Poem 06

4 2 0
                                    

🌹POEM 006🌹

🌹Poem🌹
@YoursEvren
::;✒️

**"ANO NGA BANG MERON TAYO"**

Ano nga ba?
Pano nga ba?
Pano tayo napunta sa ganito?
Sobrang nakakalito
Ano nga ba tayo
Kaibigan lang ba
O higit pa
Pano tayo humantong sa ganito
Selosan, tampuhan, kulitan
Na ayaw mapawi ng biglaan
Mahalaga ka
Na tipong ayoko mawala
Pero nasasaktan ka
Dahil din natin alam kung ano nga ba tayo
Kaibigan ba o higit na
Walang label kumbaga
Pero ayokong mawala ka
Gusto kong higitan
Pero tila mabilisan
Ano nga bang meron tayo?
Di ko alam
Di mo alam
Pareho tayong walang kaalam alam
Di natin makamit ang ating inaasam asam
Ano nga ba kita?
Ano nga ba ako sayo?
Ano nga ba tayo?
Ay oo nga pala walang tayo
Sino ka nga ba sakin?
Di ko alam ang sigaw ng damdamin
Gusto kong magtanong?
Ano nga ba tayo?
Pero ayoko
Kasi ayokong mawala ka sa piling ko
Ngunint hanggang dito na lang ba tayo?
Masaya ako tuwing kausap ka
Kinikilig ako pag bumabanat ka
Nagseselos ako pag may kausap kang iba
Nagtatampo ako pag wala ka
Pero teka
Di nga pala tayo
Pero bakit ganito
Nasasaktan ako
Ang hirap mag assume ng sobra
Lalo na't tila kaibigan lang talaga
Nababaliw kakaisip kung anong ginagawa mo
Di mapakali kung sinong kasama mo
Kampante sa tuwing nakakatanggap ng chat mo
Pero di pa rin ako sigurado
Parang may tayo
Pero wala
Akala ko lang tlaga
Ano nga ba tayo?
Hihigit pa ba sa kaibigan
Ayy di na pala hahaha
Ang sarap ipagsigawan na 'Mahal Kita'
Pero kaibigan lang pla kita
Bakit ganto
Nasasaktan ako
Eh wala naman tayong label
Kaya di ko alam kung san ako lelebel
Ang hirap magselos
Gayunpaman kaibigan lang tayo sadyang sobrang close
Eto ako nakatanaw sa buwan
Tinatanong kung bat ganyan
Hanggang kaibigan lang
Di na pedeng higitan
Kasi ayaw kang masaktan
Kasi mawawala din siguro ako ng tuluyan
Saksi yung tala
Kubg pano ako nagparaya
Balik tayo sa umpisa
Ano nga bang tayo?
Meron nga bang tayo? Wala pala
Gusto kung higitan pero ayaw ni tadhana kasi may masasaktan
Ano nga bang meron tayo?
Alam ko na ang sagot
Sa mga katanungan ko
Ano nga bang meron tayo?
Kaibigan
Siguro yun lang
Di na hihigitan
Kasi ayaw kitang masaktan.

@YoursEvren

PoemsWhere stories live. Discover now