Chapter 5: Pamilya

0 0 0
                                    


"Tatlong linggo na siyang nakahiga dyan, ano ba kasing ginawa mong bata ka!" Sigaw ng babae sa kausap nito.

"La, hindi ko ho yan ginawan ng masama. Nasobrahan lang ho talaga sa pwersa yung pagbato ko sa kanya- Aray La naman eh!" sabi naman ng lalaki.

Hindi ko po namumulat ang mata ko ganyan na agad ang naririnig ko, sino ba sila? Sino yung pinag-uusapan nila? Bakit ako nandito?

Sa pagkakatanda ko ay may pwersa akong naramdaman tapos wala na.

Nagmulat ako ng mata at mabagal na nag adjust ang aking mata kaya ilang beses pa akong kumarap. Nung naging malinaw na ang paningin ko, napatingin ako sa bata na nakanganga habang nakatingin rin sa akin.

Pamilyar.

SIYA YUNG BATA SA CENTRO!

"Lola! Ang babae ay gising na!" Sigaw nito habang may nanlalaking mata.

Nakarinig ako ng nagmamadaling yapak hanggang sa makita ko ang babaeng na 50's na ata? Hawak nito ang tainga ng lalaking mukhang mas matanda lang sa akin ng 1 taon.

"Mabuti naman ay gising ka na hija, ipaghanda mo ng makakain ang dalagang ito, Mariel." Nakangiting sabi nung babae sa bata na agad naman napanguso ngunit tumalima naman agad.

"Lola, bitaw na po. Masakit." Nakanguso ang lalaki habang nakahawak sa kamay ng babae, diininan muna ng babae bago ito bitawan kaya napangiwi yung lalaki.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo hija?" Lumapit sa akin ang babae at inilapat ang kanyang kamay sa akin noo.

Tumango ako dito at napansin kong napairap ang lalaki. Bakla ba siya?

"Mabuti naman at ayos ka na, nang maka-alis ka na." Aroganteng sabi nung bakla, aroganteng bakla?

"Niel! Yang bunganga mo itatali ko yan." Saway sa kanya ng babaeng katabi ko.

Lumambot ang ekspresyon nung lalaki habang nakatingin sa babae.

"Sorry, La." Nakangusong sabi nito na nakapagpangiti sa aming dalawa ng babae. Pero sumama ang tingin niya sa akin.

"Naku ate hayaan mo si Kuya Niel. Palibhasa ilang beses nang muntik magahasa iyan ng mga babae sa bayang ito." Bungad ng batang paslit na may dalang mangkok. Si Mariel.

Kung titingnan mo ang batang babae ay makikita mong may angking ganda ang bata, bilugan ang mata nito na kulay blue, pati ang mukha nito ay bilugan rin, ang kanyang kulot na buhok ay blonde. Nagmukha siyang living doll. Pero malaking t-shirt na kulay itim ang kanyang suot na umabot sa talampakan nito, hula ko ay galing ito sa aroganteng bakla.

Gwapo, yan ang masasabi ko kaso aroganteng bakla ito. Itim na itim ang kulay ng kanyang buhok at may brown na mga mata, matangos na ilong, mapupulang labi at perpektong hugis ng mukha. Pero walang perpekto, aroganteng bakla ito.

Habang ang babaeng nasa tabi ko ay makikita ang katandaan pero mahahalata rin na maganda ito. Puti na ang buhok nito at naging blue na rin ang mata nito.

"Hija? Kumain ka na." Pukaw atensiyon ni Lola, yung babae.

Nagsimula na akong sumubo kahit hirap na hirap.

"Ang pangalan ko ay Roselia, maaari mo akong tawaging Lola. Aalis muna kami ni Mariel, ikaw Keifer Niel! Samahan mo ang dalagang ito!" Nakangiting sabi ni Lola Roselia.

Magrereklamo pa sana si 'Keifer' kaso pinandilatan na agad siya ni Lola. Umalis na ang dalawa habang ako, ito nakadalawang subo pa lang. Masakit ang katawan ko.

"Tsk! Kung hindi lang talaga ako ang may kasalanan. Amin na!" Inis siyang umupo kaharap ko at kinuha ang kutsura sa kamay ko.

"Akin na po yan."

"Marunong ka naman pala magsalita!" Pabalang na sabi niya saka ako sinubuan na nginuya ko naman. Bastos na aroganteng gwapong bakla!

"Anong pangalan mo?" Dagdag niya ng subuan niya ulit ako.

"Talia."

Tumahimik na ang paligid at sinubuan na lang niya ako hanggang sa matapos. Padabog itong tumayo at kinuha ang kinainan ko.

"Keifer." Tawag ko dito pero hindi lumingon.

Tinitigan ko ng masama ang likod niya at di na napigilan ang bibig ko.

"HOY AROGANTENG BAKLA!"

Napatakip ako ng bibig nung bigla siyang lumingon. Waaaaahhh yung bunganga koooo.

"ANONG SABI MO?" Sigaw nito pabalik sakin. At malalaking hakbang na bumalik sa kamang inuupuan ko.

"Wala!" Mabilis akong nagtalukbong ng kumot.

"Pag ikaw ginahasa ko, mabubura ang salitang bakla sa isip mo."

Agad kong tinanggal ang kumot at nakitang wala ng Keifer sa loob ng bahay.

GAHASA?!?!?



-----------------------

The Fallen NatureWhere stories live. Discover now