Chapter 9

13 5 0
                                    


Third person's pov

Bakas sa mukha ng magulang ni alice ang labis na pag-aalala at pag sisisi. Kamakailan lang din nila nalaman ang totoong kalagayan ng kanilang anak.

'Wake up alice, Baby please...'
Umiiyak na wika ng ginang. Putla ang katawan ni alice na kasalukuyang namamalagi ngayon sa ICU ng hospital. Mula ng mahimatay siya sa Jackson's Hospital ay hindi na ito nagising pa. Sinabi din ng doctor ang dahilan kung bakit inatake si alice. Gusto man nilang malaman kung bakit kinailangan ng anak nila na makita si Kaito Uzumaki gayong hindi naman niya ito kakilala.

'Alice..' wika ng ama niya. 'I-im sorry for what we did to you, kung sana hindi ka namin napabayaan dati, hindi mo sana to mararanasan anak' dugtong niya kasabay ang mga luha.

Ito ang pangyayaring ayaw na ayaw ni alice kaya nagawa niyang ilihim ang kanyang sakit. Ayaw niya ang kaawaan siya. Alam niya sa sarili niya hindi iyon nababagay sa kanya.

Lumipas ang buong araw na hindi nagigising si alice. Ito ang pang limang araw niya sa Hospital.

Sabay na napatingin ang mag asawa nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang doctor.

'Good afternoon Mr. And Mrs Cruz. I came here to tell you both a good and bad news.' Sabi nito at lumapit sa natutulog na si alice. 'She endure the pain since the last time that she already know about her heart failure. Ayon sa mga test na nagawa namin, 2 years ago she got her first heart attack' parehong gulat ang mag asawa sa katotohanang sumampal sa kanila ngayon. 'Iyon din ang kauna-unahang coma ng pasyente. May butas ang gitnang bahagi ng puso niya pero dahil sa naagapan naman iyon kahit papaano ay bumabagal ang paglaki nito. Pagkatapos ng dalawang taon na pag inom niya ng gamot without consulting her health, akala niya magaling na siya. Kaya naman itinigil niya ang paginom noon. At ginawa ang mga bawal na bagay katulad ng ginawa niya bago siya mapunta dito. The patient know all of these, Well. The good new is. Pwede pa siyang mabuhay ng mas matagal pa. But the bad news is, Kailangan niya ng heart donor. At gagawin iyon sa ibang bansa. '
Laglag pareho ang balikat ng mag asawa ng marinig nila ang sinabing iyon ng doctor. Napatingin silang muli dito 'base sa nakaraang konsultasyon, hindi na makakatagal ang pasyente ng higit sa dalawang taon.
Kailangan niya ng maoperahan sa lalong madaling panahon. Excuse me'

Matapos iyon sabihin ay umalis ito. Parehong napaiyak ang mag asawa at napayakap sa anak. Alam nilang kaya nilang gawin ang lahat pero ang katotohanang may limitasyon na pala ang buhay nito ay hindi nila kinaya.

Gabi na ng mapag pasyahan nilang umuwi pero bago iyon konontak muna nila ang isa sa tumayong ina ng dalaga. Tatlong araw ng walang pahinga ang mag asawa kaya naman umuwi sila dahil bukas na bukas ay aalis sila ng bansa upang gamutin na ang kanilang anak.

-

'Ija, kamusta kana?' Tanong ng matanda sa natutulog na si alice. Tila ba umaasa itong sasagutin siya nito. Palihim na napapahid ang matanda sa pisngi nito senyales na umiiyak ito. 'A-alam mo ija? Namimiss na kita, mahal na mahal kita kaya bumangon kana dyan ha? Wag kang mag tatagal. marami ka pang plano sa buhay' hindi napigilan ng matanda ang humikbi. Alam niyang ayaw ni alice ang kaawaan at iyakan lalo sa gantong sitwasyon pero hindi niya iyon mapigilan. Masyadong masakit para sa kanya na kahit siya mismo ay hindi alam na may nangyayari na pala sa alaga. 'Kay husay mo talagang mag tago ng nararamdaman ija, biruin mo pati ako hindi ko man lang nahalata. Malalagot ka sakin kapag nagising kana, papakainin kita ng gulay' malungkot itong tumawa. Alam niyang kahit tulog ito ay naririnig siya nito. niyakap niya ang dalaga na lalong nag paiyak sa kanya.

-

Kinaumagahan, abala ang lahat sa pag aayos ng mga dadalhing gamit ang mag asawa, Ngayon ang alis nila papunta US upang ipagamot ang kanilang anak.

'Wala pa tayong heart donor lester! Hindi tayo pwedeng pumunta nalang basta don!' Sigaw na wika ng ginang. Kagabi pa niya iniisip kung sino ang taong makakapag bigay ng panibago nitong buhay pero wala siyang mahanap. Nilapitan siya ng asawa at hinagkan

'Wag mo munang isipin yan, ang importante ay mapunta na natin siya sa US at magamot  kahit saglit lamang'  gusto pa sanang mag salita ng ginang pero tinikom na lamang niya ang kanyang bibig. at walang ibang ginawa kundi ang umiyak.

Wala ang dalawa niyang kapatid dahil abala ito sa pag papatakbo ng kompanya nila. Habang ang mag asawa ay inaalagaan si alice. Walang ibang ginawa ang lahat kundi ang sisisihin ang sarili nila sa nangyari sa dalaga.

Sa. Kabilang banda.

Ang katawan ni kaito ay unti-unti ng nag babalik sa normal nitong estado. Alam ni kaito ang nangayari pero ang di niya alam kung nasan na si alice. Hindi naman niya magawang makaalis dahil nag aalburoto ang katawan nito. At isa pa, hindi pa niya nakikita si ana at troy.

Unti-unti ng nanghihina ang kaluluwang anyo ng binata sa kadahilanang malapit itong magising. Alam niyang kapag may katawan siya ay masusuklian niya na ang lahat ng ginawang tulong sa kanya ng dalaga.

Masakit para sa kanya ang tignan ang sarili niyang katawan na walang buhay na nakahiga sa kama. Pero ang mas masakit ay ang hindi na niya nakikita pa si alice.

Tumayo ito nang makabuo na ng desisyon at umastang aalis na sana  pero agad siyang lumutang sa ere na lalong nag pawala ng lakas niya. Ramdam niya ang unti-unti niyang pagbaba.

'Makakabalik na ako alice, hintayin mo ko' saad niya bago tuluyang bumagsak sa sarili niyang katawan.

Kasabay ng pag hangin ng malakas ay ang  paggalaw ng daliri ng isang binata.


- a/n: hi guys! Napasok ang storyang ito sa wattys2019 pero hindi ma modify ang story. Hindi ko alam kung pinagloloko ba ako o hindi eh HAHAHAHAHA baka sadyang nag loloko ang watty ngayon.

That Jerk Is A Ghost [Wattys2019]Where stories live. Discover now