Kaito Uzumaki

18 11 0
                                    

A/N: Thanks to _Unknown_Jpanda_ for his name!

Enjoy reading! ^_^

-

'Steph where are you? Meet me in the bar at 1:00'

I said to my secretary. I heavily sighed and throw my phone. Naiinis na ako dahil kanina pa ako nag hihintay ng sagot pero wala pa din akong tinatanggap.

'Hi dude' napalingon ako sa pinto nang bumukas ito at iniluwa si Troy.

'What?' Taka kong tanong at hinubad ang pang itaas na damit ko. Tumawa ito at binato ako ng unan

'Ano bang problema mo?'
He just shrugged. Napailing nalang ako at dumiretso na sa banyo.

Ngayong gabi gaganapin ang pagdiriwang namin dahil sa pagkapanalo sa basketball nitong nakaraang buwan.
Gusto ko pa sanang tumutol nun pero ayokong sirain ung magandang gabi nila.

Minadali ko ng tapusin ang pagligo dahil gusto kong malasing ngayon.

-

'Kaito! Pre ano na?!' Sigaw ni troy sakin. Abala ako sa pagtipa ng cellphone ko dahil nag msg sakin si ana. Yung crush ko since first year of college.

'Okay? Let's go!' Masaya kong sabi at nauna nang nag lakad sa kanya. Binatukan naman ako ni troy.

'Pre Ana pa din? Tangina 4 years ka ng baliw dyan ah HAHAHAHA!!!' Mapang insulto nitong wika. Totoo naman. Mag tatapos na lang ang buhay kolehiyo ko pero hanggang ngayon hindi ko pa din siya nakukuha.

'Walang pakaelamanan pre" ngi-ngiti ngiti kong wika. Kinuha ko ang susi sa table at ganadong bumaba.

'Yaya wag niyo na akong hintayin'

Baling ko sa kasam-bahay. Hindi ko na hinintay pa ang sagot niya dahil umangkas na ako sa motor na nakaparada sa harap ng pinto. Sunod namang umangkas si troy.

'Pre kasama si ana diba?' Tanong nito na nag palaki ng ngiti ko.

'Grabe  pre! Patay na patay ka talaga eh noh! Bakla ka!" Okay na sana eh. Kaso yung sumunod di ko nagustuhan. Tinulak ko siya kaya naman nalaglag siya sa lupa. Sunod ko namang pinaharurot ang motor ko palabas dahil pinag buksan na ako ng gate. May kotse naman siya. Lintik.

-

Nang makarating ako sa Universal Bar agad akong pumasok sa loob. Bumungad naman sakin si Andrei, kaibigan ko ay may-ari ng bar

' Pre! Nice! Nice! I thought you wouldn't come?'

Taka nitong tanong

'Andyan  si ana pre?'

Balik kong tanong. Napangisi naman siya.

'Nasa pool side pre.'

Yes. This is not an exclusive bar. Bahay niya to. Undergrown ang disenyo nito. Nasa baba ang iba-ibang klase ng sports including the pool area. Sa taas naman ang Bar at sa third floor ang mga kwarto.

Pumasok ako sa loob at binuksan ang pinto pababa ng pool area. Hinubad ko ang upper shirts ko at ginulo ang buhok ko. Saming mag tro-tropa ako ang pinaka gwapo. May lahi eh.

'Oh my gosh! Ana si troy!' Tiling sabi ng kasama nang asawa ko ngayon.

'Hi wife' sabi ko ng makalapit at kumindat. Namula naman ito kaya napangiti ako.

'Wife ka dyan! Advance ka din eh noh' sabi niya ng may malaking ngiti. Niyakap niya ako na lalong ikinatuwa ko.

I kissed her forehead and i felt her giggled.

'Ikaw ha! ' sabi nito at sumandal sakin

'Sagutin mo na kasi Ana! Ayieeee'

'Oo nga! Antagal ng nanliligaw niyan oh!

Sabi ng mga kaibigan niya, nag tago naman siya sa likod ko. Mukhang nahiya.

-

'Pre uuwi ka pa ba?' Tanong sakin ni troy. Gusto ko sana siyang tignan pero naduduling na ako. Anim na oras na kaming nag iinom dito kaya naman ganon na lang ako kalasing.

Umiling ako dito at umakbay kay Ana na  nakasandal sakin.
Nahuli ko itong titig na titig kay troy kaya medyo nagising ako

'Babe, sakin lang yang mata mo' selosong sabi ko. Ngumiti naman siya sakin at tumayo.

'Ah kaito? Pinapauwi na ako ni dad.' Nahihiyang wika nito at umalis kaagad. Nakaramdam ako ng sakit kaya naman tinungg ko muli ang isang bote.

'Pre sundan ko lang' wika ni troy. Tumango ako kaya naman umalis ito. Tatayo na sana ako pero bigla naman akong nahilo. Shit!

'Pre? San ka? Dito ka nalang matulog!'

Wika ni Andrei. Pinigilan ko siya sa akmang pagtatayo niya.

'No pre, i can manage'

Sigurado kong sabi dito.
Pagewang-gewang akong lumakad palabas at malabo ang mata nang hanapin ko ang motor ko.

Nang sa wakas ay nakita ko ito. Pasuray-suray akong lumakad palapit hanggang sa muntik na akong mapaupo dahil sa pagkakapatid ko.

Dahan-dahan akong sumakay at ginamit ang susi ko upang umalis na. Kaya ko namang mag maneho kailangan ko lang mag-ingat.

Nasa kalagitnaan na ako ng byahe nang biglang mag ring ang telepono ko. Kinapa ko ito at saktong pagdukot ko ay ang hampas ng katawan ko malamig na bagay. Hindi ko na naiintindihan pa..unti-unting lumalabo ang paningin ko. Bago ako lamunin ng kadiliman ay nakita ko pa kung pano ako pinalibutan ng mga tao..  anong nangyari?

A/N: dont forget to vote!

That Jerk Is A Ghost [Wattys2019]Where stories live. Discover now