Chapter 18

11.4K 353 1
                                    

Ang sabihing gusto ni Isabela na bumuka ang lupa upang kainin siya ay kulang. Gusto niyang umiyak sa labis na pagkapahiya kay Nunzio. Nahihiya siya na sa ganoong estado siya nito naabutan. Mahigpit ang naging habilin niya kay Ashley na huwag nang tawagan ang lalaki. Sapagkat para bang sa tuwina ay ito ang tinatawagan niya kapag may problema siya at sa nakaraang ilang taon, walang nagbago sa kanya. Higit sa lahat, ang pangit-pangit pa niya ngayon.

Ayaw niyang makita siya ni Nunzio sa ganoong estado—pathetic, old, and stupid. Parang naging mantra na niya iyon sapagkat iyon siyang talaga. Noon lang niya nadama iyon, na para bang ang tanga-tanga na niya at sinayang pa niya ang ganda at mga taon niya para sa isang lalaking wala naman palang kuwenta.

Ang mga ganitong pagkakamali ay nagagawa lamang ng mga babaeng bata. At matagal na siyang hindi ganoon. She needed a girl friend, not a guy friend. And most specially, not a guy friend like Nunzio. Marahil ay naiisip nitong ang gaga-gaga niya talaga. Bata pa sila, "jerk" na ang bansag nito sa lalaking ipinaglaban niya rito.

Lalo na siyang nangliit nang maaalala kung makailang ulit niyang sinabi sa lalaking ito na "Zach has changed." Dahil iyon ang pinaniwalaan niya. Nakikita ng buong mundo, siya lang tila ang hindi nakakakita. Hindi ba at isang tanga ang tawag sa tulad niya?

Pumuwesto siya sa tapat ni Nunzio at nahagip ng mata niya ang malaking salamin sa katapat na silid. She looked like a hot mess. Pero nakita na ni Nunzio, ano ang silbing itago pa niya rito?

Gayunman, sinabi niya, "I have to wash my face."

Agad na siyang tumayo at nagtungo sa silid. Nang makarating doon ay aligaga siyang naghanda ng mga pampaganda. Naligo na rin siya, saka nag-apply ng moisturizer. At kahit hirap gawa ng panginginig ng kamay ay nagawa niyang mag-ahit ng kilay na mukha nang gubat. Saka siya nag-apply ng lipstick at naglagay ng pulbos. Kahit paano ay tumino-tino ang hitsura niya. Nagbalik siya sa komedor. Nakahain na ang pagkain para sa kanya.

"There's nothing to be embarrassed about, Isabela," anang lalaki.

"Oh, yes, there is," agad niyang sabi, saka pumiksi. "It's always about me. How about you? Ano ang sinabi sa 'yo ni Ashley para kumbinsehin kang puntahan ako rito? Siguradong OA na naman ang mga sinabi ng babaeng 'yon."

"Bakit ayaw mong nandito ako? Akala ko kaibigan mo ako?"

Naipon sa lalamunan niya ang mga sasabihin niya. Paano nga ba niya ipapaliwanag dito gayong siya man ay hindi iyon ganap na maunawaan? Marahil sa mga panahong masaya niyang inaasikaso ang bed and breakfast, nakalutang sa isip niya ang kasiyahan sa isiping nasa malayo si Nunzio, masaya at iniisip ding masaya siya. Madalas niyang maisip iyon noon. Sometimes she would look at azaleas and be reminded of her youth, and how colorful it had been because of little Nunzio, the fifty-year old kid full of wisdom.

At minsan, sa paghalik ng araw sa batong pader ng tuluyan, sa mga berdeng damo ng tag-araw, maaalala niya si Nunzio at mahihiling na sana saanman ito naroon ay mayroong ngiti sa mga labi nito. Good things reminded her of Nunzio all the time. He was one of the most perfect colors the gods had painted her life with. He was one of the biggest blessings she had ever received.

And him being here now made it seem as if she was tainting him with her gore, with her ugly life that was filled with bitterness now. Mula pa noong bata sila, parating ang nakikita na nito sa kanya ay ganoon—problema. Hindi ba ito nagsasawa? Puwes, siya ay sawa na. Nais niyang makita siya nito sa isang paraang maaliwalas.

Ngunit mahirap sa pagkakataong iyon dahil down na down siya. Higit sigurong dahilan ng bitterness niya ay ang mga panahong sinayang niya, ang effort niya, kaysa sa mismong betrayal ni Zach. At naiinis siya sa sarili niyang pinapayagan niya si Zach na ipadama sa kanya ang ganoon—na para bang napakapangit niya at wala nang makikita ang mga tao sa kanya kundi iyon. At ang katotohanang ang tanga niya.

Para bang isang alingawngaw sa isip niya ang noon pa ay sinasabi na sa kanya ng kanyang ama tungkol kay Zach, "Hinding-hindi ka seseryosohin noon, ilang ulit ko nang sinabi sa 'yo! Sino ka ba kumpara sa kanya? Iniisip mong seryoso siya sa 'yo? Lolokohin ka lang noon!"

The old bastard had been right all along. At marahil ngayon ay tumatagay ito kung saanman ito naroon, tuwang-tuwa, na sa kabila ng mga taong nagdaan ay napatunayan nitong tama ang sinabi nito. Hindi siya kailanman naging sapat para kay Zach.

"Pagod ka siguro," pag-iiba niya ng usapan. "Galing kang Pilipinas niyan?"

Tumango ito. "I will book another room—"

"No need. This is a two-bedroom suite. Please use the other room."

"Are you sure?"

"Ano ka ba? Siyempre." Umingos siya. How she missed Nunzio, always the gentleman. Always.

"You will be a good girl and not drink while I rest for a while?"

Bigla siyang napangiti at tumango, itinaas ang kanang kamay. "I promise."

"You're sure?" nanunudyo tilang wika nito.

"One hundred percent."

"You're not going to say something about my clothes?"

Napahagikgik na siya. It was terrible, his clothes. Ngunit hindi na tulad noon, at least neutral colors na ang mga pinagteterno nito. Maybe tomorrow they can shop for good clothes. Umiling siya. "No. Not this time. Jetlagged ka. Maybe tomorrow?"

"Naughty girl. If you need anything, just wake me up."

Muli ay tumango siya. Nagtungo na ito sa silid. Napalingon siya sa bintana. Napansin niyang isa iyong napakagandang araw. Napakaganda. Muli siyang napangiti, nadama ang kapayapaan ng kalooban. Nunzio was there. Everything was going to be all right. And she was inspired. Very much inspired. Maybe while he was sleeping she could think of something to do with her life. Her muse was here. Perfect.

Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon