Chapter 26

11.2K 352 8
                                    


Nang marinig ni Isabela ang ugong ng sasakyan sa labas ay naturete siya, agad na isinara ang laptop at tumayo. Para siyang na-guilty na hindi niya malaman, gayong wala naman siyang masamang ginagawa. Nang buksan niya ang social networking site account niya at may private message sa kanya si Zach.

It was a very long letter. Marahil papasa na iyong isang chapter ng thesis sa haba. Mahigit kalahating oras niya iyong binasa, bagaman ang mensahe ay simple lang: pumanaw ang mga magulang nito kaya raw hindi nito nagawang makipag-ugnayan sa kanya sa nakalipas na ilang linggo. Nangyari ang lahat sa Thailand kung saan daw nagbabakasyon ang dalawang matanda. Nahuli na raw ang mga salarin.

At ngayon ay isang linggo na rin daw mula nang makauwi ito. Ang sabi nito, "I need you. It's sad that we can start anew under these circumstances but that is the truth. We can start fresh now. And though it pains me that Mom and Dad never appreciated you and they had to perish so that you can be with me, I have to face the truth that that is indeed the case. We can be together now. Please contact me. I'm currently in Manila. I can't reach your phone and Ashley refused to give me your new number."

Nakabaon ang mga sinabi nito sa isip niya at ang inakala niyang kawalan ng emosyon pagdating sa lalaki ay natuklasan niyang isa palang pagkakamali. Dahil umalsa at tumaginting ang galit niya para kay Zach. Oo at isa na namang dahilan para hindi niya ito mapagsalitaan ng masakit ang nangyaring kamatayan ng mga magulang nito, ngunit hindi iyon nangangahulugan na natural ding huhupa ang galit niya.

That bastard. That fucking bastard. Matapos siyang iwan nang ganoon na lang, susulat dahil kailangan na naman siya nito. Nais niya itong sugurin, pagsasampalin at ipalasap dito ang lahat ng sama ng loob niyang pinilit nitong lunukin niya. At ano ang inaakala nito, na tatanggapin na lang niya ito basta?

"Bastard!" she said under her breath.

Sumilip siya sa bintana, naglalakad na palapit si Nunzio. Hindi na nito kailangan pang malaman ang balita tungkol kay Zach at baka dalawa pa silang masira ang araw. Nagpasya siyang kalimutan na lang ang lihim ni Zach dahil sino ba ito?

Binuksan niya ang pinto at sinalubong ng ang lalaki ng yakap at halik.

"Whoa!" anito, ngiting-ngiti, nakapaikot ang bisig sa kanyang baywang. "I love it when I arrive to that kind of welcome."

"Ipinagluto kita. Halika."

Sabay silang nanaghalian. Masigla ang lalaki, ibinalita rin nitong ganap nang nakalipat ng puwesto sa kompanya si One-Day. Sekretarya na ngayon ng ibang manager ang babae. Mabait talaga si Nunzio dahil kung sa iba, marahil sinibak na nito iyon sa puwesto. But that would be harsh and unjust.

Si Nunzio ang naghugas ng pinggan. Ang sarap nitong pagmasdan ngunit mas masarap itong yakapin at natagpuan niya ang sariling dumidikit dito. Nang maipaikot ang bisig sa katawan ng binata ay hinagod niya ang dibdib nito. Saka siya napakagat-labi at ibinaba ang paghagod ng palad niya. Natagpuan ng mga iyon ang puntirya. Totoo ang sinabi niya rito noon—"you bring out the beast in me."

"Oh, honey, keep that up and I won't be able to finish the dishes," anito, mayroong lakip ng buntong-hininga ang tinig.

"That makes me so hot! Rar!"

Sabay silang nagkatawanan at halatang minadali na nito ang paghuhugas, habang siya naman ay lalong naging abala sa bahaging puntirya niya. She had already unzipped his fly to have better access to his big man that broke free through the gap of his boxers.

Kaya sa pagpihit nito, pinupunasan ang mga kamay sa isang malinis na kitchen towel, ay batid niyang magiging interesante ang hapong iyon. Inabot niya ang towel mula sa kamay nito at binitawan. Hahagkan sana niya ito kung hindi lang siya biglang napabuhanglit ng tawa nang makitang nagmistula sabitan ng tuwalya ang big man nito. Doon sumampay ang kitchen towel.

"You naughty girl!" anito, initsa na ang kitchen towel sa lababo, saka siya pinangko patungo sa silid. They made love the whole afternoon. Hindi na nakapagtatakang nang magising siya ay napakadilim sa paligid. Gumabi na nang hindi nila nabubuksan ang mga ilaw ng bahay.

Hindi na niya ginising si Nunzio. Magluluto muna siya bago ito tatawagin. Parati itong pagod, kabi-kabila ang mga proyekto nito at sa susunod na buwan ay isasama siya nito sa Japan, Indonesia at India para sa mga convention na sponsored ng kompanya nito.

Habang nagluluto siya ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Ashley. Halatang galit na galit ang babae. "I hate that fucking bastard loser ex-boyfriend of yours, Isa! He's harrassing me!"

"O, bakit, ano'ng nangyari?" agad niyang tanong.

"Ilang linggo na niya akong kinukulit sa number mo. Alam kong masaya ka na at hindi ko binibigay. Kaya ka nga nagpalit ng number, di ba? Para hindi ka na niya ma-contact! Hindi pa siya makahalata! Now he's pestering me! Nagagalit na ang asawa ko sa akin!"

"I'm so sorry, Ashley."

"It's not your fault! I just hate that bastard so much! Kahit nasa family dinner kami, tawag nang tawag, nagte-text, nag-e-email, nagpapadala ng PM! Ang asawa ko tanong na nang tanong kung bakit daw ganoon at naiinis na siya dahil kahit madaling araw tumatawag pa rin!"

"I will talk to him, Ashley. Nakakahiya naman kay Troy," tukoy niya sa asawa nito. "Pasensiya na 'kamo siya."

"Naiintindihan niya naman pero gusto na niyang i-report sa pulis para daw mabigyan ng restraining order. Alam mo naman 'yon, kung minsan medyo OA din. I'm sorry I had to tell you, Isa."

"It's all right, Ashley. Ang dami mo nang naitulong at ikaw ang nagugulo. I will answer his letter. He wrote me one."

"Thank you. Thank you, Isa. O, paano? Tinawag na ako ng anak ko. I will see you on my son's birthday, Ninang, okay?"

"Okay. I'll bring Nunzio."

"You must!"

Habang nakasalang ang sinaing at caldereta ay binuksan niyang muli ang laptop. Nagpasya siyang sagutin ang sulat ni Zach: Zach, first, I'm sorry to hear about your parents. Ang tagal na na-freeze ang mga kamay niya sa tapat ng keyboard at unti-unti niyang nauunawaan na hindi siya makukuntento sa ganito. Nais niyang ipamukha sa lalaki ang lahat ng sama ng loob niya. She wrote: Nandito ako sa Sta. Teresita. I will see you in Villa Carigo the day after tomorrow.

Muli niyang isinara ang laptop at nagbalik na sa kusina. Inabot ng mahigit isang oras ang pagluluto niya at nang matapos ay tinawag na niya si Nunzio. Tahimik siya, iniisip kung sasabihin pa niya rito ang lahat, hanggang sa huli ay naisip niyang saka na lang, kapag tapos na niyang gawin. Laban niya iyon, hindi na ito dapat pang ma-involve sa ganap na pagsasara ng yugtong iyon ng buhay niya. At batid niya, hindi siya matatahimik kung hindi maipapamukha kay Zach ang lahat.

"Are you all right?" tanong nito.

"O-of course. Eat up, eat up!" Ngumiti siya rito. Sa muling pagbabalik ni Nunzio, ikukuwento niya rito kung paano niya ipinaglaban ang sarili niya. He will understand. He always had.

Dreams of Passion 3: Nunzio and Isabela (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon