Poem 08

2 2 0
                                    

🌹Poem 008🌹

🌹Poem🌹
@YoursEvren
::;✒️

"HIHINTAYIN KITA"

Mahal? Asan ka na
Babalik ka pa ba?
Balik ka ah? Hihintayin kita
Ilang araw ka ng wala
Aabot ba ng buwan?
Hanggang kailan
Hanggang kailan ako masasaktan?
Hanggang kailan ko titiisin
Miss na miss na kita
Yung tampuhan
Yung selosan
Yung asaran
Yung kulitan
Yung konting kamanyakan
Yung pagmamahalan
Bigla nalang nawala
Mahal? Sorry
Kung nasaktan kita ng labis
Di ko naman yun ninais
Pero ang sakit
Umabot tayo sa ganto
Tuluyan kang naglaho
Tuluyan ka ng sumuko
Mahal balik ka na oh
Di ko na kaya eh
Lumaban ka oh
Wag ka muna sumuko
Hihintayin pa rin kita
Kahit gano katagal
Araw, Buwan, taon
Kakayanin ko
Bumalik ka lang
Babawi pa ko
Sa mga kasalanan ko
Sorry kung nasaktan kita
Sorry kung binalewala kita
Sorry kung ang tanga ko
Sorry kung kung napaka wala kong kwenta
Di ko akalaing aabot sa ganto
Na mawawala ka sa piling ko
Sobrang sakit eh
Di ko kakayanin
Sobra, sobrang sakit sa damdamin
Kung kailan andito ka
Binalewala kita
Kung kailan andito ka
Humanap pa ko ng iba
Kung kailan nandito ka
Sinaktan kita
Ngayong wala ka
Puno ng pagsisisi at luha
Bakit?
Bakit ka tuluyang nawala
Bakit tuluyan ka ng nanghina
Lakas natin ang isat isa diba?
Pero ako mismo nagpahina
Ikaw yung naging mundo ko
Ikaw yung nag iisa ko
Ikaw lang yung minahal ko ng ganto
Ikaw lang at wala ng iba
Pero wala na eh
Tuluyan ng naglaho
Sana
Sana bumalik ka
Sana ako pa din
Sana tayo pa din
Baka sakali
Baka sakali lang naman
Balik ka ah?
Hihintayin kita
Aayusin ko lahat
Gagawin kung tama ang mali
Iingatan ka at di na maghahanap ng iba
Ikaw lng sapat na
Pero huli na
Huli na para bumawi
Kasi umalis ka
At di ko alam kung babalik pa
Sana nga
Sana nga bumalik ka
Pero kung hindi na
Andito lang ako
Andito pa rin maghihintay
Maghihintay sa wala
Amdito lang ako mamahalin ka
Andito lng ako di susuko
Nangako ako eh
Laban lang ah
Hihintayin kita
Mahal na mahal kita
Sana pagbalik mo ako pa din
Kung sakali lang naman
Basta tandaan mo
Kung babalik ka
Andito lang ako
May babalikan ka pa
Kasi nga mahal kita
At pag mahal mo
Kahit gaano kasakit
Kahit ilang beses ko ipilit
Kakayanin
Lalaban pa din
Kahit magmukhang tanga
Wala akong paki
Kasi mahal kita
Wala ng iba
Pangako
Mahal kita Asawa ko.

@YoursEvren

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoemsWhere stories live. Discover now