V

41.1K 595 44
                                    

Ang away na yun ay nasundan pa ng isa pa hanggang sa kapag nagkikita kami puro away na lang ang nagiging pag-usap namin. Pareho kaming mali. Hindi siya makaintindi at sobra siya mag-isip samantalang ako naman ay gulong gulo na ang isip.

Sasabihin ko ba sa kanya? Maiintindihan niya ba? Sa inaakto niya parang hindi niya kaya, hindi niya kayang tanggapin ang katotohanan.

" Love isn't selfish but I am Charm!"

Tumibay ang desisyon ko. Hindi ko sasabihin sa kanya. Selfish siya at ayaw niya na may humadlang sa amin, ako na lang lagi ang iniisip niya. Paano ang future niya? 18 pa lang siya marami pang magbabago.

Sa una pa lang dapat iniwasan ko na. Dapat tumigil na kami.

" So you're going to ignore me? You won't say sorry?"

Nilagpasan ko si Mahalalel sa kusina. Nagprisinta ako na ako ang kukuha ng binake na cake ni Miles sa oven, naiwan sila sa dining pero sumunod pala itong si Mahalalel.

" Not now! Baka makita nila tayo!" iningatan ko ang cake na may nakasulat na " CONGRATULATIONS MAHALALEL!". Umiwas ako sa kanya pero hinarangan niya ako.

" May lugar pa ba para sa pagsosorry?"

" You can't tell me what to do Mahalalel! And you can't asked people to say sorry to you! Saying sorry is for people to decide." pinilit kong maging mahinahon. Napanganga siya. Nilagpasan ko siya.

" So you're not sorry? Not even sorry that you don't love me as much as I do?" Nanghihina siya sa bawat katagang binibitawan niya. Mabigat akong umiling. Ano bang ipinaparating niya? Na mas nagmamahal siya?

" Love isn't a competion Mahalalel. Kung mahal na mahal mo ko edi mahal na mahal mo ko.. Don't make me sorry for not loving you enough. Hindi porke mas mahal mo ko kailangan mo ng maliitin ang pagmamahal ko sayo, kasi sa ginagawa mo, you are just proving to me that you're an immature and a big jerk!" hindi ko siya nilingon habang sinasabi ang mga salitang yan. Pumikit ako at pinunasan ang luha na lumandas sa pisngi ko.

Ang babaw niya! Hindi na siya nakuntento sa halos araw-araw naming pag-aaway. Lagi niya rin na ipinapamukha sa akin na mas nagmamahal siya sa aming dalawa? Pwes nakakalunod! Sobra sobra na!

Nakangiti na inilapag ko ang cake. Napaigtag ako dahil sa tunog ng party poppers na hawak ni Miles.

" Congratulations Kuya!" yinakap ni Miles si Mahalalel na gumanti naman. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanila.

" Let's eat?" yaya ni Kurt na mainit na ang mata sa pasta.

" Excited ka Kurt di mo pa nga kino-congrats si Kuya!" lumabi si Miles saka umupo na.

" Naglilihi yata si Kurt kaya mag-umpisa na tayo." biro ni papa na nakapagpatawa sa lahat.

" Wag kang ano daba! May lalake talagang naglilihi no' hindi bakla ang anak natin!" apela ni mama na masama na ang tingin kay papa.

" Mukhang masarap nga yung pasta, paabot nga Kurt." agaw ko ng pansin sa kanila.

Mabilis ang kamay na iniabot sa akin ni Mahalalel ang pasta, mahaba ang braso niya kaya nagawa niya pang ipagsalin ako ng pasta. Iniiwas ko ang tingin.

" Yung lolo nyo naku! Sabi ni mama nung buntis siya sa akin, si papa ang naglihi. Inuubusan daw siya lagi ng lucban na galing pang Davao. Kaya may naglilihi talaga na lalake." patuloy na daldal ni mama na di napapansin ang tensyon sa amin.

" Tama na." saway ko nang madami na ang nailagay niyang pasta sa plato ko.

Hindi niya ako pinansin. Sinalinan niya pa din.

OWNED BY HIM (STILL EDITING)Where stories live. Discover now