Chapter Twenty-Initiation

11 0 0
                                    

Yumi's POV

I'm broken. Simula ng mawala sila mama't papa, hindi ko na alam ang gagawin ko. Wala na akong gana. Naisip ko na ding sumali sa EH Soro. for real.

Patapon na ang buhay ko. Wala na akong balak ayusin ang buhay ko dahil alam kong malabo na.

"Yumi, nandyan ang mga kaibigan mo." Sabi ni Manang Rose sa may labas ng kwarto ko.

"Manang pakisabi may ginagawa ako" Oo iniiwasan ko sila. Ayokong madamay sila saken. Lalo na si Estefano.

Kahit masakit, kahit mahirap kailangan kong umiwas dahil alam kong hindi ako makakabuti sa kanya, sa kanilang lahat.

"Yumi nag-aalala na kami sayo. Pansinin mo naman kami oh? Nahihirapan na kami dahil ganyan ka." Narinig ko si Casey sa labas ng pinto pero umalis din agad.

Napangiti ako, malungkot na ngiti.

"Hindi lang kayo ang nahihirapan, i'm sorry." Nakaready na ako para pumasok sa school. Kung hindi lang dahil sa soro. hindi na ako papasok eh. Ngayon kasi ang initiation.

Pagdating sa school, pinagtitinginan ako ng mga students. Well, hindi na bago yan pero nagtataka siguro sila kung bakit mag-isa ako. Pero hindi na lang ako nagpaapekto at dumeretso na sa Class-F.

"Miss Lim you're late, again." Sita saken ni Sir Tan

"So?" Umupo na ako sa seat ko. Napabuntong hininga na lang si Sir at pinagpatuloy ang pagtuturo. Yung tatlong bruha naman tinitingnan lang ako.

Nagvibrate ang phone ko.

1 message received

From: EH soro. leader

After class. Forest.

Hindi na ako nagreply at hinintay na lang mag-uwian. Wala na sigurong mas sasakit pa sa nararamdaman ko kaya balewala lang saken yung initiation.

*Bell rings*

Tumayo na agad ako at lumabas ng classroom. This is it. Magiging official member na ako ng EH Sorority.

"On time ka lang Lim." Si Jessica, sya yung leader.

"Edi tara na." Sabi ko.

"Okay umpisahan na. Lagyan nyo na ng blindfold mga yan." Utos nya sa ibang member.

"Yes master." Sagot nila. May naglagay na ng blindfold saken, lima kaming sasabak sa initiation.

May naramdaman akong dumikit sa likod ng hita ko. Parang kahoy sya na malapad. Tinalian din ang mga kamay ko. Pero hindi ako natakot, yung isa naman na katabi ko umayaw agad, wala pa nga.

*Bam* *Bam* *Bam*

Tatlong sunod-sunod agad yung ginawang pagpalo saken. Muntik na akong mapaluhod dahil sa gulat at sa lakas ng impact.

*Bam* *Bam*

Dalawang sunod ulit. Lima na lang at tapos na ito. Nangagatog na din ang tuhod ko. Na-sense ko na medyo umingay na, madami kasing mahilig manood ng initiation. NAALALA KO SILA CASEY! Mahilig nga pala silang manood ng mga ganito.

*Bam*

Napaluhod ako dahil iba ang iniisip ko. Pinilit kong tumayo. Sana lang hindi sila nanonood ngayon.

*Bam* *Bam* *Bam*

Nakakaramdam na ako ng sakit. Malapad kasi ang kahoy na pinapalo saken at full force pa.

Isa na lang.

*Bam* *Bam* *Bam* *Bam* *Bam*

Natumba ako. Gusto kong sumigaw na bakit limang sunod-sunod ang ginawang pagpalo saken pero hindi mo magawa.

"Hala dapat isa na lang ah"

"Bakit sobra?"

"Sino ba yan? Kawawa naman nadaya sya" boses ni Meg yun.

Naramdaman kong may nagtayo saken.

*Slap* *Slap* *Slap* *Slap*

Nagulat ako sa sobrang lakas ng sampal. Parang bibigay na talaga ang katawan ko, hindi ko na ata kaya. May nagtanggal ng tali sa kamay ko.

"Bakit sinampal pa yung isa! Yung iba hindi naman." Si Casey yun sigurado ako.

"TANGGALIN NYO NA MGA BLINDFOLDS NG MGA YAN!" Sigaw ni Jessica. May nagtanggal ng blindfold ko, nanlalabo ang paningin ko.

"SH*T! SI YUMI!" Narinig kong sigaw ni Loraine bago pa ako natumba and everything went black.

Last Hope To LiveWhere stories live. Discover now