Chapter 14

548 38 4
                                    

NAGRE-RELAX uli si Itchie kasama sina Meiko at Suri ng mga sandaling iyon sa isa sa mga concrete benches sa mini-park ng East Sun University habang umiinom sila ng milk tea. Nakasandal sila sa edge ng mesa habang nakaharap sa mga kapwa nila estudyante na pa-easy-easy lang din. Pero ng mga sandaling iyon, pare-pareho silang tulala at malumbay.

"Meiko, anong drama mo ngayon?" sita ni Suri rito.

"Ikaw, bakit mo iniiwasan si Greyson pagkatapos ngayon, nag-e-emote ka d'yan?" ganting-tanong ni Meiko.

Sabay na bumuntong-hininga ang dalawa. Kapagkuwan ay sabay bumaling ang mga ito sa kanya.

Inunahan na niya ang mga ito. "You know why I'm acting like this. Alam niyo namang nagpapanggap lang ako na may leukemia. Kapag nalaman niyang nagsinungaling ako, siguradong isasako at ililigaw na niya ako sa pagkakataong ito."

Tinapik-tapik siya sa balikat ni Meiko. "Sabihin mo na lang kasi 'yong totoo, Itchie."

Bumuga siya ng hangin. "Hindi gano'n kadali 'yon, Ate Meiko. Ikaw, nagpanggap kang PA para lang mapalapit kay Skylus. Ikaw naman, Suri, nagpanggap kang hindi in love kay Greyson–"

"I'm not in love with Greyson."

"Whatever. What I'm trying to say is, pare-pareho tayong nagpapanggap pero ako ang pinakamalala."

Natahimik ang dalawa. Totoo naman kasing malaki ang problemang ginawa niya. Tiyak na aanihin niya ang galit ni Min Ho nang bonggang-bongga.

Natigil lang ang pag-e-emote niya nang marinig nila ang malakas na tiliang iyon. Sabay-sabay silang napalingon ng mga kaibigan niya sa pinanggalingan ng ingay. Maging siya ay parang gusto na ring mapatili sa kanyang nakita. Siguradong gano'n din ang nararamdaman nina Meiko at Suri ng mga sandaling iyon.

Standing a few feet away from them were none other than the three drop-dead gorgeous boys of East Sun University, namely Skylus Saitou, Greyson Chai and Min Ho Jang. What a sight to behold! And dang, the three men were walking towards them!

"Oh. Em. Gee," mahinang sambit ni Meiko. "When three hot men are friends, isa lang tawag sa kanila kapag nagsama-sama sila."

Sabay-sabay nilang pinisil ang kani-kanilang mga ilong at sabay-sabay ding nagsalita. "Hotness overload."

Naistorbo lang ang paglapit sa kanila ng tatlong binata ng may tatlong eleganteng babae ang humarang sa mga ito. But the guys rejected the girls in different ways. Skylus turned to the girl with a cold stare that could render anyone speechless. Greyson smiled apologetically at the girl.

And Min Ho walked past the girl and walked towards her without breaking their eye contact.

Now, the three gorgeous boys were standing in front of them, each one was hiding something behind their backs, and was smiling playfully at them, making them ten times hotter.

Nosebleed overloaaaaaad!

"Itchie-a."

"Meiko."

"Suri."

Sabay-sabay na tawag sa kanila ng mga binata. Sabay-sabay din tuloy silang napatayong magkakaibigan. But she only had her eyes for Min Ho.

Kapagkuwan ay inilabas na ng mga ito ang mga itinatago ng mga ito sa kani-kanilang likuran. It was a bond paper with a message. Nagtilian ang mga tao sa paligid nila pero wala siyang pakialam sa mga iyon. Wala rin siyang pakialam kung ano ang isinulat nina Skylus at Greyson para kina Meiko at Suri dahil na kay Min Ho lang ang atensyon niya.

I miss you so much, my honey.

Iyon ang nakasulat sa papel ni Min Ho. Muntik na siyang maiyak. Hindi tuloy niya napigilang tumili at yumakap sa baywang ng binata. Sinubsob niya rin ang mukha niya sa dibdib nito. He wrapped her arms around her and hugged her tight.

"I miss you, too, Min Ho-a."

"So, you'll come with me, right?"

Nag-angat siya ng tingin dito. "Saan?"

Ngumiti lang ito at hinawakan siya sa kamay. They walked away from the crowd with their hands linked together.

"Min Ho-a, saan tayo pupunta?" nag-aalalang tanong niya.

Nabigla lang siya kanina nang makita niya ito kaya nayakap niya ito. Nakalimutan niyang dapat na nga pala siyang umiwas dito at ibalik ang tahimik na mundo nito. Ayaw na niyang mapalapit sa binata para hindi niya ito masaktan. Natatakot na siyang malaman nito ang pagsisinungaling niya. Not because she was afraid of his wrath – she was ready of it – but she was afraid to hurt him.

"Secret muna," nakangiting sabi nito.

Napakaganda ng ngiti nito. Ang hirap tanggihan nito.

Lord, promise, ito na ang huli. Pagkatapos nito, hinding-hindi ko na siya guguluhin.

Pagdating nila sa parking lot, marahang inakay siya nito papunta sa isang Volkswagen Beetle.

"Sa'yo 'to?"

"Oo. Regalo sa'kin ng lolo ko."

Napangiti siya. "Ang cute naman ng kotse mo. Kotseng-kuba."

Kumunot ang noo nito. "Ha?"

"Wala."

She sat in the passenger's seat while Min Ho sat in the driver's seat. Nagulat pa siya ng ito pa mismo ang nagkabit ng kanyang seatbelt. At dahil do'n, nagkalapit ng husto ang mga mukha nila. Hindi rin nito inaalis ang tingin sa kanya.

"Itchie-a, nan no ege man I bo go ship o."

Ah... Such a sweet-sounding accent. "Ano 'kamo?"

He smiled and gently touched her cheek. "I missed you. So much." Then, he kissed her on the forehead before he went back to his seat.

Napahawak siya sa kanyang noo. He just kissed her on the forehead! Tinakpan niya ng mga kamay niya ang kanyang mukha at saka siya impit na tumili sa sobrang kilig.

He laughed, started the engine and sped away.

"You're so cute, yo bo."

Hotness OverloadWhere stories live. Discover now