IV

1.1K 8 0
                                    

Mabilis na dumaan ang mga buwan. Nagtatago pa din kami ni Mahalalel tungkol sa relasyon namin. Naging maayos naman ang pagtuturo ko sa eskwelahan niya at naging smooth naman ang pagtuturo ko sa section nila. Mukhang wala namang nakakapansin dahil maingat ako, oo ako lang. Si Mahalalel kasi yung tipo ng tao na gustong ipagsigawan sa lahat ang mahal niya. Gusto niya din malaman ng lahat na kami na pero duwag ako.

Duwag ako pero hindi ibig sabihin no'n na hindi sapat ang pagmamahal ko para sa kanya at para sa amin. Naduduwag ako dahil takot ako na mawala siya sa akin.

Ako ang nakakita kung paano itrato ni mama si Angel. Kung anong bait ni mama sa lahat, yun ang bagsik ni mama kay Angel. Natatakot ako na baka gano'n din ang itrato niya sa'kin. Natatakot ako na magbago ang pakikitungo sa'kin ng lahat. Sa tagal ko sa pamilyang ito, napamahal na ako sa kanila. Mahal na mahal ko silang lahat.

Pumasok kami ni Mahalalel nang tahimik sa loob ng campus. Magkasabay kami araw-araw at halos ayaw niyang mahiwalay ako sa kanya. Lahat ng activities na alam niyang nando'n ako ay sinasalihan niya para mabantayan ako.

I find it sweet but sometimes it's scary.

Our love makes me terrified. Wala na akong pakialam kung ang pag-ibig namin ni Mahalalel ngayon ay childish love lang para sa marami.

Naramdaman ko ang kamay ni Mahalalel sa bewang ko nang pumasok ako sa room. Tumikhim ako at tinaasan siya ng kilay. Kinagat niya ang ibabang labi niya at binitawan ang bewang ko. Buti na lang talaga at busy lagi ang klase nila sa mga kalokohan.

Pula ang pisngi na hinarap ko ang klase. Umupo na rin si Mahalalel sa upuan niya, titig na titig siya sa mga kilos ko.

Nagsisisi tuloy ako na wala akong ginawa nang sinabi niyang lilipat siya ng upuan. Sa harap ko ang ginusto niyang seat kaya kitang kita niya ako. Kapag naman naglelesson lagi siyang tumatayo para maagaw ang atensyon ko.

Mahihinang reklamo ng ibang lalake ang naririnig ko. Matangkad si Mahalalel kaya para siyang pader sa unahan. Bigla bigla na lang kasi siyang natayo kahit wala naman talagang gagawin. Minsan nagkukunwari pa siyang nag-aayos ng upuan.

Tumingin ako sa planner ng phone ko. May mga notif dun pero ang nakaagaw sa pansin ko ay ang mga notif sa gmail.

Senior's Night Grand Ball

When: Dec. 12 at 6:00 PM to 3:00 AM
Where: Sevilla's Garden Hotel
Motif: Formal attire

Tumahimik ang klase nang naglean ako sa mesa. Masama ang tingin sa akin ni Mahalalel, nakapako ang mga mata niya sa neckline ko. Iniiwas ko ang tingin at iniayos ang tayo.

" Good morning HUMSS! Have you heard it?" energetic akong tumawa. Nakuha ko ang atensyon ng lahat dahil curious sila sa iaannounce ko.

" What is it miss?"

" Omggg! Is it the grandball?"

" Excited na ko!"

Bulong-bulungan ang nakapagpaingay sa klase. Napasipol ang mga lalake.

" Yes. It's about the Senior's Night Grand Ball." ngumiti ako dahil lalo silang nag-ingay.

" Woah! Ako partner ni Shane ha!" sigaw ng estudyante ko sa likod. Tinukso naman si Shane na nasa harap at namula.

" Hoy Rolan! Wag kang feeling!" pilit na apela ni Shane.

Tahimik lang si Mahalalel habang nilalaro ang ballpen niya, iniangat niya ang tingin niya sa akin.

" Miss, pwede bang maging date yung teacher?" nabitin ang labi ni Mahalalel sa pagbuka nang magtanong na ang isa sa gilid ko.

" Ahh.." lumingon ako kay Mahalalel na nakakunot ang noo. Masama ang tingin niya kay Tristan.

OWNED BY HIM (STILL EDITING)Where stories live. Discover now