Chapter One: Waffles and Pancakes

22.5K 607 37
                                    

Hi, lovely reader! Salamat sa paghihintay. Heto na ang bagong chapter. Sana ay magustuhan mo. :)


"Hindi ako magsasawang titigan ka habang natutulog."

Nakangiti si Sam habang binubulong ang mga salitang iyon sa kay Adrian na mahimbing na natutulog. Maaga siyang nagising nang araw na iyon. Babangon na sana siya para ipagluto ng almusal ang asawa ngunit parang mas gusto niyang titigan ito habang mahinang humihilik.

Marami siyang natutunan tungkol kay Adrian sa mga nakalipas na linggo nilang pagsasama bilang mag-asawa. She learned that Adrian is a very caring and attentive guy. Tinatandaan nito ang mga bagay-bagay na sinasabi niya.

Dahan-dahan niyang inilapit ang katawan sa asawa. She knows he's wearing nothing but his boxer shorts while sleeping. At habang nakatingin sa asawa ay hindi maiwasang uminit ang katawan niya. She likes being close to him. She likes it when he puts his arms around her and start kissing her.

Konting galaw na lang papalapit sa asawa ay alam niyang magigising na ito. Adrian is like that. Kaagad nitong nararamdaman kapag nasa malapit siya. There's nothing in the world she wants right now but to be enveloped in his arms and ravished by his lips pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang ipagluto ng almusal ang asawa dahil maaga ang flight nito patungong Manila para makipag-usap sa Presidente. May importante raw kasi itong gustong sabihin.

Hinalikan niya ito sa pisngi pagkatapos ay bumangon na siya. Kinuha niya ang kanyang thigh-high pink silk robe at isinuot iyon sa ibabaw ng kanyang camisole top at shorts. Pagkatapos ay lumabasa na siya ng kwarto.

Mag-a-alas singko pa lang at napakatahimik pa ng mansion. Wala siyang ibang marinig kundi ang tunog ng kanyang paglakad. Mabilis niyang tinungo ang kusina at sinimulang kunin ang ingredients ng lulutuin niyang waffles and pancakes. Na-miss niya ang mga pagkaing iyon.

Noong nag-ha-honeymoom kasi sila ni Adrian ay madalas silang hindi nakakapag-almusal dahil hindi sila gumigising ng maaga. Just like normal honeymooners, they would just stay in bed and cuddle in the morning. Ngunit ngayong balik na sila sa mansion ay napagdesisyonan niyang kailangan na niyang umpisahan ang pagiging isang asawa. At sisimulan niya iyon sa pagluluto ng almusal para sa asawa.

Naalala niya noong nagtatrabaho pa siya bilang personal chef ni Aurora na ngayon ay mother-in-law na niya. Kadalasan ay nagiging siya ng maaga para mag-exercise o yoga. Balak niya ring gawin ulit iyon pero sa ngayon ay ipagluluto niya na muna ng almusal ang asawa.

Makalipas ang apat na pu't limang minuto ay natapos na siya sa kanyang niluluto. Inilapag niya sa ibabaw ng countertop ang umuusok pang waffles at pancakes. Pagkatapos ay sinimulan na niyang gumawa ng kape. Pinipindot niya ang 'on' button ng coffee maker nang may maramdaman siyang kamay na gumagapang sa kanyang beywang.

Kahit hindi siya lumingon ay alam niya kung kaninong mga kamay iyon. Napatili siya nang hilahin siya ni Adrian. Pumulupot ang mga braso nito sa beywang niya at hinahalikan siya sa leeg.

"Nandito ka lang pala sa kusina," bulong ni Adrian sa kanya.

Naamoy niya ang panlalaking pabango nito habang hinahalikan siya nito mula sa kanyang batok hanggang balikat.

"Pinagluto kita ng almusal," sagot niya. Nakikiliti siya sa ginagawa nito.

"Alam mo naman ang paborito kong almusal, di ba?"

Napatigil siya nang marinig ang sinabi nito. Hindi niya naalala na sinabi ni Adrian ang paborito nitong almusal.

"Nasabi mo na ba sa akin? Parang hindi pa, ah. Ano nga bang paborito mong almusal?" Tanong niya.

Married To The President's SonWhere stories live. Discover now