Entry #4

2.5K 92 6
                                    

Sehun's POV

Ilang araw na ba simula nung may napagtripan kaming babae este lalaki? Ilang araw na ba  simula nung nagpatira ako ng di ko kakilala dito sa bahay ko? Ilang araw na ba simula nung sa tingin ko may nararamdaman akong kakaiba?

Ano ba yan almost 10 days ng nakatira dito sa bahay ko si Luhan. Nagtataka na nga yung mga kaibigan ko kung bakit bihira na lang daw akong makipagkita sa kanila. Sabi nila may chics daw ako, tama sila pero hindi chics, manok si Luhan, manok. LOL

Pinatira ko dito si Luhan kasi sabi nya hindi naman talaga sya taga rito, taga South Korea talaga sya pero pumunta lang sya dito para magbakasyon eh ang kaso nanakawan sya kaya wala syang pera. Bilang isang mabuting mamamayan ng bansang Pilipinas, pinatira ko na lang sya sa bahay ko. LOL

"Oh may rubiks cube ka pala. Di mo mabuo?" tanong ni Luhan. Andito kasi sya sa kwarto ko, ewan ko ba, pinapayagan ko na lang syang pumasok sa kwarto ko nang basta-basta samantalang yung iba hindi.

"Di ko talaga mabuo eh, ang hirap." maktol ko sa kanya

"Di yan mahirap, mukha lang pero madali lang." dahil dun sa sinabi nya, naalala ko yung kababata ko, ganyan din yung sinabi nya sa akin.

"Alam mo may naalala ako dun sa sinabi mo."

Sumagot sya ng tanong din. "Ano? O sino?"

"Yung taong nagbigay sakin nyan. Ganun din yung sinabi nya sa akin nung mga bata pa kami."

"Haha. Madali lang naman kasi talaga, kung sa Math nga ay may pattern, ano pa kaya sa pagbubuo nito."

"Kaya naman pala sinasabi nyong madali lang kasi may pattern, ayy sus! Eh anong pattern yun?"

"Oh tapos tatanungin mo din pala!" sabay gulo nya sa buhok ko. Tss. Kulit talaga.


"Up, side, down, side." iniimik ko yung move na dapat gaein habang nilalaro ko yung rubiks.

"Naku mali, sa kabila dapat." tapos tinuro nya sakin kung pano dapat. Since hawak ko yung cube, nahahawakan nya yung kamay ko habang tinuturo nya yung right move. Ang lambot ng kamay nya, pambabaeng pambabae.

"Oh ano nagets mo na ba?"

"Paano ko naman magegets eh nadidistract ako sayo."

"Ha? ANong sabi mo?" tanong nya.

Anla. Ano yung sinabi ko? Takte, nababakla na ba ako? Sh*t! Baka kung ano sabihin sakin ni Luhan, Na ano? Na bakla ako? Tsk.

"Ah wala ginaya ko lang yung line dun sa librong nabasa ko." sana kumagat sya dun sa palusot ko.

"Ah okay. Sino nga pala yung nagbigay sayo ng rubiks cube, hindi ka man lang tinuruan kung pano bumuo." tumingin sya sa akin, yung tingin na naghihintay ng kasagutan sa tanong nya.

"Umalis kasi sya bigla, ang sabi nya kapag bumalik na sya dapat maalam na ako bumuo."

"Bumalik na ba sya?"

"Hindi pa. Hindi pa kasi ako maalam bumuo eh." sabay tawa ko nang mapakla.

Hanggang ngayon, umaasa pa rin ako na babalik sya. Sya kasi ang unang taong nagparamdaman sakin kagaya ng nararamdaman ko ngayon kay Luhan. Aaminin kong hindi ito ang unang beses na nakaramdam ako ng kakaiba, lalo na sa kagaya kong kasarian.

Asan ka na ba Lance?

>>>FLASHBACK (Grade 6)<<<

Kakauwi ko lang galing eskwela, pupunta sana ako kina Lance. Pagdating ko sa kanila, nakita kong nag-aaway na naman ang mga magulang ni Lance. Lagi silang nag-aaway ni hindi nga nila alam kung ano ang nararamdaman ni Lance eh.

"Lance, tahan na, magbabati din naman sila eh." tapos hinaplos ko yung likod nya para tumigil na sya sa pag-iyak.

"Hindi Sehun eh, hindi na sila magbabati." patuloy pa rin ang pag-iyak nya.

"Ano ba yang sinasabi mo, mapapagod din sila sa pag-aaway kaya natural tititgil na din sila." pinapagaan ko pa rin ang loob nya kahit na wala akong alam sa tunay na nangyayari basta ang alam ko, ginagawa ko ang part ko bilang isang kaibigan. Diba yan naman talaga ang ginagawa ng kaibigan kapag may pinagdadaanan ang isa. Yung pagagaanin ang loob nya.

"Sehun, aalis na kami, babalik na kami sa Korea. Maghihiwalay na sina Mommy at Daddy. Pinapili nga nila ako kung kanino ako sasama, sabi ko kay mama ako sasama. Sehun Ayoko umalis, gusto ko dito. Pag pumunta ako dun, wala ng Sehun dun, wala ng Lance si Sehun dito, ayoko talaga." humahagulgol na talaga sya ngayon.

Kung kanina, binibiro-biro ko lang sya, ngayon naman, sabay na kaming umiiyak. Ayokong umalis sya, sya lang ang kaibigan ko. Ayoko talaga, parehas naming ayaw. Pero wala kaming magawa.

Iyak pa rin kami ng iyak. Tapos bigla syang nagpunas ng luha pati sipon.

"Sehun." tawag nya sa akin, tapos may kinuha sya sa loob ng bag nya. Rubiks cube.

"Maalam ka bumuo nito?" pinakita nya sakin yung rubiks.

"Hindi, ayaw mo ko turuan eh." ako naman ngayon ang nagpunas ng luha at sipon.

"Di yan mahirap, mukha lang pero madali lang."

"Anong gusto mong iparating?"

"Kapag natuto ka na nito, babalik na agad ako, diba connected ang heart natin? Kaya malalaman ko din yun agad. Promise babalik ako."


Yours (HunHan) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon