Chapter Twenty One-Hospitalized

11 0 0
                                    

Meg's POV

Yayayain sana namin si Yumi na manood ng initiation sa forest kaso nagmamadali syang lumabas.

"Hanggang kailan kaya sya ganyan?" Si Casey.

"Intindihin na lang natin." Si Loraine.

Lahat kami nahihirapan na dahil sa ginagawang pagsosolo ni Yumi.

"Right. Let's go na lang and watch initiation."  Sabi ko.

Pagdating namin sa forest nag-uumpisa na yung initiation. Alam ko kasi sampung palo ng malapad na kahoy ang kailangan dito.

"Excuse me, nakailang palo na?" Tanong ko sa student na nasa tabi ko.

"Five" sagot nya, nagthankyou naman ako at lumapit sa pwesto nina Loraine.

*Bam*

Sa pang-anim na palo napaluhod yung isang babae.

*Bam* *Bam* *Bam*

Tatlong sunod-sunod ang pinalo sa kanya. Last one na lang.

*Bam* *Bam* *Bam* *Bam* *Bam*

"Hala dapat isa na lang ah"

"Bakit sobra?"

"Sino ba yan? Kawawa naman nadaya sya." Sabi ko. Isa na lang dapat pero limang sunod-sunod ang pinalo sa kanya.

Tinayo na nila yung mga babae, pero yung isang kawawang babae na dinaya, pagkatayo sinampal ng apat na beses.

"Bakit sinampal pa yung isa! Yung iba hindi naman.' Sabi ni Casey.

"TANGGALIN NYO NA MGA BLINDFOLDS NG MGA YAN!" Sigaw ni Jessica, yung leader.

Pagkatanggal ng blindfold, I gasp when i realized na si Yumi pala yung babaeng kawawa!

"SH*T! SI YUMI!" Sigaw ni Loraine kasabay ng pagkatumba ni Yumi.

"OH MY GOD! TAWAGAN MO SI MIGGY BILIS!" Nagpapanic si Casey, si Loraine nilapitan si Yumi.

"O-okay." Kinakabahan ako para kay  Yumi.

*Calling Miggy*

["Hello?"]

"H-hello Miggy?"

Miggy's POV

*Meg's calling*

"Hello?" Sagot ko. Binigay ko sa kanila yung number ko in case na makausap na nila si Yumi.

["H-hello Miggy?"] Kinabahan ako sa boses nya. Nauutal kasi sya na parang umiiyak na.

"Bakit? Anong problema?" Tanong ko.

["S-si Yumi. Sumali sya sa soro. initiation ngayon hinimatay sya."] Hindi ba member na sya?

"Huh? Sa forest ba?"

["Oo"]

"Sige malapit na ako." Binaba ko na yung phone. Papunta nga ako sa forest kasi may nagreport nga na may initiation dun. Tumakbo na ako dahil baka kung ano nang nangyari kay Mayumi.

Pagdating ko sa forest nakita ko sila Casey na inaalalayan ang walang malay na si Mayumi.

"Miggy! Tulungan mo kaming dalhin si Yumi sa hospital." Hindi na ako nagsalita. Binuhat ko na si Mayumi habang naglalakad tinitingnan tingnan ko ang babaeng buhat ko. Mayumi gumising ka na. Hinalikan ko sya sa noo.

At Hospital

Eight pm na. Three hours nang walang malay si Mayumi, pinauwi ko na nga yung tatlong kaibigan nya na sobrang nag-aalala.

*Flashback*

"Akala ko ba member na kayo ng EH Soro?" Tanong ko sa kanila kasi naguguluhan kasi ako.

"Hindi kami official members. Gusto nga talaga naming sumali pero ayaw ni Yumi." Sabi ni Meg.

"Bakit?" -ako.

"Ayaw kasi ng parents nya ng mga ganun" -Casey.

"Hindi namin alam na may balak syang sumali sa Soro." -Loraine

*End of flashback*

Nagulat ako kasi hindi pa pala sila official members.

"Nasan ako?" Napatingin ako kay Mayumi. Finally gising na sya.

"Nasa hospital." Sagot ko, tinanggal nya yung pagkakahawak ng kamay ko sa kamay nya.

"Anong ginagawa mo dito? Uuwi na ako." Sinubukan nyang tumayo perp dahil siguro sa pagod ang katawan nya hindi nya nagawang tumayo.

"Kahit ngayon lang Mayumi wag kang maging stubborn." Sabi ko sa kanya.

"Iwan mo na ako. Hindi kita kailangan." Umiwas sya ng tingin.

"Hindi ako nandito para sayo. Nandito ako para sa sarili ko, para hindi ako mamatay sa pag-aalala." Medyo namula naman sya sa sinabi ko.

"Matulog ka na nga lang ulit. Ang tigas ng ulo mo eh" hindi nya ako pinansin pero maya-maya lang napapikit na din sya.

"Mayumi ko, miss na miss na kita. Bakit kasi kailangang magkaganito? Pwede naman tayong magdamayan eh. Mahal kita Mayumi, mahal na mahal. Kahit na nasasaktan na ako sa pambabalewala mo. Kahit na iniiwasan mo ako." Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hinawakan ko ang kamay nya at sinubsob ang mukha ako sa kama. Tulog na nga siguro ulit sya kasi hindi sya nagreklamo na hawak ko ang kamay nya. And I drifted off to sleep.

Yumi's POV

Tiningnan ko si Miggy na natutulog na. Hindi naman ako tulog. Pinapakinggan ko lang sya, hinayaan ko lang na magkahawak yung kamay naming dalawa. Alam kong nasasaktan ko sya pero wala akong magagawa.

Gusto ko mang sabihing mahal ko din sya, na sobrang miss ko na sya hindi pwede kasi magugulo lang.

Pinunasan ko ang mata ko at pinilit na iangat ang ulo ko para mahalikan sa noo si Miggy.

"Mahal na mahal din kita Estefano." Lalo kong hinigpitan yung hawak ko sa kamay nya. Kahit ngayon lang maramdaman ko ulit yung happiness na nararamdaman ko tuwing kasama ko sya.

Last Hope To LiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon