging malaking pagkakamali kung matutuloy na ang kasal nila, pero naisip kong sino ba ako? Sakaling ikasal sila, at malaman ni Zach na sinabi ko 'yon, baka mawala sa akin ang best friend ko. At ngayon, kahit parang luka-luka si Isabela, masaya akong nagkahiwalay na rin sila ni Zach. Hindi pa niya nakikita ngayon pero maliliwanagan din siya."

Halos hindi siya makapaniwala na nauwi pa rin sa wala ang napakatagal nang relasyon nina Isabela at Zach. Zach was an idiot.

"I've never met a bigger idiot than Zach," wala sa loob na sambit niya.

Tumawa ang babae. At napalingon siya sa likod niya nang magsalita si Isabela. "You're right. Me, too."

With the grace of a queen, the woman walked to the coffee machine and made herself some espresso. Tinapik ni Ashley ang kamay niya. "Ikaw na ang bahala. Isabela, I have to go back, isasama ko na si Laila."

"Won't you stay, please?" wika ng babae sa kaibigan, hindi tumitingin sa kanya na bahagya siyang nailang. Ang layo ng biniyahe niya ngunit hindi man lang siya nito batiin. Why?

"I can't. Nandito na si Nunzio."

"I told you not to call him!"

"Is there a problem here?" tanong niya. Kung ayaw ni Isabela na naroon siya, bakit siya tinawagan ni Ashley? Isa pa, wala siyang naaalalang nagawang kasalanan kay Isabela. Bakit parang ayaw nitong naroon siya?

"No problem. Just take care of my friend here, Nunzio. Bye!"

Tumalikod na si Ashley at naiwan sila ni Isabela. Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya, tila abala sa paggawa ng kape nito.

"Isabela, is there a problem?"

"I'm so embarrassed I want to drop dead," sambit nito, saka lumingon sa kanya.

Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon