: t.four_34

876 47 23
                                    

Daerim.




"Huhu, gaga ka talaga Son Daerim!" pagmamaktol ko habang nakaupo sa isang bench dito sa park. "Paniguradong magagalit 'yun. Pero mas okay naman 'yon kesa sa masaktan siya ni Yejin diba?"



Bakit kasi ang pakielamera ko masyado? Hindi ko maisip yung magiging itsura ni Minkyu kapag nalaman niyang wala naman talaga dito si Haruto. Pero syempre gwapo pa din yun for sure. At bakit si Haruto pa ang ginamit kong dahilan?!




Huhu, magagalit talaga siya nito.




"DAERIM!" sigaw ng isang lalaki sa likod ko. Agad naman akong lumingon sa kanya at katulad ng inaasahan, dumating si Minkyu. Napansin ko naman na pawis na pawis siya habang dala-dala yung flowers na ibibigay niya siguro kay Yejin.




Shit. Bihis na bihis siya tapos eto lang ang ginawa ko sa date nila. "M-Minkyu.." agad niya akong hinila sa tabi niya at tumingin sa paligid. Wala diyan si Haruto.




"Nasan si Haruto? Sinaktan ka ba niya?" teka, paano niya nalaman? "Kilala mo si Haruto?" tanong ko sa kanya. "Nakita ko yung pangalan niya sa cellphone mo noong nasa school tayo."





"Nasaan siya?" paghahanap niya ulit kay Haruto.




"M-Minkyu, w-wala si Haruto dito.."



Agad naman siyang tumingin sakin. Nanatili kaming tahimik hanggang sa binitiwan nuya ang pagkakahawak sakin. Tangina mo self.



"Ano nanaman ba 'to Daerim?" tanong niya sa akin. "I'm sorry, Minkyu."



"BAKIT KAILANGAN MONG GAWIN 'TO?! Dahil ba gusto mo ako? At nalaman mong magdedate kami ni Yejin, ganon ba? Pinapunta mo ako dito para hindi matuloy yung pagkikita namin ni Yejin diba?!" sigaw niya.



Mas na-guilty ako dahil sa sigaw niya na 'yon. Hanggang sa hindi ko na namalayang tumutulo na yung luha ko. Ang sakit kasi, first time ko lang mapagalitan ng ibang tao tapos si Minkyu pa. Dongpyo, kambal, tulungan mo ako dito huhu.



"I'm sorry, ayoko lang kasi―"



"Ayaw mong maging kami ni Yejin, oo alam ko 'yon. Una pa lang naman, sinabi mo na 'yan diba? Gusto mo akong ilayo kay Yejin. Pero hindi ko alam na ganon ka ka-desperada." tinapon niya sakin yung dala niyang bouquet at agad na umalis.




"Minkyu! Minkyu, I'm sorry."





Ayoko lang na masaktan ka, Minkyu..


ang sabaw huhu ;-;

STRANGER 'ᵐⁱⁿᵏʸᵘWhere stories live. Discover now