Chapter 4: Pagkawala

0 0 0
                                    


It's been 4 years nang gawaran ako ng sumpa, sumpang maging parte ng kalikasan.

Pero hindi naman nila sinabi na sa patay na kagubatan ako madidistino, ni mga hayop ay wala dito, insekto at ang mga puno ay lanta na.

Maliit lang ang kagubatan na ito pero pamilyar sa akin na hindi ko man lang alam kung saan ko nakita. Ang tanging malinis lang dito ay ang ilog at isang balon.

At ang tanging may buhay lang na puno dito ay ang puno ng berdeng rosas na yumakap sa katawan kong walang malay.

Ang katawan ko ay niyayakap ng punong ito habang ang kamalayan ko ay nakakulong lang sa kagubatang ito at malayang naglalakad sa loob ng gubat.

Wala akong maka usap, kaya minsan bumabalik na lang ako sa katawan ko.

Nakakatakot ang kadiliman lalo na pag ikaw lang mag isa, walang kadamay sa ano mang gagawin mo. Magpakamatay.

No... hindi ko yan gagawin dahil nabalot ako sa malupit na kadilimang ito dahil sa kasalanang hindi ko ginawa, kailangan ko pang bumangon para maipamukha na hindi ko kayang gawin ang ipinaratang nila sa akin.

"Woah, sigurado ba kayo na dito matatagpuan ang green rose?" Tinig ng isang lalaki habang luminga linga pa.

Sa apat na taon ngayon lang ako nagkaroon ng bisita. Apat pa sila.

Binali ko ang sanga na malapit sa akin para mapansin nila ako, hindi nila ako nakikita pero naririnig nila ako.

"Sinong nandyan!?" sigaw ng isa pang lalaki.

"Anong kailangan ninyo sa berdeng rosas?" tanong ko sa kanila, nagkatinginan ang mga ito.

"Ikaw ba ang babaeng isinumpa? Ang babaeng taksil?" Alinlangang tanong nito.

"Ako nga, ano ang maitutulong ko sa inyo?"

Natahimik sila at patuloy na hinahanap ako, ang green rose signifies noble love from heaven.
At dahil hawak ko ang berdeng rosas dapat ay tapat ang hangaarin nilang makuha ito para sa pagmamahal sa isang tao dahil kung hindi magiging abo lang ito pag hinawakan nila at papahirapan ako.

"Ipanggagamot namin ito sa aking ina, siya ay may malubhang karamdaman." Malumanay na sabi ng tahimik na lalaki.

"Sundan ninyo ang mga dahong ilalagay ko sa daan." Nakangiti kong sabi kahit hindi nila nakikita.

Sinimulan ko ng lagyan ng dahon ang daan hanggang sa makarating na ako sa puno na sumisimbolo sa sumpa ko.

"Siya ba ang babaeng isinumpa?" Takang tanong nito sa mga kasamahan niya habang nakatingin sa katawan kong niyayakap ng puno.

"Malamang, kukuha na ako."

Nang maglapat ang kamay ng binata at ang berdeng rosas ay naging abo ito, saka ko naramdaman ang pananakit ng aking katawan.

"TAKSIL!" Malakas na sigaw ko, habang kusang gumalaw ang mga puno na ani mo'y may buhay.

Nagtakbuhan ang mga kalalakihan habang napahiga ako sa lupa, matinding sakit ang aking naramdaman habang nakatingin sa mga punong unti-unti ng nalalanta.

"May magagawa ka pa..." Isang tinig ang aking narinig. " Ang dugong nananalatay sayo ay maaaring makawala sa sumpa, gamitin mo ito habang mahina pa ang sumpa na nakakapit sayo."

Hinang hina akong tumayo at kumuha ng matulis na sanga habang papalapit sa katawan ko, sinugatan ko ang braso at binti ko. Dumaloy ang pulang likido sa mga sangang bumabalot sa akin kaya bumalik na ako sa aking katawan.

...

Habol ang aking hininga ay inilibot ko ang aking paningin hanggang sa dumako ang aking tingin sa puno na may buhay. Ang pinagkaiba ay walang namumukadkad na berdeng rosas, natural na puno lang ito.

Iniunat ko ang aking kamay at nakita ang sugat na ginawa ko mismo.

Kumuha ako ng tubig at nilinis ang sugat ko. Kumuha ako ng dahon at ipinantapal sa sugat ko at pinunit ang manggas ko para itali ito, ganon din ang ginawa ko sa iba ko pang sugat ngayon...mukha na akong taong gubat sa itsura ko.

"Bakit parang napakadali para masira ang sumpa na nilagay sa akin?"

Mabilis akong naglakad palabas ng kagubatan, at unang bumungad sa akin ay ang maliit na bayan at wala masyadong tao.

Saan ito?

Nakaramdam ako ng presensya at bago ko pa malaman kung anong presensya ito, ay nakaramdam na ako ng malakas na pwersang tumama sa katawan ko at tuluyan akong nilamon ng kadiliman.



-----------------------

The Fallen NatureWhere stories live. Discover now