Poem 01

1 4 0
                                    

🌹POEM 001 🌹

::;✒️🌹

           "Ashton" ohh nag text baby ko. Agad akong nag reply

           "Hey baby what happened?" reply ko kasi alam kong may problema sya.

          "Baby, aalis ako ayoko na dito sa pekeng mundo. Things got complicated di ko na kayang pagsabayin ang problema pati ikaw. Sorry" nagulat ako sa reply nya kaya tutok ako sa pakikipag usap sa kanya.

         "B-baby but you know i can help you right. P-please dont leave me" di ko na akalaing tumulo na pati luha ko. Agad ko itong pinunasan. Psh such a gay iniiyakan ko yung taong nakilala ko sa pekeng mundo.

          "B-baby sorry i cant. Just forget about me. Im sorry" Reply nya.

         "Please dont leave me. Kahit pekeng mundo toh mahal na mahal kita please" reply ko ng tumutulo pa rin luha ko. Fuck she's leaving me.

         "Sorry baby." reply nya sabay delete ng nicknames namin. Di ko na alam ano sasabihin ko.

         "Baby, okay im letting you go pero maghihintay ako sana bumalik ka pa. Promise hihintayin kita, pangako." yun yung huling reply na sinabi ko bago nya idelete yung acc nya.
       

🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹🌹

"𝐌𝐀𝐆𝐇𝐈𝐇𝐈𝐍𝐓𝐀𝐘 𝐀𝐊𝐎"
@Poging Abo

Mahal, Kamusta ka na?
Ako pa ba'y naalala mo pa?
Lumipas yung panahon,
Pero di pa rin ako makaahon
Makaahon sa dati na andito ka pa
Andito kausap ka pero muli ka ding lumisan
Lumisan, pero sa pagkakataong ito nagpaalam ka
Nagpaalam, nangakong babalik pa.
Saksi yung facebook nung akoy iyong pinangakuan
Nangakong magbabalik din at akoy nangakong maghihintay, pangako.
Mahal, asan ka na kaya?
Ako pa ba kayay naiisip mo pa
Saksi ang distansya nating dalawa
Kung paano ako nagtiwala at di humanap ng iba.
Sana ikaw din, sana ako pa din, sana tayo pa din
Sana pagbalik mo, ako pa din ang laman ng puso mo
Maghihintay ako yan ang pangako
Ilang araw, buwan, at taon man andito pa din ako
Sana sa pagbalik, di na muling umalis.
Lumuha man ako sa pangungulila, pero di dahil ako'y pagod na
Mahirap man pero kakayanin.
Mapaagod man pero di susuko, yan ang pangako
Lungkot, pangungulila at bahid ng sakit ay di mawala-wala
Sana bumalik ka sa piling ko at di sa iba
Tatanggapin lahat ng pagsubok, dahil ang puso ko'y ikaw ang tinitibok
Di man madali, pero di rin naman mahirap kaya kakayanin kong maghintay
Dadating ka din, di man ngayon pero di sa susunod
Saksi ang mga luha kung ilang beses ng pumatak
Saksi ang tala sa gabing may pangungulila
Saksi ang mga gabi sa mga walang sawa kong paghikbi
Saksi ang lahat sa paghihintay kung ikay bumalik
Mahal kita wala ng iba.
Maghihintay ako at di susuko yan ang pangako.

@YoursEvren

PoemsWhere stories live. Discover now