Entry #25

1.1K 43 4
                                    

Third Person's POV

Gulat na gulat si Sehun nang makita nya ang kanyang unang naging bestfriend, si Lance. Muling naalala ni Sehun ang mukha ng kanyang bestfriend at muling tumingin sa taong nasa harapan nya. Sya nga, nasabi ni Sehun sa isip nya. 

Pinapasok na muna ni Luhan si Lance sa loob ng condo ni Sehun kahit na nagugulat sya kung bakit ganun na lang ang naging reaksyon ni Sehun nung magkita sila.

"Anong meron sa inyo Sehun? Meron ba kong dapat malaman?" mga tanong na gustong gusto nyang sabihin kay Sehun pero hindi nya magawa sapagkat parang umuurong ang kanyang dila sa tuwing susubukan nya.

Hinainan muna ni Sehun ng makakain at ng maiinom ang kanilang bisita samantalang habang abala naman si Lance sa paglibot ng mata nya sa loob ng condo ni Sehun.

"Na sa iyo pa rin pala to?" manghang manghang tanong nya. Mukhang hindi makapaniwala si Lance dahil ang pagkakakilala nya rito ay madaling makasira ng gamit. "O, buo na din. Ikaw ang bumuo?" nakangiting tanong nya kay Sehun.

Kung sa palagay ni Lance ay masaya sya sapagkat nagkita na ulit sila ni Sehun, ay sya namang kabaliktaran naman ng nararamdaman ni Sehun, inis, yun ang nararamdaman nya.

"Ah eh ako ang bumuo nyan, hindi raw sya maalam eh." kamot-ulong sagot ni Luhan.

Pinipilit ni Luhan na makisama sa taong nasa condo nila ngayon, dahil na rin sa pagkakaalam nya na kaibigan ito ni Sehun.  

Biglang humigpit ang pagkakahawak ni Sehun sa kamay ni Luhan dahil sa sinabi nito. Katunayan, hindi pa naghihiwalay ang kanilang kamay simula pa kanina at alam ni Sehun na napapansin din iyon ni Lance.

"Lance."

tinawag ni Sehun ang pangalan ng kanyang kaibigan na dati ring nagpatibok ng puso nya ngunit si Luhan na ngayon.

"L na ang tawag nila sakin ngayon." ngiting sabi nito.

"L, ano ginagawa mo dito? Kelan ka pa bumalik?" 

"Teka hindi mo ba ako namiss? Nakakatampo ka naman." tapos ipinakita nito ang ekspresyong tila ba nagtatampo nga.

SHIT, nabatid ni Sehun sa isip nya dahil hanggang ngayon may epekto pa rin ang kanyang kaibigan sa kanya.

Ni hindi makatingin ng diretso si Sehun sa mga mata ni Lance, na L na ngayon sapagkat hindi nya mawari ano ba talaga ang nararamdaman nya patungkol kay L.

"Ibig kong sabihin, bat hindi ka nagpasabi?" pinilit ilayo ni Sehun ang usapan dahil posibleng may ibang pwedeng mangyari.

"Antagal kitang hinanap Sehun. Bumalik ako sa dati nating lugar, sa bahay nyo pero ang sabi ng bagong nakatira doon, ipinagbenta nyo na raw iyon. Wala akong ideya kung saan ka hahanapin hanggang sa nakasama ko sa isang bar si Kai, na kaibigan mo pala. Nabanggit nya kasi na kaibigan mo pala sya nung nalasing sya. At sya na din ang naging dahilan kung bakit ako nandito." pagpapaliwanag nya rito.

Hindi malaman ni Sehun kung ano ang dapat nyang maramdaman. Inis sya nung una sapagkat inakala nyang hindi na nya tutuparin ang pangako nya gaya ng pagpapangako ng ibang tao sa kanya ngunit heto sya, at pinagkahirapang hanapin. Unti-unting naiisip ni Sehun na parang bumabalik ang dating pagkagusto nya sa kaibigan nya, ngunit pano si Luhan?

Hindi makapagsalita si Sehun dahil sa mga narinig nya dahil hindi talaga nya inaasahan ang pagbabalik nito. Ilang araw na din ang lumipas na hindi nya naalala si L dahil kasama nya ang mahal nya, si Luhan. 

Sa hindi malamang dahilan tila bumabalik ang dating pagtingin nito sa kanya. Lumingon si Sehun sa direksyon ni Luhan, ganun din ang nararamdaman ni Sehun para kay Luhan. 

Posible kayang pareho ko na silang mahal sa mga oras na to?

Pagtataka ni Sehun sa isip nya.

Nakaharap lang si L sa kanila at tila minamanmanan ang bawat kilos ng dalawa. Huli na ata ako ng dating, mukhang nakahanap na sya. nasabi ni L sa isip nya. Antagal nyang hinanap si Sehun dahil gusto nyang magkasama na sila, gaya ni Sehun, may nararamdaman na din ito sa kanya nung mga bata pa lamang sila kaya't ganun na lang ang pagkadismaya nya sa nadatnan nya ngayon.

Tumayo na si L.

"Sehun. pwede ba kitang makausap nung tayong dalawa lang?"


Nung una, hindi pa sigurado si Sehun sa isasagot nya pero sa huli, pumayag pa din sya.

Nagpaalam muna si Sehun kay Luhan bago pumunta sa park kung saan sila mag-uusap.

Nang nakarating na sila, hindi sila mapalagay sapagkat walang gustong umimik, parang nagkakahiyaan. Umupo sila dun sa isa sa mga bench.

"Mahal mo na sya no?" nakatingin lang sa kawalan si L habang kinakausap nya si Sehun. Napatingin naman si Sehun sa kanya, tingin ng nakokonsensya sa hindi  malamang dahilan.

"Oo." diretsong sagot ni Sehun. Napabuntong hininga naman si L sa narinig.

"Nahuli na nga talaga ako ng dating, nakahanap ka na ng tunay na magmamahal sayo. At hinding hindi ka IIWAN." binigyang diin nya ang salitang iyon.

Napayuko na lang si Sehun dahil parang nakokonsensya din sya dahil nakahanap na sya ng iba at hindi na nahintay ang pagbabalik nya.

"Wag kang mag-alala, hindi ako magiging hadlang sa inyong dalawa. Masaya akong masaya ka na rin. Ayokong makasira ng isang masayang relasyon. Sana maging masaya kayo. Wag nyong iiwan ang isa't isa ha." ngumiti sya, ngiting may halong pagkasayang dahil hindi sya ang kasama nito at ngiting nagpapaubaya.

Tumayo na sya at nagsimulang maglakad. Sinundan lang ni Sehun ng tingin ang papaalis na si L. Nakakailang hakbang palang si L nang may nabangga itong lalaki. Pinapanood lang ni Sehun ang dalawa habang tinutulungan ni L ang nabangga nya. Mukhang nagkapalagayan na ang dalawa at magkasamang umalis sina L pati na rin si Sungjong na nabangga nya.

"Sana maging masya tayong lahat, Lance." nakangiting sabi ni Sehun at bumalik na sa condo kung nasan si Luhan na naghihintay.

________________________

A/N: Sorry ngayon lang nakapag-UD. Nakakawalang gana naman kasi. Walang nag-vovote at nag cocomment, hindi tuloy ako sinisipag. Andaming SILENT READERS nakakalungkot lang kasi. Huhuhu. Feeling ko hindi nyo naman naappreciate. Huhu. Drama nung Author. Vote naman kasi kayo Please. XD Salamat sa mga nagbabasa. ^______^

XOXO,

^gelai^

141129

8:08 AM

Yours (HunHan) [COMPLETED]Where stories live. Discover now