Chapter 14

14 4 0
                                    

14

Pabalik-balik ang lakad ko sa harapan ng sariling kama dahil tatlong araw simula ng umalis si Mama, ni isang text o tawag wala akong natatanggap mula sa kanya. Alam ko na bago siya umalis, hindi ganoon kaganda ang nangyari sa amin. Oo, nag-usap kami pero hindi ko alam kung napatawad ba ako ni Mama sa mga pinagsasabi ko at sa inasal ko mismo.

Alam kong may mali ako at hindi ako maghuhugas-kamay sa mga sinabi at inasal ko sa harap ni Mama.

"Nandiyan ba si Tita Carmen?" tanong ko kay Donnie sa kabilang linya.

Mag-isa lang ako sa sala habang nanunuod ng cartoons at gumagawa ng report sa isang subject. Kapag natapos akong gumawa ng report at kapag nasa mood ako, susundan ko ng isang one-shot story.

Ngayong natanggap na rin ako sa Club, masaya ako. Bukod sa magagawa ko ang gusto ko, pwede akong mag-share ng ilang kwento sa mga kapwa ko kamag-aral na mahilig magbasa. Sadyang hindi lang mawala-wala ang takot ko na baka hindi magustuhan, baka makulang sila o baka gaya ni Virus, mainis sila dahil hindi happy ending.

At ayaw ko rin namang maghapon na nakatutok lang sa laptop dahil alam kong hindi maganda ang epekto nito sa akin.  Saka gusto ko rin naman ng kausap, ayaw kong mapanisan ng laway buong araw. Isa pa, alam ko na ilang oras pa lang akong nakatutok sa laptop, ma-bo-bored na ako.

"Wala si Mama. Bakit? Ipagpapaalam mo ako?" natatawa niyang tanong.

Kumunot ang noo ko sa narinig at lumipat ang tingin sa cellphone. Anong ipagpapalam? Saan? May gala siya? Baka pupunta sa bahay nina Alicia? Oh my!

"Saan? Pinagsasabi mo," kabado kong sabi. Bumuntong-hininga ako at saka nakapikit na nagtanong. “May date kayo?”

“Date?” Bakas sa tono niya ang pagtataka na ikinabilis naman ng tibok ng puso ko. “Sinong ka-date ko? Mayroon ba?”

“Malay ko sa ’yo.” tugon ko. Iminulat ko ang mata ko at nagkibit-balikat na parang nakikita niya ang ginagawa ko.

“Ikaw gusto mo? Date tayo?”

Napatitig ako sa mangkok kung nasaan ang popcorn na kanina ko pa kinakain dahil sa sinabi niya. Mag-de-date kami? Bakit ako? Saglit, ayaw ko pa!

"Ay mali pala, kay Ninang Helen pala dapat ako magpaalam," muli niyang sabi. "Pero pagpaalam mo ako kay Mama, pupunta ako diyan. Baka kapag ako ang nagpaalam, hindi ako payagan."

Pupunta siya rito tapos ako ang magpapalam? Ano siya, bata? Nawala sa isip ko ang una niyang sinabi at tuluyan ng natawa.

"Nasaan ba si Tita? Sabi mo wala diyan. Paano kita pagpapaalam?" nakangiti kong tanong. Inabot ko ang mangkok at inilagay sa hita ko bago muling sumubo.

"Text mo, syempre."

"Wala akong number ni Tita."

"Send ko sa 'yo."

Siya ang nagpatay ng tawag. Kumuha ako ng crackers na kanina pa ring nasa lamesa at isinubo iyon, hinihintay ang text niya. Nang tumunog ang pamilyar na ringtone ay agad ko iyong kinuha, isinave ang number at agad na nag-text kay Tita para ipagpaalam ang eighteen years old niyang anak.

Caily:

Tita, si Caily po ito. Ipagpapaalam ko lang po sana si Donnie na kung pwede po siyang pumunta rito sa bahay?

Ilang minuto lang ang lumipas, nakatanggap ako ng text galing kay Tita na papunta na raw ang dalawa kaya napangiti agad ako.

Umayos ako ng upo at pinatay ang laptop. Saglit, ano palang gagawing tatlo rito?

"Ate Caily!"

Gulat akong tumayo para salubongin siya ng yakap. Nagbaba ako ng tingin sa kanya at nakitang nakataas ang dalawa niyang kamay kaya binuhat ko. Nang mabuhat at yumakap na sa akin ay agad niyang akong hinalikan ang pisngi ko na ikinagulat ko naman. Nabibigatan man sa kanya, ngumiti na lang ako dahil sa ka-sweet-an niya.

Bowl of Memories | Memories #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon