Special Chapter 2

123K 2.2K 255
                                    


Geneva's POV

"I'm home!"

Natigilan si Ralph at ang mga bata saka nag-unahan ang dalawang bata tumakbo papunta sa 'kin. Kauuwi ko lang galing sa rabaho. Two days akong hindi nakauwi dahil sa international yung mga flight ko.

"I miss you both." Sabay halik at yakap ko kina Noah at Rage.

Limang taong gulang na si Noah. Ang bunsong anak ko naman ay lalaki rin na isa at kalahating taon na. I named him Rage. Ako ang nagpangalan kaya 'di ba ang ganda? Hindi ko na hinayaang mag-suggest si Ralph kasi wala talaga akong tiwala sa taste niya. Pumayag naman siya kasi wala naman siyang choice.

"I miss you, Mommy!" Sabay yakap sa 'kin ni Noah.

"Miss mommy too," paggaya ni Rage sa kapatid saka niyakap din ako. He is so cute lalo na at mataba ang cheeks niya.

Ang sweet din nitong bunso ko pero tahimik siya. Ibang-iba kay Noah na madaldal at bubbly. Si Rage, tahimik at hindi palatawa. Namana yata kay Ralph, eh. Tsk. Pero kahit gano'n, nagkakasundo ang dalawa. Mahal nila ang isa't isa. We make sure Noah and Rage have bonding time together.

Napangiti ako at nawala na lang agad ang pagod ko. Ito ba naman ang uuwian ko lagi ay okay lang kahit mapagod sa trabaho. Worth it naman dahil para sa kanila naman itong ginagawa ko.

"They missed you."

Napaangat ako ng tingin kay Ralph nung magsalita siya. Nakapamulsa siyang nakatingin sa amin mula sa sala.

Napataas ang isang kilay ko. "Bakit ikaw parang hindi mo ako na-miss?"

Hindi man lang kasi siya lumapit sa akin para salubungin ako. Hindi niya yata ako nami-miss, eh. Samantalang ako, minu-minuto ko siyang naiisip. Mula pag take off ng eroplano hanggang sa mag-landing ay iniisip ko siya. Ang OA lang.

Natatawa siyang napailing. "Of course I missed you. I just want to give this time to the kids cause they also missed you. Mamaya, ako naman. I want an alone time with you." He smiled teasingly.

Napangisi ako sa sinabi niya. "Sabi mo 'yan ha! Aasahan ko 'yan," sabi ko sabay kindat sa kanya. "Ngayon na lang kaya, Ralph?" excited na tanong ko.

Umiling siyang natatawa. "There's no way they will let you go. They'll follow you wherever you go until they get enough from missing you."

I know what my husband was trying to say. Gano'n kasi lagi. Pag medyo matagal akong hindi nakauuwi, halos hindi mawala sa tabi ko ang mga bata pag nakauwi na ako. Gano'n sila maglambing. Okay sa 'kin 'yon kasi gusto ko rin namang bumawi sa kanila.

Bumaling ako sa mga bata. "Gusto niyo bang magluto si mommy ng pancake?"

"Yes yes! I want crepes, Mommy!"

Napakunot ang noo ko kay Noah. "Anak, pancake ang sabi ko hindi crepes."

"Yes, Mommy. I want you to make me cake. Chocolate flavor please," nakangiting sabi nito na parang excited.

Napailing ako sa sinabi niya.

"Ewan ko sa 'yo, anak. Ang gulo mong kausap," pagsuko ko saka bumaling na lang kay Rage. "Ikaw, anak, gusto mo rin bang magluto si Mommy ng cake?"

Tumango siya saka sinabing, "Rage want pancake, Mommy."

Narinig kong natawa si Ralph kaya napabaling ako sa kanya. Kinunutan ko siya ng noo. "Anong tinuturo mo sa mga bata habang wala ako?"

Lumapit siya sa akin saka hinaplos ang ulo ng dalawa na natatawa. "It's natural. They got the humor from you."

Napailing na lang ako saka hinawakan ang kamay ng dalawa kong anak saka dinala sila sa kitchen. Nagluto ako ng pancakes para sa kanila. Kumain kami nang sabay saka ko sila dinala sa playroom at nakipaglaro sa kanila ng ilang oras. Tumigil lang kami nung dumating na ang swimming instructor nila. Sabi kasi ni Ralph mas maganda sa kanila pag bata pa lang marunong nang mag-swim kaya pumayag naman ako lalo na natutuwa akong makita na lumalangoy sila na sila lang. Nakabibilib ang mga baby ko.

My Aloof Husband (Barkada Series 1) - Published under PSICOMTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon