Chapter 1: Pagpapakilala

2 0 0
                                    

"Anak! Gumising ka!"

Minulat ko ang aking mata at naubo dahil sa makapal na usok na nakapalibot sa amin, nakita ko ang aking ina na may luhaang mata.

"Anak kailangan mo ng umalis dito, hayaan mo na si mama," sabi ni Ina sabay hawak sa aking ulo.

"Mama..."

"Kailangan mo na makatakas dito sige na anak, susunod si mama," sabi ulit nito at binalot ako sa makapal na tuwalya at pinagtulakan ako palabas sa maliit na butas.

"Susunod ka mama..."

Tumakbo ako ng mabilis insaktong paglabas ko ng bahay mas lalong nagliyab ito,  tiningnan ko ang paligid at ang dating magandang kagubatan ay nasira dahil sa nagkalat na pulang apoy, tuloy ang sigawan ng mga tao, patuloy na pinapatay ang halimaw na apoy.

"Talia!"

"Talia!"

"Talia!"

Habol ko ang aking hininga ng mag mulat ako, bumungad sa akin ang isa sa mga kasamahan ko, nagaalala.

"Talia, ayos ka lang ba?" tanong ni Josefia, ang aking kasamahan, mabilis naman akong umiling at naikuyom ang aking kamay.

Naalala ko na naman...

"Hala sige, mag umagahan ka na sa kusina parating na ang mga senyorita. Ako na muna ang bahala sa gawain," sabi nito at mabilis na umalis, naiwan akong tulala habang nanginginig pa.

Saglit akong nagdasal, at pinagpatuloy ang aking gagawin.

Ako si Talia Mondajela, isang kasambahay sa tahanan ng mayaman na pamilya, natural lang ako at nabibilang sa mga commoner.

"Talia! Nandito ang mga kawal mula sa palasyo! Halika!" Humahangos na sabi ni Josefia na halatang galing sa pagmamadali, agad akong nag patangay sa kanya.

Sumilip kami banda sa may hagdan at nakita namin ang mga kawal sa palasyo ng Flamo, kaharian ng apoy.

"Malugod kong tinatanggap ang inyong imbitasyon sa nagaganap na pyesta," sabi ni Senyorita Amoe, isa sa tatlo naming amo.

Mabilis na yumuko ang mga kawal at umalis na, nagkatinginan kami ni Josefia na may malapad na ngiti sa labi.

Makakasama kami sa pista!

"Talia! Josefia! Mag handa kayo! pupunta tayo sa pista ng Flamo!" Sigaw ni senyorita Asaqua, isa rin sa aming amo.

Habang tahimik naman na kumakain si Senyorita Majasi

Mga senyorita na masasabing nagtataglay ng kakaibang ganda at nagsisimbulo ng tatlong rosas na laging sumisibol sa bilog na buwan.

Naghanda na kami upang magtungo sa pista na siguradong gaganapin sa Centro, unang pagkakataon na lalabas ako sa bayan ng Flamo.

-------------------

The Fallen NatureWhere stories live. Discover now